KABANATA 19

2320 Words
*** ZYNE’S POV “K-Kie! Pasok na tayo sa loob ah?” Tinignan ko si Kie habang nakatingin siya sa bahay nila Asha kung saan nakalamay yung bata. Kanina pa kami dito sa labas ng bahay nila. Nasa loob lang kami ng kotse habang tinitigan namin mula dito sa loob yung bahay nila. I sighed. Nung sinabi ko kagabi kay Kie na wala na si Asha, hindi siya umiyak nun pero ramdam na ramdan ko ang lungkot niya. Ni hindi na nga niyang nakuhang kumain nun eh! Walang nagsasalita sa amin nung panahon na yun. Pareho kaming tahimik at walang imik. Kaninang umaga naman ay ipina-cancel niya lahat ng appointment niya. Nakaaway pa nga niya yung director ng movie nila eh! Pati na rin yung ibang ipina-cancel niyang guestings at interviews. Buti na lang at kinausap sila ni Manager Zyra, yung manager ni Kie. Tinignan ko ulit si Kie na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa bahay nila Asha. Huminga ako ng malalim and I try my best para bigyan ng isang matamis na ngiti si Kie. “K-Kie! Pasok na tayo sa loob. D-Diba tumawag si Baby Asha? A-At s-sabi n-niya g-gusto n-niya t-tayong m-makita. K-Kaya h-halika n-na, p-paniguradong h-hinihintay n-na n-niya t-tayo!” Huminga ulit ako ng malalim just to restrain myself from crying. Nilingon ako ni Kie then he gave me a sad smile then tumango siya. Bumaba na kami sa kotse at sabay kaming naglakad papasok sa bahay nila Asha. Agad naman kaming sinalubungan ng Lolo ni Asha. “L-Lolo, c-condolence p-po!” Salubong kong sabi rito. Ningitian niya lang ako at niyakap ng mahigpit. Humiwalay siya sa pagkakaalam sa akin at tinignan niya kaming dalawa ni Kie sabay sabing, “Kanina pa niya kayong hinihintay!” Sabi ni Lolo sa amin tapos sinamahan niya kami palapit sa kabaong ni Asha. Sinilip ko siya sa coffin niya at halos maiyak ako nang makita ko ang napakapeaceful niyang mukha. Nilagyan na siya ng wig at suot-suot niya na din yung clip na binili ni Kie sa kanya. Yakap-yakap naman niya yung picture naming tatlo while may nakapulupot na rosary sa kamay niya. “Alam niyo ba na sobrang saya ng Apo ko nung iginala niyo siya? Hindi ko pa nakitang gano’n kasigla si Asha simula nung nagkasakit siya,” sabi ng Lolo niya sa amin. “Talagang tuwang-tuwa siya sa inyong dalawa. Last year pa sinabi ng doctor niya sa akin na wala ng pag-asa pang mabuhay ang Apo ko,” Pagpapatuloy niya pa. “Mabait na bata si Asha at wala siyang masyadong hilig sa mga material na bagay. Pero kayo napasaya niyo ng husto ang Apo ko, kaya salamat talaga sa inyong dalawa. Lalo na sayo Kyle, alam kong sobrang busy mo dahil isa kang artista pero sobrang saya ko ng nagpagbigyan mo si Asha. Alam mo ba? Bago bawian ng buhay ang pinakamamahal kong Apo ay sobrang saya niya dahil nakausap ka niya sa telepono at hawak-hawak niya pa yung picture ninyong tatlo. Kaya laging pasasalamat ko talaga sa inyong dalawa ni Zyne kahit na sa maikling panahon lang ay napasaya niyo ang Apo ko,” dagdag pa niya. Tinignan ko si Kie at nakita ko hanggang ngayon ay nakakatitig pa rin siya sa kabaong ni Asha habang nagsasalita si Lolo. Then nilingon ko ulit si Lolo at binigyan ko siya ng isang ngiti, “Lolo! Masaya din po kami na nakasama namin si Asha. Hindi po siya mahirap mahalin kaya naman napalapit na rin kami sq kanya, “ I said. “Salamat, Zyne. Teka muna! Kumuha lang ako ng makakain niyo ah?” After he said that ay Tinalikuran niya kami at dumiretso sa kusina. Nakita ko namang tumalikod din si Kie sa kabaong ni Asha at naupo sa isang upuan. Kaya sinundan ko siya at naupo sa tabi niya. “K-Kie! A-Ayos k-ka l-lang b-ba?” I asked him. Hindi niya ako sinagot at nakatitig lang siya dun sa malaking litrato ni Asha na nakapatong sa kabaong. Huminga ako ng malalim. Alam kong nasasaktan si Kie ngayon kahit hindi siya nagsasalita o nagpapakita ng emosyon. Alam kong nalulungkot siya at ramdam na ramdan ko yun kahit na di niya man ito ipinapakita. Sa totoo lang di ko talaga alam kong anong sasabihin ko sa kanya ngayon eh! Oo, ilang mga mahal ko na sa buhay ang nakita kong nawala. Pero si Kie, hindi ko alam kong naranasan na niya ang sakit na ‘to dati. “I-I p-prayed t-to G-God!” He said. Kaya