***
MAZE'S POV
Nakakabadtrip Talaga siya as In! Ibinato ko sa sofa yung cellphone na magdamag ko ng hawak. Ilang beses na akong di natutulog sa condo unit ni Kyle pero kahit ni isang text o tawag man lang ay wala akong natanggap galing sa kanya. Kahit sa mga shooting namin ay di man lang niya ako tinatanong kung bakit di ako natutulog sa unit niya. Sh*t! Ayan ba ang boyfriend?
Maze! Wag ma carried away. Nagpapanggap lang kayo, okay?
Pero nakakayamot talaga siya sobra eh! Ano ba yan? Wala din naman akong mapapala kong maiinis lang ako sa alcohol freak na yun eh! Magkabisa na nga lang ako ng lines. Kinuha ko yung script at nagsimula na akong kaisa-isang ito. Actually, kabisado ko naman lahat ng script. Kasi kada ipinapasala na nila yung script ko ay kinakabisado ko agad ito.
At ngayon naman ay ini-rereview ko na lang siya para di talaga mawala sa isip ko. Ganito ko masyadong sineseryoso ang pagiging artista ko. Iniscan-scan ko lang yung mga lines ko hanggang sa mapado ang paningin ko sa lines ng isa sa cast na kasama namin sa movie at gumaganap siya bilang isang broadcasting. Binasa ko yung lines niya at napangiti na lang ako. Hayst! Nakakaingit naman ‘to.
Kahit hindi siya ang bida sa movie na ‘to ay ang ganda naman ng role niya. Kailan kaya ako magkakaroon ng broadcaster na role? Siguro pagnagkaroon na ako ng ganoong role ay sobrang saya ko na at least mararanasan ko ring gawin yung gusto kong gawin. Dahil napakaimpossible na maging isa talaga akong broadcaster eh! Gusto ni Mommy at daddy mag-artista ako. Gusto nilang maging sikat ako at gagawin ko ang lahat para maging proud lang sila sa akin.
Kabayaran na rin sa nagawa ko kay Ate dati…
Tinignan ko ulit yung lines at binasa ito ng malakas at umaaktong ako yung gumaganap bilang broadcaster. “Kamakailan lang ay nagtagpuan na rin ng isang actress ang nawawala niyang anak. Abot ang galak ng mag-ina na magkita ulit sila makalipas ang mahabang panahon. Labis ring nagpapasalamat ang ginang sa awtoridad na tumulong sa kanya upang mahanap ang kanyang anak______”
*CLAP*CLAP*CLAP*
Napatigil ako sa pagbabasa ng script ng bigla na lang may pumalakpak. “D-Director!” I called. “Maze! I didn’t know you Have such talent. Ang galing ng pagkakabasa mo. Broadcaster na broadcaster talaga ang dating!” Pagpuri nung director ng movie namin. “Really, Director?! We’ll I’m happy to heard that from you!” I said. “Magaling ka naman talaga eh! Wait… Do you want to try working in the evening News?” He said.
“What do you mean po?’ I asked. “Naghahanap kasi kami ng papalit doon sa isang broadcaster sa evening News na mag-leleave. So do you want to try? Actually, mga showbiz news lang naman ang ibabalita mo so di ka mahihirapan. What do you think?” Pagwiwika niya. Halos pumalakpak ang tenga ko dahil sa narinig ko. I mean kahit substitute lang ako at puro showbiz news lang ang ibabalik ko ay sobrang saya ko kasi sa wakas makakapagtrabaho na din ako bilang isang broadcaster.
Paano ko pa ba matatangihan ang ganitong kagandahan offer?! I was about to say Yes kay director ng bigla na lang may sumagot rito. “No! She’s not accepting the offer.” Napalingon ako dun sa nagsalita and there I saw my mom na kakapasok lang sa dressing room. “She’s more focusing in her acting career. Am I right, Maze?” After she said that ay tinignan niya ako. Napayuko ako sa sinabi ni Mommy then tinignan ko so Director.
“S-Sorry po Director. Di ko po matatangap ang offer niyo,” I said. “Oh! That’s a such a waste of talent, Maze. You could be a great broadcaster. But anyway, I won’t force you. Just tell me kung nagbago ang isip mo!” After he said that ay umalis na siya sa dressing room ko and kaming dalawa na lang ni Mommy ang nandito sa loob. Pero nakapagtataka lang ako, bakit di niya kasama si Daddy ngayon?
“Maze! Don’t ever think to accept such offers like that. Wala kang mararating sa ganyan klaseng career. Just focus on your acting career!” My mom told me sharply. “O-Opo!” Pagsang-ayon ko kahit na deep inside ay labag ito sa loob ko. “Magbihis ka na, magsisimula na ang shooting niyo!” She said then lumabas na siya sa dressing room. Napabuntong hininga ako.
Hanggang kailan pa kaya nila ako paparusahan sa isang kasalanan na matagal ng nangyari?!
ZYNE’S POV
“Kie! Alcohol oh?!” Inialok ko yung alcohol na hawak ko kay Kie. Tinignan niya ito at kinuha pagkatapos ay ibinalik niya ito sa akin ng di man lang nagsasalita. Hindi niya rin ako tinitignan. Ano kayang problema ni Kie? Nung isang araw pa siya ganyan eh! Hindi niya ako kinakausap pero pag kailangan talaga niya akong utusan ay ang pormal ng pagkasasabi niya. Minsan ginagamit pa niya ang word na ‘please’ nung minsan ay inutusan niya ako. Ano kayang problema ng isang ‘to? Hayst! Ang weird, weird, weird talaga ni Kie ngayon.
Naupo na lang ako sa tent at pinanuod yung scene ni Kie at Maze sa di kalayuan sa kinaroroonan ko. Nakita ko naman si Yuan sa kabilang tent na nakaupo na malalim ang iniisip at wala siyang ibang ginawa kundi ang magbuntong hininga. Mukha yatang may problema si Yuan. Napansin ko lang lately sa shooting nila parang laging matamlay siya. Hindi siya yung Yuan na nakilala ko na masayahin. Pati din si Kyla ganoon. Hayst! Ano kayang problema nilang dalawa?! Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad palapit kay Yuan.
“Uy!’ I said then tinapik ko yung balikat niya kaya Napalingon siya sa akin. “Zyne!” Bati niya. “You want?” I asked then Inabutan ko si Yuan ng isang krim-stick. Bigla naman niya akong ngingitian, “Wow! Krim-stick. Meron pa palang ganito ngayon. Sobrang tagal ko ng di nakakain ng ganito eh! Nung bata ako sobrang favorite ko talaga ‘to!” He said. “Talaga?! Wahhhhhhhhh same lang tayo. Favorite ko din ‘to eh!” I said.
Ngingitian ako ni Yuan then he stretched his arms, “I’m back to my senses. Thank you, Zyne l!” Pagpapasalamat niya. “H-Huh?! What do you mean?” Nalilito kong tanong sa kanya. “Alam mo ba yung feeling na down na down ka na yung tipong di mo talaga magawang makangiti. Pero dahil kinausap ka ng isang tao ay parang nawala lahat ng problema mo, instead napalitan pa ito ng saya?” He said. “H-Huh?!” Wala sa sarili kong tanong.
Ngumiti lang ulit si Yuan sa akin, “Nothing! Wag mo na lang intindihin yung mga sinasabi ko. Basta thank you so much, Zyne!” He said. Ningitian ko lang si Yuan. Sa totoo lang talaga ay di ko talaga naiintindihan yung mga sinasabi niya sa akin but in some ways parang sumaya na din ako kasi alam kong kahit papano ay nakatulong ako sa kanya. Ang sarap din kasing makita ang ngiti ni Yuan. It makes my heart feel warm. Siguro bukod kay Kie, si Yuan na ang isa pang nagpapasaya sa akin.
KYLE’S POV
“Okay, cut. Nice one. You may rest for a while!” Sigaw ni Director sa amin ni Maze. Hayst! Salamat naman. Pagod at gutom na ako eh! Isa pa ang init-init na, pinagpapawisan na tuloy ako. Papunta na sana ako sa dressing room ko ng bigla ko na lang narinig ang pagtawag ni Maze sa akin. “Kyle, wait!” Hinatak niya ang kamay ko, “Hindi mo man lang ba ako tatanungin kong bakit di na ako natutulog sa condo unit mo lately?'’ She asked. Tinignan ko si Maze tsaka ko inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Why would I?” Bored kong tanong sa kanya.
“For Pete’s sake!” Lumapit siya sa akin then she lowered her voice, “Always remember this Kyle, they all know that I’m your girlfriend so better act like you’re a real boyfriend. Kung ayaw mong mahuli nila tayong Nagpapanggap lang.” Ningitian ko lang si Maze and kiss her in her right cheek. Nakita ko naman ang nakatulala niyang expression. “I love you, Babe!” After I said that ay Tinalikuran ko na siya. Tskkk! Sino ba naman kasi ang di ma-attract sa gwapuhan ko? Pumasok ako sa dressing room ko at nadatnan ko naman si Zyne na nakaupo sa sofa.
Bigla akong natigilan ng mag-flashback na naman sa utak ko yung katarantaduhang ginawa ko. Napatingin ako sa labi ni Zyne. Ah! Potek naman oh. Ayaw ko na nga yung maalala eh! “Kie! Tapos na pala ang shooting mo. Nga pala tumawag si Asha kanina gusto ka raw niyang makausap. Ay! Wait tatawagan ko lang siya ah!” She said then kinuha niya yung phone niya para tawagan si Asha. Nung masagot naman ni Asha ang tawag ay kaagad ring inabot ni Zyne ang phone niya.
“Hello, Baby Asha!” I greeted.
“Daddy! Namiss po kita sobra pa sa sobra. Pati din si Mommy miss na miss ko na din. Gagala po ba tayo sa Sunday?”
“Naku! Sorry Baby Asha. May out of town kasi kami ng Ate Zyne mo eh! Para sa shooting. Sa susunod na Sunday na lang ah!” I said.
“Ay! Gano’n po ba. Sige okay lang po, Daddy. Kelan niyo po pala ako dadalawin? Pwede po ba pumunta kayo ngayon dito sa amin?”
“I’m sorry, Baby Asha. May work kasi ako ngayon eh! Don’t worry babawi talaga ako sayo!” Pagwiwika ko.
“Okay lang po, Daddy. Naiintindihan ko po, basta po pag may time kayo ni Mommy dalawin niyo po ako ah?”
“Syempre naman! Dadalawin ka namin ng mommy Zyne mo!” Saad ko.
“Yeheyyyyyy! Happy na po akong makausap ka Daddy at tsaka si mommy din. I love you, Daddy ko.”
“I love you too, Baby Asha. Magrest ka muna ah! Baka mabinat ka pa eh!” Tugon ko.
“Opo! Byebye po, Daddy.”
“Bye!” Pagpapaalam ko.
Then I end call and napatingin naman ako kay Zyne na ngiting-ngiti sa akin. “Hoy babae! Anong nginigiti-ngiti mo d’yan?!” I shouted at her. “Wala lang! Natutuwa lang ako sayo, Kie!” Nakangiti niyang tugon sa akin. “Heh! Tigil-tigilan mo nga ako,” saad ko. “Talagang na-attach ka na kay Baby Asha ‘no?” She asked. “Nakakatuwa kasi yung batang yun hindi katulad mong mukhang tarsier!’ After ko yung sabihin yun ay Tinalikuran ko na siya at lumabas ulit para sa shooting.
Nakakabadtrip Talaga ang babaeng yun! Sana tigil-tigilan niya na ang pagngiti sa akin, in some ways naalala ko lang yung ginawa ko sa kanya. Well hindi naman ako nakokonsensya kahit aware ako na first kiss niya yung ninakaw ko. Pero sh*t kinikilabutan talaga ako tuwing naalala ko yun. Nakakaasar naman kasi eh! Ano bang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang hinalikan? Grrr… Nakakakilabot talaga sobra. Nagsimula na ulit yung shooting namin.
Mga bandang 1:30 Am na kami natapos. Grabeng puyatan na naman ‘to! Hindi pa nga ako kumakain ng hapunan eh! Sana naman at may madaan kaming restaurant na 24 hours magbukas. Dahil Medyo sabog at gutom na ako ay dumiretso na ako sa dressing room ko para makapagpalit ng damit at makauwi na. Kaya lang pagpasok ko ay halos mabuhay ang dugo ko ng madtnan kong nakaupo si Zyne sa sahig habang nakayuko at nanginginig.
“Z-Zyne! Z-Zyne!” Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya, “What happened to you?” I asked. Inangat ni Zyne ang ulo niya at nagulat ako ng makita ko siyang umiiyak. “K-Kie! K-Kie!” Umiiyak niyang sambit. “Hey! What happened? Why are you crying?” I asked. Bigla na lang akong niyakap ni Zyne at halos nanlumo ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya. “S-Si A-Asha… W-Wala n-na s-siya… K-Kie i-iniwan n-na t-tayo n-ni B-Baby A-Asha!”