33. THE TRUTH

1094 Words
"SONJA! SONJA!" worried na sigaw ni Lucian. Hindi pa nakuntento ay suminghot pa siya at hinanap ang amoy nito pero mahina siyang napamura nang hindi ito maamoy! Nalingat lang si Lucian. Sa dami ng mga bampira at lycan na naglalaban-laban, hindi na niya ito napansin. Agad binundol ng kaba ang dibdib niya at hindi nagdalawang isip na hanapin ito. "Wait!" awat ni Ofelia pero hindi ito pinansin ni Lucian. "Sonja!" sigaw niya at pinaguundayan ng espada ang mga bampirang haharang sa daraanan. Sa bawat pagtawag kay Sonja ay sumisinghot din siya. Wala siyang tigil sa paghahanap ng amoy nito hanggang makarating sa pinakamataas na bahagi ng battle ground. Doon ay nakita niya kung gaano karami ang naglalaban-labang mga bampira at lycan. Iyon na yata ang pinakamalaking digmaang nakita niya sa Asia. "Sonja!" sigaw ni Lucian. Halos mapatid na ang mga litid sa leeg sa sobrang lakas ng boses. Doon binalot ng takot ang puso ni Lucian. Isang takot na pangalawang beses niya lang naramdaman. Una ay noong natakot siya sa kamatayan ni Margarita. Ngayon ay sa biglaang pagkawalan ni Sonja. God... it was like he was living in a nightmare. Bangungot ang sandaling maisip niya na mayroong nangyaring hindi maganda rito. And he needed to do something. Hindi na siya papayag na maulit ang nangyari kay Margarita noon na wala siyang nagawa. Ngayon ay gagawin niya ang lahat! Agad inatake ni Lucian ang isang bampira na nakasakay sa kabayo. matapos itong saksakin sa sikmura ay kinuha niya ang kabayo nito at pinasok ang masukal na gubat. Kung kinakailangan niyang halughugin at baligtarin ang buong Hokkaido ay gagawin niya! Suminghot siya. Biglang nanayo ang balahibo niya nang maamoy ang gahiblang bango ni Sonja. Pinagpapalo pa niya ang kabayo at pinatakbo ito sa lugar kung saan papalakas nang papalakas ang amoy nito hanggang sa maamoy din niyang hindi ito nagiisa! "Grrrrrr!" galit na ungol niya nang makumpirmang mayroon itong kasamang bampira. At ang bampirang iyon ay pupugutan ng ulo ang walang malay na si Sonja! He didn't dare think. Right that moment, he transformed into a lycan. Dinaluhong niya ang bampira hanggang sa makilalang ito si Silas. Lalong naginit ang ulo ni Lucian. Pinaglalapa niya ito pero dahil malakas din ay nagawa nitong makalaban. But Lucian didn't stop attacking the blood sucker. He was so damn ready to tear him into pieces. Makita lang na wala pa ring malay ngayon si Sonja ay nagdidilim ang paningin niya sa galit. At doon napagtanto ni Lucian na hindi siya nagkakaganoon dahil wala lang. Nagbabaliw siya sa pagtatanggol kay Sonja dahil sobrang halaga nito sa kanya. He was giving her with so much thought and effort. He was giving her something he couldn't give to others. He liked her. Kaya rin siya nagkakadaletse kakaisip kung paano maging tapat dito dahil ayaw niya itong saktan. Nauwi sa pagkagusto ang mga maiinit na pagnanasang unang naramdaman. Now he was ready to fight for her. He was ready to die for her... What he realized motivated Lucian even more. Bumilis ang mga kilos at mas lalong lumakas ang mga suntok niya. Naglikha iyon ng damages sa katawan ni Silas. Isang hatak sa kamay nito ay agad iyong sinamahan ng malakas na suntok ni Lucian sa dibdib ni Silas. Bumalandra ito sa malaking puno. Napahiyaw ito sa sakit. "Grrrrr..." gigil na ungol ni Lucian at unti-unting naging tao. Pinulot niya ang duguang espada ni Silas at naglakad palapit dito. Itinutok niya ang espada sa dibdib nito. "I really, really want to tear you into pieces. Grrrrrrr..." angil ni Lucian. "T-Then... d-do it... ssssshhh..." hinang hamon ni Silas. "Huwag kang magmadali. Mangyayari rin iyan. But before that, we need to torture you." malamig niyang sagot. "Oh, f**k you..." gigil na anas ni Silas at nagsilabasang muli ang mga pangil. Diniinan ni Lucian ang espada sa dibdib nito. "Bibigyan ko rin nang pagkakataon si Sonja na gantihan ka sa isang kasalanang hindi naman niya ginawa..." malamig niyang saad. Natawa nang nakakaloko si Silas. "Naniniwala ka sa kanya na hindi siya traydor?" Umiling si Lucian. Matiim niya itong tinitigan. Humigpit din ang hawak niya sa espada at halos manginig na ang kamay niya. "I know because I was there..." anas niya at sinabi ang mga nangyari noon sa gubat at natukso siya kay Sonja. Natigilan si Silas. Lumarawan ang pagkalito sa mga mata nito. "What the... alam ba ni Sonja ito? Pumayag siyang makisama sa inyo sa kabila ng lahat ng ito?" Nakaramdam ng takot at guilt si Lucian pero hindi siya nagpahalata. Umiling si Lucian. "No. Wala siyang idea. But I will tell this to her." Doon nakakalokong tumawa si Silas. "Oh Sonja will hate you for this. Namatay ang nanay niya dahil dito. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya oras na malaman niya ang totoo?" "Devastated. I am ready to face the consequences." determinadong saad ni Lucian at malakas na ibinaon ang espada sa kanang galang-galangan ni Silas. Napasigaw ito sa sakit pero naging bingi si Lucian. Pagkahugot niya ng espada ay itinali niya sa butas ng galang-galangan nito ang leather na belt. Ganoon din ang ginawa niya sa kaliwa. Ibinaon niya ang espada at itinali sa butas noon ang leather belt saka pinagdugtong. "Mother fucker!" luhaang sigaw ni Silas. Galit na galit at lubhang nasaktang ng husto sa pagpapahirap na ginawa ni Lucian. But he didn't care. Umalulong si Lucian para magtawag ng lobo. Makalipas ang ilang minuto ay nagsidatingan sila. Pinabitbit niya pabalik ng barko si Silas pati na rin ang lahat ng mga bampirang survivor para i-torture. Sila ang kukuhanan nila ng impormasyon para mahanap kung saan nagtatago ang ibang bampira at ang hari. Nilapitan niya si Sonja. Mahina siyang napamura nang makita ang kalunus-lunos nitong kalagayan. Wala itong malay pero ramdam ni Lucian na buhay pa ito. Walang pagaalinlangang sinugat niya ang sarili at pinainom ito ng sariling dugo. Hindi nagtagal ay naghilom ang ilang pinsala nito. Nang makitang mahina pa rin ito ay pinakagat na niya ang braso at hinayaang inumin ang dugo niya. Kahit nabawasan ang nararamdaman niyang lakas ay binalewala na lang niya. Kusang bumitaw si Sonja nang makainom ito ng sapat na dugo. Gayunman, hindi niya ito hinayaang maglakad. He carried her, he didn't want to lose her again. "Maglalakad na lang ako." malamig nitong saad. Ramdam niyang nandoon pa rin ang pader na biglang nabuo sa pagitan nila. Hindi kumibo si Lucian pero hindi niya pinakawalan si Sonja. He just didn't know how to face her. Paano pa niya ito mahaharap? Kaunting panahon na lang ay malalaman na nito ang totoong nangyari? He sighed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD