31. JEALOUS

1096 Words
s**t. I really, really hate this. Naikuyom na lang ni Sonja ang mga kamao nang makitang masayang naguusap sina Lucian, Malakai at ang mag-amang nakaringgan niya kanina sa upper deck. Kanina pa hindi makaporma si Sonja dahil hindi nagagawi ang tingin ni Lucian sa kanya. Nagmumukha na siyang tangang padaan-daan sa hindi kalayuan para magpapansin. Gusto na niya itong tawagin at ayain sa cabin para makapagpahinga na ito. Gusto rin niya itong makausap tungkol sa encounter nito kay Silas. Marami siyang gustong gawin kasama ito! Hey! Ano ka ba? Bakit ka ba talaga nagkakaganyan? Napabuntong hininga na lang si Sonja at napahagod sa sentido. Nalilito na siya sa sarili hanggang sa napatingin kay Lucian. Nagkukot ang kalooban niya nang makitang ngumiti ito sa babae. At ang babae naman! Malambing na hinaplos ito sa braso! "Get a room!" kantyaw ni Malakai kay Lucian na ikinatawa lang nito. Nagdilim na yata ang paningin ni Sonja. Nangilid ang luha niya. Kahit gusto niyang atakehin ang apat ay hindi niya ginawa. Ayaw niyang magmukhang tanga. Tama na iyon. Nasasaktan na siya... She sighed. There. She finally admits that seeing Lucian that way hurts her. So damn much. Sa sobrang sakit ay naiyak na siya. Napasinghap si Sonja sa nararamdaman at biglang natanong sa sarili kung bakit siya nasasaktan ng ganoon. Mahal na ba niya si Lucian? Hindi siya magkakaganoon kung wala siyang nararamdaman dito. Si Silas? Hindi na ba niya ito mahal? Kinapa ni Sonja ang sariling damdamin at napabuntong hininga nang ma-realized na matinding galit ang nararamdaman niya rito. Ang pagmamahal na dati niyang naramdaman ay naglaho dahil sa galit na iyon. Hindi na rin naman niya kayang mahalin ang bampirang pumatay sa nanay niya. And she realized that the love she used to have for Silas wasn't that deep. Madaling nabuwag iyon ng galit. Nakita rin niya bilang taga-salba sa pagiging alipin si Silas kaya sobrang disappointed siya nang malamang niloloko lang siya. Mas nasaktan ang ego niya sa mga nangyari. But now, she's doomed. Nagkabaligtad ang sitwasyon. Si Lucian ang dapat mahulog sa bitag niya pero siya ang nahulog dito. Ang masaklap, mukhang hindi siya nito seseryosohin kagaya nang sinabi ng mag-ama... Minabuti niyang bumalik sa cabin at nagkulong. Doon niya inilabas ang hinanakit at sama ng loob. Naiyak siya sa itinakbo ng mga pangyayari. Napaigtad na lang si Sonja nang pumasok si Lucian. Mabuti na lang ay nakatalikod siya sa pinto kaya hindi nito nakitang hilam siya ng luha. Nataranta siya pero sa huli ay minabuti niyang umastang balewala lang ito at pasimpleng pinunsan ang mukha. "Sonja. We need to talk." seryoso nitong saad at naupo sa tabi niya. Lalong sumama ang loob niya ng hindi ito nagtangkang hawakan siya at lambingin. Buwisit talaga. "About what?" malamig niyang tanong. Hindi pa rin ito hinaharap. "About Silas. I'm sorry kung hindi ko siya nahuli. Pinilit ko siyang mahuli pero hindi ko nagawa dahil maraming tumulong sa kanya." apologetic nitong saad. Tumango na lang si Sonja. First time, parang hindi naging mahalaga iyon. Ang inaalala niya ay ang nararamdaman. Puno siya nang katanungan. Gusto niyang malaman ang saloobin ni Lucian pero sa huli ay hindi niya ginawa. Useless iyon dahil malayong maging seryosohan ang lahat sa pagitan nila. At nanghihina siya sa isiping iyon. "Sonja." "S-Salamat. Magpapahinga na muna ako." malamig niyang