"WHERE'S LUCIAN?" tanong ni Sonja kay Vladimir. Magmula nang bumalik sila mula Hokkaido ay binilinan siyang magpahinga muna ni Lucian sa cabin. May kakausapin lang daw ito. Nangako itong kakausapin siya nang masinsinan pagkadating nito.
Pero naiinip na si Sonja kaya minabuti niyang lumabas na at hanapin ito. Gusto niyang usisain si Lucian kung ano'ng nangyari noong mawalan siya nang malay. Nasaan na si Silas? Wala itong sinabing mga impormasyon at nagkakandaletse na ang isip niya. Mas lalo pa siyang natuturete dahil ramdam niya ang pagkakaroon ng pader sa pagitan nila.
"Nasa barko ni Malakai. Ang sabi niya ay paguusapan nila ang tungkol sa mga bampirang nahuli." anito.
Parang binayo ang dibdib ni Sonja. "B-Bampirang nahuli? Nasaan sila?"
Tila nanatya si Vladimir bago sumagot. "Nasa pinakailalim nitong barko."
"Puwede ko ba silang makita?" nagtitimping tanong ni Sonja. Umaasa talaga siyang makita si Silas.
Saglit na nagisip si Vladimir hanggang sa tinitigan siya. "Wala namang ibinilin si Sir Lucian kaya sa tingin ko ay walang problema kung pupuntahan mo sila."
Nakahinga nang maluwag kahit papaano si Sonja. Tumango siya. "Kapag nakita mo si Lucian ay pakisabi na lang na pinuntahan ko sila." bilin niya.
Tumango na si Vladimir. Umalis na Sonja. Agad na siyang bumaba. Halos hindi na siya humihinga habang iniisa-isa ang mga bampirang nakakulong. Nasa beinte ang mga iyon. Na-dismaya siya nang hindi makita si Silas.
"S-Sonja..."
Natigilan si Sonja at napalingon. Nagtiim ang bagang niya nang makita si Jose—kasamahan ni Silas. Maliit lang ito pero matinik din sa pakikipaglaban. Isa ito sa mga bampirang umatake sa kanya noong pagbintangan siyang traydor. Dali-dali niya itong nilapitan. Napahawak na lang siya sa rehas.
"Nasaan si Silas?" nagtitimping tanong ni Sonja.
"Shh..." agad nitong inilagay ang hintuturo sa bibig. Umastang pinatatahimik siya. Natigilan tuloy si Sonja. "H-Huwag kang maingay. N-Nahuli siya pero inihiwalay siya ng barko..."
Nagsalubong ang kilay ni Sonja at kinakabahan. "Saang barko siya dinala?"
"H-Hindi ko alam pero narinig ko ang katotohanan... nagwawala si heneral Silas kanina at sinasabing kasalanan ng heneral ng mga lycan ang lahat..." anito at napayuko. Nakitaan niya itong hiya at matinding pagsisisi. "P-Patawarin mo kami sa pag-atake noon sa 'yo ng walang dahilan..."
Lalong humigpit ang hawak niya sa rehas. Binabayo na ng ubod lakas ang dibdib niya sa antisipasyon. "A-Ano'ng ibig mong sabihin? Liwanagin mo." giit niya.
"Hindi ka totoong nag-traydor. It was general Lucian's fault. Narinig kong isinisigaw iyon ni Silas noong isasakay na siya sa kabilang barko. Mukhang nagtapat si Lucian at galit na galit si Silas. H-He took advantage of you when you were drunk..." anito at sinabi ang nangyari noon sa gubat.
Biglang nanghina si Sonja sa narinig. Kasabay din noon ay doon niya ganap naintindihan ang lahat. Hindi panaginip ang mga nangyari. Totoong mayroong bumuhat sa kanya at buong akala niya ay si Silas!
Bigla ang pagsulak ng galit sa dibdib ni Sonja. Kasabay din noon ay sobra siyang nasaktan. Bakit iyon itinatago ni Lucian sa kanya? Niloloko siya nito! Ah, she was so damn mad. She wanted to kill him!
"P-Pakawalan mo kami at sumama ka sa amin. Sonja!" tawag ni Jose pero hindi nakinig si Sonja. Dali-dali siyang umakyat at hinanap si Vladimir.
"Dalhin mo ako kay Lucian. Ngayon na!" galit niyang saad.
Hindi naman sumagot si Vladimir pero pinagbigyan siya. Hinatid siya nito sa pang anim na barko na nakadaong sa pinakadulo. Dali-daling pumasok doon si Sonja at hinanap si Lucian.
"Nasa baba siya. Kausap ang general ng mga bampira at—what the hell?!" galit na bulalas ni Loco dahil nilampasan lang ito ni Sonja. Nagiinit talaga ang ulo niya. Sa sobrang gigil ay naiyak siya. Panay ang punas niya roon.
Hindi nagtagal ay nakababa na siya sa pinakailalim ng barko. Doon niya naabutan sina Lucian at Malakai. Parehong kausap ang bampirang nakaluhod at duguan. Napatingin ang tatlo sa kanya.
"Sonja! I know the truth... I-I'm so sorry..." nagsisising bulalas ni Silas.
Naginit ang ulo ni Lucian. "Bastard..." gigil na angil nito at sinikmuraan si Silas. Napaungol sa sakit si Silas.
"f**k you! Now, tell her the truth!" galit na hamon ni Silas kay Lucian. Kahit na hirap ito sa mga pinsala ay nakuha pa ring umastang ganoon.
"I told you to wait for me." malamig na saad ni Lucian kay Sonja. Hindi nito pinansin si Silas.
Nanginig si Sonja. Doon pa lang ay nadudurog na ang puso niya. "Totoo bang ikaw ang may kasalanan ng lahat?" luhaang tanong ni Sonja.
Napatingin si Malakai kay Lucian. Lucian just stood there staring at her. There were sadness and guilt in his eyes. What she saw totally broke her heart...
"Tell me how it happened. Sabihin mo sa akin dahil hindi ko naiintindihan kung paano mo nagawa ang lahat ng iyon!" luhaang bulalas ni Sonja.
"Let's talk somewhere." nagtitimping saad nito at mabilis siyang dinala sa itaas. Hindi na pumalag si Sonja. Kahit gustong-gusto na niyang magwala ay nagpatianod pa rin siya.
Maybe because she was still hoping that everything was a lie. She was hoping that Lucian would say otherwise. She was hoping that he would never break her heart...
Pagpasok nila sa cabin ay agad siyang hinarap ni Lucian. Napalunok siya nang makitaan ito ng matinding guilt sa mga mata at hiya.
"Tell me everything..." nagtitimping anas ni Sonja. Halos hindi na siya humihinga dahil sa matinding pagkokontrol sa sarili. Mariing nakakuyo ang mga kamao niya kakahintay sa pagtatapat ni Lucian.
"It's true. It's my fault and believe me, hindi ko inaasahang aabot sa ganito..." anito at pinagtapat ang mga nangyari noon sa gubat. "Pinagaralan ko noon ang bundok para magawan ng mapa. Gusto kong makapagplanong maigi sa pagaatake sa base ninyo. Then, I saw you. You were lying. You reek in alcohol. Hindi na sana kita papansinin pero napansin kong papaulan na noon. Binalikan kita at binuhat. I'm sorry if I gave in to your kisses. It was just too hard for me. My lycan's desire was awakening that time. It's was hard for me to control..."
Huminga ito nang malalim at nagpatuloy. "But you called me 'Silas'. Doon ako nagising. I figured everything then. Inaakala mong ako si Silas. Because of that, I decided to stop and leave you alone. Dinala kita sa kuweba at iniwanan."
"Nagising ako sa ibaba ng bangin. Don't you f*****g dare lie to me!" singhal ni Sonja. Durog na durog ang puso sa mga narinig.
Natigilan si Lucian hanggang sa desperadong napahagod sa buhok. "I'm telling you the truth! Iniwanan kita sa kuweba!" giit nito.
Napaisip si Sonja. Pinilit niyang inaalala ang lahat hanggang sa naisip niyang maaaring sa sobrang kalasingan ay naglakad din siya palabas noon at napadausdos saka doon na nagising. Kagaya na rin ng ginawa niyang pagtakas sa bahay ni Ursula. Sa sobrang kalasingan ay umalis siya roon ng wala sa sarili.
She smiled bitterly. Doon din niya na-realized na kahit ano pa ang nangyari pagkatapos noon ay hindi magbabago ang katotohanang naakusahan siyang traydor.
"My mother died, Lucian..." umiiyak na anas ni Sonja. She was so damn hurt. Halo-halo na ang lahat doon. Sakit sa pagkamatay ng ina at sakit dahil natuklasan iyang kasalanan pala ni Lucian iyon.
"I'm really sorry..." nagsisising anas ni Lucian. Nagtangka itong yakapin siya pero kumawala si Sonja. Hindi niya maatim na yakapin nito. Ni hindi niya ito kayang tingnan!
"Please..." anas ni Lucian at lumuhod. Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Sonja at hinalikan ng mariin. Natunaw ang puso ni Sonja sa ginawi nito pero pinigilan niya ang sariling lumambot.
"I made a promise. Sasamahan kita sa laban mo. You wanted to be a queen? Hell. I'll make it happen. J-Just let me..." pagsusumamo ni Lucian.
"Get out. Leave me alone!" luhaang singhal ni Sonja at hinila ang kamay. Napahagulgol na lang siya sa mga palad at nagiiyak. Hindi niya matanggap na mauuwi sa ganoon ang lahat.
But onething she was sure off. She was so damn mad and hurt. Higit pa roon angnararamdaman niyang sakit kaysa noong saktan siya ni Silas...