***
KYLE’S POV
“Tito! Tito! Tito si Zyne!” Sigaw ko sa labas ng bahay nila Tito Zin at Tita Min habang buhat-buhat ko si Zyne. Nung himatayin siya kanina ay hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman ang unang pumasok sa isip ko ay dalhin siya sa bahay nila Tito Zin. Ramdam na ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin sa namumutlang mukha ni Zyne. “Tito Zin! Open this freaking door!” I shouted.
Tskkk! Ano ba yan? Ba’t ang tagal-tagal niyang buksan ‘tong gate? Halos ma-r**e ko na ‘tong doorbell nila eh! Pero hanggang ngayon ay di niya pa rin binubukasan. Dapat pala ay sa ospital ko na lang dinala si Zyne. Patalikod na sana ako ng marinig kong may nagbukas ng gate nila at nakita ko si Tita Min pala ang nagbukas nito.
“Oh, Kyle! What happened? Anong nagyari kay Zyne?” She asked. “I don’t know, Tita. She just lose consciousness,’'I replied. “Naku! Ipasok mo na siya sa loob, bilis!” natataranta niyang saad. Ipinasok ko si Zyne sa loob ng bahay nila while tinatawag naman ni Tita Min si Tito Zin. Maya-maya lang ay lumabas na ito sa kwarto nila.
“Bring her in the guest room now!” sigaw ni Tito Zin sa akin kaya dali-dali ko ring ipinasok si Zyne sa isa sa guest room nila. Nakita kong agad pumasok si Tito sa kwartong pinasukan ko dala-dala ang stethoscope niya din itinapat niya ito sa dibdib ni Zyne. After that ay naglabas siya ng thermometer.
“Tito Zin! Anong nangyari sa kanya? Bakit ganayan siya? Ba’t hinimatay siya? Anong sakit niya? Bakit ayaw niya pang gumising? Uy! Tito Zin, ano bang nangyayari sa kanya? Sabihin mo sa akin kong anong nangyayari kay Zyne!” I shouted. Tumingin si Tito Zin sa akin then huminga siya ng malalim, “I’m really, really, really sorry! I think kailangan mo ng maghanap ng papalit kay Zyne as your P.A,” sabi niya in a serious tone.
“H-Huh? But why?! Ano bang nangyayari kay Zyne? For pete’s sake tell me what’s f*ckin happening to her!” nangagalaiti kong tanong sa kanya. “Papalitan si Zyne? No way! Ayoko nga. Ano ba talaga ang meron kay Zyne? Sa expression pa lang ni Tito Zin ay parang kinakabahan na ako na ewan. “Wag kang mabibigla… “ sabi niya sabay patong ng mga kamay niya sa braso ko. “May malalang sakit si Zyne…” He said.
“No! No! No! You’re just lying to me…” Halos pabulong kong sabi sabay upo sa may sofa. Una si Baby Asha and now it’s Zyne! Bakit niya ba pinapahirapan ang mga mabubuting tao? Bakit hindi na lang ako? Tutal masama naman akong tao eh! Zyne taught a lot of things on me. Sa lahat ng naging P.A ko siya lang ang nagtyaga at nag-alaga sa akin ng ganito. I know she’s kinda annoying, crazy and weird, but she’s my crazy little angel. Hindi ko kayang nahihirapan siya.
“No! Ayoko. Hindi pwedeng manyari yun kay Zyne! Ayoko! Ayokong palitan si Zyne. It’s not the same without her! Ayoko talaga! Never!” I said. “Kyle!” tawag ni Tito Zin sa akin. Tinignan ko siya at nakita kong paano lumungkot ang expression niya ay napalitan ng mapang-asar na ngiti.
“Joke lang yun ‘no! Di ka naman mabiro. May lagnat lang si Zyne. Siguro over fatigue narin. Pero aminin nag-alala ka sa kanya ‘no? Ayieee… Sinasabi ko na nga ba HAHAHAH!” Sabi ni Tito Zin sa akin habang tumatawa pa. “Ang sarap talagang tignan ng mukha mo kanina HAHAHAHAH! Para kang naiiyak na ewan,” he added while laughing.
‘'Ikaw talaga, darling. Ang hilig mong pinag-aalala ‘tong si Kyle!” Sabi naman ni Tita Min habang tumatawa din. “HAHAHAH! Eh! Darling, ito naman kasing si Kie kong makapag-alala kay Zyne ay parang asawa niya ang may sakit,” he said. Tinignan ko yung dalawa sa harapan ko. So, pinagtritripan lang nila ako? Gano’n? Nakakabadtrip naman oh! “Heh! Magsitigil na nga kayong dalawa. Ayoko lang magkasakit siya dahil ang hirap kayang maghanap ng bagong P.A!” Pagdadahilan ko sa kanila.
“Woah! May pa-it’s not the same without her ka pa nga kanina eh!” Pang-aasar ni Tito Zin sa akin. “Tigilan mo na nga ako! Patulog na lang sa kabilang guest room kailangan ko pang bumawi ng ltulog!” I said sabay labas sa guest room na iniukupa ni Zyne. Potek! Pagtripan ba naman ako. Nakakabadtrip Talaga sobra! Napahawak ako sa dibdib ko at napabuntong hininga. But in some ways, I feel relief.
KYLA'S POV
“Eat this para gumaling ka na! Make sure nauubusin mo ‘tong lugaw na ‘to kong ayaw mong ihulog kita sa veranda!” Pagbabanta ni Kuya Kyle kay Zyne. Nandito ako ngayon sa bahay nila Tito Zin para dalawin si Ate Zyne. Nabalitaan ko kasi kay Tita Min na isinugod daw ni Kuya si Zyne sa bahay nila pati na rin ang pangtritrip nila kay Kuya ay sinabi niya rin sa akin. Pagkarating na pagkarating ko sa bahay nila Tito Zin ay nadatnan kong pinapakain ni Kuya si Ate Zyne ng lugaw at grabe ang daming pagbabantang ginawa niya para ubusin lang yung lugaw. I smile. Mukhang nakakahalata na ako kay Kuya ah!
“Oo naman! Uubusin ko talaga ‘to. Gawa mo ‘to eh!” Sagot ni Zyne sa kanya. “Heh! Tumigil ka nga. P-Pinabili k-ko l-lang y-yang l-lugaw n-na a-ah!” He said. Pumasok na ako sa guest room na iniukupa ni Ate Zyne then lumapit ako sa higaan kong saan kasalukuyang nakahiga siya. “Kuya! Ba’t ang daming nagkalat na kasangkapan sa kitchen? Parang may nagluto ng lugaw eh!” Panlalaglag ko sa kapatid ko. Kuya Kyle give me a ‘shut your mouth’ look, kaya halos matawa ako sa expression niya.
“Ang sweet-sweet mo naman sa akin, Kie. Talagang Ipinagluto mo talaga ako ng lugaw!” Zyne said innocently. Hay, Naku! Sana naman ay maramdaman ni Ate Zyne yung nasesense ko kay Kuya at sana naman ay ‘tong Kuya ko ay tumigil na sa ka-dedeny. “Anong sweet ka d’yan? Gusto lang kitang gumaling ‘no! Di ako makakapunta sa shooting ng walang chimay!” He said. Tignan niyo sobrang in-denial talaga nitong kapatid ko. “Sige na nga! Kakainin ko na yan, Kie!” She said while smiling. “Oh! Ito Isubo mo na,” sabi naman ni Kuya then hinihipan niya yung lugaw na nasa may kubyertos at sinubuan si Zyne.
Hayst! Nakakaingit naman ‘tong dalawang ‘to. Sa totoo lang ang sweet nilang tignan para silang mag-girlfriend at boyfriend. Ang swerte naman ni Ate Zyne. Ako kaya? Kailan kaya ako makakailala ng lalaking mag-aalala sa akin pag may sakit ako? Yung pag wala ako sa paningin niya ay mamimiss niya ako, yung lalaking mapasaya lang ako ay Masaya na rin. I sighed. Naalala ko tuloy si Yuan at pati na rin yung issue naming dalawa na hanggang ngayon ay di pa rin humuhupa. Dahil sa issue na yun ay di pa rin kami napapansinan at lagi lang nag-iiwasan or should I say na ako na mismo ang umiiwqs sa kanya.