anas. "Masama ang pakiramdam mo?" may bahid pagaalalang tanong nito. "I am tired." Nagtalukbong siya ng kumot. Napabuntong hininga na lang si Lucian. Hindi nagtagal ay lumabas ito. Naiyak ulit si Sonja. Ah, she hated herself for feeling that way. Super empty ang pakiramdam niya at nalulungkot siya. Hindi na mabilang ni Sonja kung ilang minuto na siyang nagmumuni-muni at hinahanap ang kasagutan sa sarili dahil sa mga nararamdaman hanggang sa makarinig ng katok. Napilitan siyang bumangon at tiningnan iyon. Napasimangot siya nang makita ang babaeng kausap ni Lucian kanina. Mukhang nagulat ito nang makita siya. "I am Ofelia. Dito ba ang cabin ni Sir Lucian?" paniniyak nito. Napahawak sa suot na robe. Nanliit ang mga mata ni Sonja. Naamoy niya ang pinaplano nito. Mukhang balak nitong pasukin si Lucian! Ah, hindi niya mapapalampas iyon! "Yes. Dito ang cabin niya. Magkasama kami." taas noong sagot niya at humalukipkip. Hinagod niya ito ng tingin. Lalo siyang nainis nang mapansing wala itong suot na panloob dahil bakat ang n*****s nito! Sexy rin ito. Kita ang mahahaba at mapuputing legs dahil sa igsi ng robe. "Bakit magkasama kayo ng cabin?" lakas loob na tanong ng babae. Mukhang nakahanap ng lakas ng loob para barahin siya. Tumigas din ang mukha nito para ipakita ang determinasyon. "Dahil gusto niya akong kasama." pagbibigay diin niya. Naiinis na talaga si Sonja. Tumango ito. Mukhang naiinis na rin. "Pero paano ba 'yan? Gusto rin niya akong makasama?" Naginit tuluyan ang ulo ni Sonja. "So kailangan kong umalis? Ganoon?" She shrugged. "Mukhang ganoon na nga." Binagsakan niya ito ng pinto kaysa mapatulan ito. Hingal na hingal siya sa sobrang galit! Sa gigil niya ay nasipa niya ang isang upuan. Natumba iyon at naglikha ng ingay. Doon niya ibinuhos ang lahat ng galit sa sitwasyon. "Argh!" gigil niyang asik at nagsilabasan ang mga pangil. Salamat na lang ay hindi na kumatok si Ofelia. Kung nainis ito sa pinakita niya ay wala na siyang pakialam. Ang kapal din ng mukha! Paalisin pa talaga siya para lang magpakasasa kay Lucian? At ano ang sinabi nito? Gusto ni Lucian na makasama si Ofelia? Iyon ba ang gustong sabihin ni Lucian kanina? Paalisin siya para makipag-s*x kay Ofelia? Ah, it broke her heart big time. Kasabay noon ay bumangon ang matinding determinasyon niya sa dibdib. Hindi niya hahayaang mayroong panibagong 'Tanya' ang darating sa buhay niya para agawin ang lalaking nagugustuhan! Lumabas siya. Hinanap niya si Lucian. Nakita niya sa upper deck si Vladimir. Agad niya itong tinanong. "Nasa kuwarto ko siya. Pinagaaralan niya ang mapa." anito. "M-Magisa lang niya?" kinakabahang tanong ni Sonja. Tumango ito. Tiim bagang na umalis agad si Sonja. Bumalik siya sa kuwarto. Naghubad siya at nagsuot ng pulang roba. Makikita ni Lucian. Ipakikita niya na hindi na nito kailangan pa ng iba. Sapat na siya. Kayang-kaya niya itong pasayahin. Kung posible, sana ay makita rin nito na puwede rin siyng mahalin... Huminga nang malalim si Sonja bago lumabas at nagpunta sa kuwarto ni Vladimir. Hindi na siya nagabalang kumatok. Dire-diretso siyang pumasok. Agad napaangat nang tingin si Lucian. Naghubad si Sonja. Lumantad ang makinis at makurba niyang katawan. Nabitawan naman ni Lucian ang hawak na compass at napatuwid nang tayo. "Let's f**k. Right here, right now. Shh..." anas ni Sonja at nagsilabasan ang mga pangil.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD