KYLE’S POV “Kie oh ito na ang dinner mo! Kumain ka ng madami ha! Tapos ito pala, juice for you!” Tinignan ko yung chimay ko na ngiting-ngiti sa akin then tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman kayang problema ng isang 'to? “Pwede bang tumigil ka ng kakangiti ha! Mukha kang aso!” “Masaya lang ako, Kie!” “At bakit ka naman masaya?!” Tumabi si Zyne sa akin then mas lumawak yung ngiti niya. “Kasi concern ka sa akin! Uyyy! Nag-alala ka talaga ng husto ‘no nung nawala ako? Grabe ka makayakap kanina sa akin eh! May pa I’m glad-I’m glad you’re safe ka pa d’yan! Ayieeeee…” Bigla naman akong tinusok-tusok ni Zyne sa tagaliran. “Ano ba tigilan mo nga ako!” sabi ko sabay tabig ng kamay niya. “Natural mag-alala ako sayo! Paano kung may mangyari sayo? Edi! Yari ako kay Tito Zin?! Masasakal ako