Hindi naman sa galit ako sa kanya or what dahil hindi niya naman yun kasalanan. It’s just that… na sana ‘Oo’ yung isagot namin sa mga reporters. Oo, may relasyon kaming dalawa ni Yuan at mahal niya ako. Kaso kabaligtaran lahat. Isang malaking misunderstanding lang ang lahat ng nangyari. Walang namamagitan sa aming dalawa, best friend lang talaga ang Turing niya sa akin at hanggang ngayon ay sobrang sakit isipin nun. “Zyne! Asawaaaaaa koooooo!” I was back to my senses ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun.
Pare-pahero kaming napatingin sa may pintuan at nakita namin si Yuan na nakatayo at bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Dali-dali siyang naglakad patungo sa kama ni Zyne at dinaanan niya lamang ako na para bang di niya ako nakita. At mukha nga’ng di niya talaga ako nakita, “Zyne! Asawaaaaaa koooooo. I heard from manager Zyra na may sakit ka raw! Are you alright?” Hinawakan niya ang noo ni Ate Zyne. “Hindi ka na gaanong mainit but still ang putla-putla mo pa rin!” He said then tinignan niya si Kuya Kyle.
“Gēgē Kyle! Ano ba kasing ginawa mo kay Zyne? Bakit siya nagkasakit?” He said. “H-Huh? Teka lang ah! Are you blaming me?” Sabi niya kay Yuan. “Ay, Naku! Yuan, walang kasalanan si Kie… Sadyang mahina lang talaga ang resistensya ko!” Sabat naman ni Zyne. “Okay! Pero dapat kang magpagaling ah?” After he said that ay kinuha niya ang bowl na hawak ni Kuya Kyle na naglalaman ng lugaw. “Ako na ang bahalang magpakain sa kanya! Promise aalagaan ko siya para mas mabilis na siyang gumaling,” Yuan said. Kuya just shrugged then umalis na siya sa room.
“Zyne! Asawaaaaaa koooooo. Kain ka na!” Sabi naman ni Yuan while sinusubuan niya ng lugaw si Zyne. “May gusto ka pa bang kainin? Sabihin mo lang sa akin ah?” He asked. She smiled at him, “Oaky lang ako, Yuan. Salamat sa pag-aalala!’ She say. “Syempre mag-aalala talaga ako sayo! You’re a very important person to me,” Yuan said. Boooooooom! Very important person? Bakit pakiramdam ko may deeper meaning pa yun? Napatingin ako kay Yuan at nakita kong nakatingin din siya sa akin. “K-Kyla!” Bulong niya at parang ngayon niya lang narealize na nandito sa room.
Tumalikod na ako at naglakad ako palabas sa guest room na iniukupa ni Ate Zyne. Tsaka ako pumasok sa isang guest room kung saan ako laging nag-sstay pag nandito ako sa bahay nila Tito Zin. Bakit ba ang sakit? Hindi ko alam kong bakit ganito. Noon pa lang, sobrang lapit ko na kay Yuan. Pero bakit hindi niya nakuhang magkaroon ng nararamdaman sa akin? Pero si Zyne, kakilala niya pa lang sa kanya, pero bakit napamahal agad siya rito? Oo alam kong mabait si Zyne at hindi siya mahirap mahalin. But still… But still ang sakit tanggapin. Huminga ako ng malalim habang nararamdaman ko ang luha na bumabagsak sa mga mata ko.
Siguro nga ganon talaga. Kahit anong gawin ko pa, never niya akong magugustuhan. Kasi never din namang nadidiktahan ang puso eh! Sadyang hindi na lang talaga lalagpas ang tingin niya sa akin kundi bilang isang kaibigan lang talaga. Ayoko ng masaktan. Gusto ko na lang maging best friend si Yuan. Gusto ko na lang mag-stay sa tabi niya. Gusto ko ulit makuntento ulit bilang isang kaibigan niya. Alam kong napakahirap gawin ng bagay na ‘to… but I want to let him go. Kinuha ko yung cellphone ko then tinawagan ko si Tita Kris, yung manager ni Yuan. “Ma’am! Please call a press conference. I’m willing to speak up the truth about sa issue namin ni Yuan.”.