napalingon ako sa kanya at nagulat ako ng makita ko siyang nanginginig. “Z-Zyne! I prayed to God and told him to save her. But why? Bakit di niya ako pinakinggan? Bakit ganito ang nangyari kay Baby Asha?” He said. Hinawakan ko yung kamay niya. “He lessen to your prayer, Kie. Tinupad niya yun but not the way you expected it to be,” I said. “But, Asha is so young! Madami pa siyang pwedeng gawin! Bakit kailangang maaga pa siyang mawala mundong ‘to? Tell me Zyne, bakit?” Sambit niya. “Nung tumawag siya, kung alam ko lang na huling beses ko na pala siyang makakausap ay sana pala ay pinuntahan ko na lang siya sa ospital para kahit sa huling sandali ay makasama at makausap ko man lang siya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nagawang pagbigyan yung huling hiling niya. Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit si Asha pa ang may ganoong sakit? Masama akong tao at laging pera lang ang Nasa isip ko. Pero bakit binigyan niya ako ng malakas na pangangatawan? Bakit si Baby Asha, hindi?” He added. “K-Kie!” Wala sa sarili kong sambit. “Tell me, Zyne. Bakit?!” Huminga ng malalim si Kie at nagulat na lang ako ng makita kong may luhang lumalandas sa pisngi niya. “Bakit ako napalapit sa isang taong hindi ko man lang magkakasama ng matagal? Bakit ko iniiyakan ang batang sandali ko lang namang nakasama? Pakiramdam ko tuloy para akong namatayan ng isang anak eh!” After he said that ay napatakip na lang ng mukha si Kie and nakita ko na naman ang panginginig niya. Alam kong Tuloy-tuloy na ang pag-iyak niya ngayon. Si Kie na palasigaw, masungit, maarte at matapang ay ito ngayon umiiyak. Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak and I don’t know why, but I totally breaks my heart. Hindi ko na napigilan pang yakapin siya ng mahigpit habang tumutulo na rin ang sarili kong mga luha. “S-Syempre m-masakit, K-Kie. B-Baby n-natin s-si A-Asha, remember? Nasasaktan din ako sa nangyayari. Sobra. Pero alam mo ba iniisip ko na lang at least ngayon ay kasama na niya si God,” pagsisimula ko. “At least ngayon ay di na nahihirapan ang baby natin. Kie! Our baby is now free of pain. Let’s be happy for her na lang ah?” I said. Naramdaman kong humihigpit na ang yakap ni Kie sa akin. For a while ay hinayaan namin ang mga sarili naming umiyak sa bisig ng bawat isa. Alam kong pareho lang yung sakit na nararamdaman namin ngayon at kailangan namin ang comfort sa isa’t-isa. Kahit papano ay gumagawa na tin ang loob ko. Sana gano’n din siya, sana in some ways ay nakatulong ako para pagaanin ang loob niya. Ilang araw rin kaming tumulong ni Kie sa pag-aasikaso sa lamay ni Baby Asha. Isang linggo kasi ang lamay at halos limang araw na kaming walang masyadong tulog at pahinga. Bukod kasi sa pagtulog sa kamay ay pumupunta rin kaming dalawa ni Kie sa mga appointments niya at sumasaglit rin kami sa tapings niya. Buti na lang at nakiusapan ng maayos ni Manager Zyra yung director ng movie nila Kie, pati na rin yung ipina-cancel na schedules. Tumingin ako sa orasan and it’s already pass midnight. Nilingon ko si Kie, “Kie! Saan na tayo pupunta?” I asked. “Uuwi muna tayo para Nakatulog tayo saglit,” tugon niya. “Pero hindi ka pa nakakain ng dinner. Alam kong may 24 hours na open na fast food. Gusto mo bang dumaan mo na dun? Para nakakain ka na!” I said. Tinignan niya ako, “Diba, nakakain ka na kanina? Gusto mo pa bang kumain ulit?’ He asked. “No not me. I mean ikaw. Di ka pa kumakain eh!” Tugon ko. “Ok lang ako!” Saad niya. “No! Kailangan mong kumain. Mamaya baka ikaw pa ang magkakasakit n’yan eh!” Pagpupumilit ko sa kanya. Sa ilang araw na pagod namin ay sa pagkain lang kami kumukuha ng lakas. Kahit papano naman ay nakakain pa rin naman ako ng Tama, pero siya halos hindi na rin siya kumakain kaya naman nag-aalala na ako sa kanya. Mamaya siya naman ang magkakasakit dahil na rin sa ginagawa niya. “Kie, please! Kain ka na!” Pangungulit ko. Ningitian niya ako, “Zyne… Thank you so much!” Pagpapasalamat niya sa akin. “H-Huh? Bakit?” I asked confused. “Nothing! Tara Punta na tayo sa kainan!” He said. Dumiretso kami ni Kie sa Jollibee na may drive thru then after naming makaorder ay umuwi na kami sa condo unit niya. Pagkadating sa unit ay kumain agad kami, hinintay ko lang matapos kumain si Kie bago ko napagdesisyunan na matulog. Sumalampak ako sa kama. Ramdam na ramdan ko rin ang sakit ng katawan ko dahil sa pagod at Medyo sumasakit na rin ang ulo ko. God sana po ay di ako magkasakit may dalawang araw pang natitira ka lamay ni Baby Asha. Kailangan naming tulungan ang Lolo niya. Napapikit ako at tuluyan na akong Nakatulog. “Hey! Wake up. Wake up!” Nagising ako ng naramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Napadilat ako para tignan kong sino ito. “M-Ma’am M-Maze!” I said. Instead na sagutin niya ako ay may ibinato lang siyang damit sa akin, “Plantsahin mo ‘to. I need to wear this tomorrow!” She said. Kinusot-kusot ko yung mga Mata ko then napatingin sa orasan and it’s already 3 Am in the midnight. Kinuha ko yung damit niya, “Opo, Ma’am. Okay lang po ba na gumising ako ng maaga tsaka ko na lang po paplansahin yung damit mo?” I said. “No! Iron it now. Binabayaran ka ng tama ni Kyle kaya gawin mo ng tama trabaho mo!” She shouted then lumabas na siya sa kwarto ko. Bumangon ako at inayos ko yung plantsa then sinimulan ko ng plantsahin yung damit ni Ma’am Maze. Napahawak ako sa noo ko. Hayst! Inaantok na talaga ako eh. Nakakagulat din na umuwi dito ngayon si Ma’am Maze at sa hindi pa napakagandang pagkakataon. Nasampal ako sa magkabila kong pisngi. Ano ba, Zyne? Wag mo ng isipin yan. Amo mo din si Ma’am Maze at kailangan mong sundin ang utos niya. Ipinagpatuloy ko ang pagplaplansa ng damit niya, kaya lang sa sobrang antok ko ay napapikit-pikit na talaga ako. Idagdag mo pa yung masakit kong katawan. “Hey! What the hell did you do to my dress?!” Bigla na lang akong napadilat ng marinig ko ang sigaw ni Ma’am Maze at doon ko lang napansin na nasusunog na ang damit niya, kaya nagkaroon ng isang malaking hole dito. “S-Sorry p-po M-Ma’am M-Maze! Hindi ko po sinasadya! Hindi ko po talaga sinasadya! Ibawas niyo na lang po sa sweldo ko,” I said. “Sh*t! Kahit pang isang taong sweldo mo ay di mo pa rin ‘to mababayaran. Don’t you know how much it cost?! Mas mahal pa ‘to sa buhay mo!” She shouted. Lumapit siya sa akin tsaka niya ako sinabunutan, “Hindi ko pa naiisuot yang damit na yan tapos sinira mo lang!” Sigaw niya pa. “M-Ma’am M-Maze! S-Sorry po talaga, di ko po sinasadya. Tama na po nasasaktan na ako,’ pagmamakaawa ko rito. “Anong sorry? Kong ito kayang mukha mo ang sirain ko!” After she said that ay hinila niya ang buhok ko kaya napadaan na lang ako sa sakit. “Arghhhhh! Tama na po. Nasasaktan na ako!” Pagmamakaawa ko ulit sa kanya. “Maze!” Natahimik kami pareho ni Ma’am Maze ng marinig namin ang sigaw ni Kie. “K-Kyle!” Nauutal na sambit ni Ma’am Maze. “Let go of her!” He shouted again. Then lumapit si Kie sa amin at hinila niya palayo si Ma’am Maze sa akin at tsaka niya hinawakan ng mahigpit ang magkabilang braso nito. “Bakit mo siya sinasaktan?!” Sigaw ni Kie rito. “Sinira niya ang damit ko!” Sigaw naman ni Ma’am Maze sa kanya. “At bakit mo naman sa kanya pinaplantsa yung damit mo?!” He asked. “At bakit naman hindi? Chimay siya kaya dapat pagsilbihan niya tayo!” She shouted. “Listen, Maze!” Tinignan ni Kie ng masama si Maze that even me ay sobrang natakot ako sa kanya right now. “Zyne is my maid. Ako lang ang may karapatang pahirapan siya at apihin. So, don’t lay even a single finger on her or else ako ang makakalaban mo!” Pagbabanta niya tsaka niya hinila si Ma’am Maze papunta sa may pintuan ng unit niya. “Teka, wait! Anong pinaplano mo?” She asked. “Di ba obvious? Pinapalayas na kita sa condo unit ko!” Tugon naman ni Kie sa kanya. “B-But…” Di na natapos ni Ma’am Maze ang sasabihin niya ng itinulak siya ni Kie palabas ng unit kasunod yung mga gamit niyang nakakalat sa living room. Bago pa makareact ito ay sinaraduhan na siya ng Pinto ni Kie. Tinignan ako ni Kie at lumapit sa akin, “Are you alright?” He asked. I slightly nod pero bigla na lang nagdilim ang paningin ko. “Z-Zyne! Z-Zyne!” Ang huling narinig ko ay ang boses ni Kie bago ako tuluyang nawalan ng Malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD