32. MORE THAN THAT

744 Words
Present day... Hindi makapag-concentrate si Sonja sa digmaan dahil lagi siyang napapatingin kay Lucian. Hindi siya nito sinagot kung payag ba itong hindi na maghanap ng iba at siya na lang ang babaeng makasama nito kaya nababahala na siya. Alin? Ayaw ba nitong siya lang talaga ang babae sa buhay nito? Interesado rin ba ito kay Ofelia? Ah, speaking of Ofelia. Hindi rin ito lumalayo sa gawi nila at naiinis siya. Nagiging pabida na ito. Umeeksena sa mga pakikipaglaban ng mga lycan. Siya naman ay nagpapakawala ng spells para makapagpakawala ng bolang apoy at itinuturo ang mga invisible vampires. "Arrani!" sigaw ni Sonja at nagsipagliparan ang mga bampirang nagbalak na atakehin sa likuran si Lucian. Nilingon siya nito at marahang tinanguan para pasalamatan saka muling hinarap ang mga bampira. At hindi nagpahuli si Ofelia. Sumali ito sa mga pakikipaglaban ni Lucian. Limang bampira laban sa dalawang lycan. Bago pa siya makalapit ay nakipagespadahan ang dalawa at natalo agad ang mga bampira. "Thanks." matamis na ngumiti si Ofelia. Ginantihan naman din iyon ng ngiti ni Lucian saka muling umatake. Sumunod naman si Ofelia at marahang tinapik sa pangupo si Lucian. Nabuwisit si Sonja sa nakita. Pero bago pa siya makapag-react ay naramdaman na lang niyang bilang mayroong tali ang napunta sa leeg niya. Pagyuko niya ay biglang humigpit iyon at nakaladkad siya! "Aaaaaaaaaaah!" tili ni Sonja. Napahawak siya sa lubid na nakapulupot sa leeg niya. Nagkandasugat siya gawa nang matutulis na bato at sanga ng kahoy. "Lucian~!" sigaw niya pero walang Lucian na dumating. And it hurt her. Hindi alam ni Sonja kung gaano siya nasaktan ng sandaling iyon. Dahil na kay Ofelia ang atensyon nito ay nakalimutan siya! They just had mind blowing s*x! Nakalimutan agad iyon ni Lucian? Ganoon na lang ba iyon? Hanggang kama na lang ba sila? But she wanted more than that now. Hindi rin pala niya kayang hayaang mauwi sila sa ganoon. Hindi rin pala talaga siya pinamanhid ng sakit at paghihiganti. Napatili si Sonja nang pabilisin pa ng bampira ang patakbo sa kabayo. Kung nagkataong normal siyang nilalang, siguradong hindi niya nakayanan ang sakit. Sugatan na siya. Salamat na lang dahil mataas ang pain tolerance niya. Hanggang sa tumigil ang kabayo. Malayo na sila sa kaguluhan. Bumaba ang heavily armored na bampira at lumapit. Hindi niya makita ang mukha nito dahil pati iyon ay may bakal na armor. Hinang itinaas ni Sonja ang kamay. "Arrani!" sigaw niya at hinawi iyon. Sa isang iglap ay bumalibag ang katawan ng bampira sa malaking puno. Dahil sa nangyari ay naalis ang armor nito sa ulo. "S-Silas... ssshhh..." anas ni Sonja. Umigting ang galit sa dibdib niya. And right there and then, she realized now how she hated this man's guts. Ubod nang lalalim. Wala siyang nakikita ngayon kundi ang mga naging kasalanan nito. And there's no more love left in her. Nakumpirma ni Sonja ngayong kaharap na niya si Silas. He was nothing but a villain now. He was nothing but the one who made her life miserable. Ito ang pumatay sa nanay niya! Lihim napamura si Sonja ng hindi pa ganap makabawi nang lakas. Dahan-dahan lang siyang naghihilom. Sa dami ng pinsala ay nahihirapan siya. Kailangan niya ng dugo para mapabilis ang pagbawi niya ng lakas. Hindi tuloy niya makayang makipagsabayan kay Silas! "b***h! Shhhhhhhh!" asik ni Silas. Sa isang iglap ay nawala na ito sa puwesto. Gamit ang bampirang lakas at liksi ay agad itong nakarating sa kanyang tabi. Malakas na ibinaon ang espada sa sikmura niya. Napahiyaw si Sonja sa sakit. "You little b***h! Ikaw pala ang tumutulong sa mga lycan! You're really a traitor! I f*****g hate you! Shhhhhhh!" galit na sigaw ni Silas. Hindi pa ito nakuntento ay pinagtatadyakan siya sa dibdib. Sonja felt her bones crushed in an instant. Pakiramdam niya ay mamatay na siya. Iyon na marahil ang katapusan niya. Duguang tiningnan niya nang masama si Silas. Kahit sa huling hininga, galit na galit siya rito. "W-Wala akong... g-ginawa... h-hindi ako... n-nagtraydor... haaaaaah... sssssshhhhh..." hinang anas ni Sonja. Ipinaglalaban niya ang katotohanan kahit nasa bingit na ng kamatayan. "You still insisting that?" naiinis na tanong ni Silas. "I-It's the truth... I-I never b-betrayed... w-walang dahilan para patayin mo ang nanay ko..." hirap na anas ni Sonja. Naiyak siya. Nagkakandaubo-ubo na rin dahil hirap na siyang maka-recover sa tindi ng mga damages. Kaya nang sipain siya sa mukha ni Silas ay nawalan na siya ng malay. At sigurado si Sonja na hindi na siya magigising...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD