Fall Fifteen: Fin

3425 Words
“Gad! Sa susunod huwag niyo na akong bibiruin ng gano’n! Alam niyo namang may sakit ako, e!” sermon ko kay Ecka at Xel. “Pati si Emman, dinamay niyo pa.” “Kung na una mong nakita si Zeik baka mas malala pa ang sinabi niya sa iyo,” natatawang sabi ni Ecka. Tinignan ko siya nang seryoso. Tumahimik siya. “Okay, I’m sorry.” “Hindi niyo man lang naisip na baka himatayin na naman ako dahil sa ginawa niyo,” pangkukonsensya ko pa sa kanila, “Paano na lang kung na-confine din ako dahil sa ginawa niyo?” “Isay, hindi na magandang biro `yan,” seryosong saway sa akin ni Art. “Seryoso ako, paano kung nangyari nga iyon?” tanong ko sa kanila. “Hindi na nga po mauulit, promise,” sabay na sabi nila Ecka at Xel at nagtaas pa sila ng kanang kamay na parang nanunumpa talaga. “Dahil d’yan sagot niyo ang pagkain natin ngayon dito,” natatawang sabi ko sa kanila. “Nakakainis ka, akala ko galit ka talaga,” gigil na sabi ni Ecka. “Sa susunod kasi `wag kayong magbibiro ng gano’n, okay?” “Isay.” Sabay sabay kaming napatingin sa tumawag sa akin. Mommy ni Art. “Mommy!” Saglit na tinignan niya lang si Art at bumaling na ulit ang tingin niya sa akin. “Puwede ba kaming mag-usap sa labas?” nakangiting tanong niya. Sabay sabay tumango `yung tatlo. Napalunok ako ng ilang sunod. Kinakabahan ako. Bakit kaya gusto niya ako makausap? Hindi naman siguro niya ako uutusan ulit na layuan ko na ang anak niya? Sumunod ako sa kanya hanggang sa makadating kami sa smoking area. Nagsindi ito ng sigarilyo at nanginginig ang mga kamay nito. “Ayos lang po ba kayo?” nag-aalalang tanong ko. “I’m fine,” humithit muna siya ng isa at saka bumaling sa akin, “I’m sorry, Isay. Sorry sa ginawa kong paglapit sa iyo para layuan mo ang anak ko. Akala ko kasi `yun ang makakabuti sa anak ko. Hindi ko na isip na maaring iba ka kay Zarah. Natatakot kasi ako na makita ko siya ulit na nasa gano’ng sitwasyon.” Nakikita ko ang sincerity sa kanya. Ngumiti ako. “Huwag po kayong mag-aalala. Naiintindihan ko naman po kayo. Noong una ay `yun din po ang na isip ko. Natakot din po ako kaya binalak ko po kayong sundin, pero at least ngayon po alam natin pareho na may mali po tayo. Pasensya na rin po kung pinag-alala ko po kayo.” Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. “Maraming salamat. Napakabait mong bata.” Sinagot ko ang yakap niya. “Maraming salamat din po dahil kung wala po kayo wala pong Art tayong kasama ngayon.” *** After a week tinanggal na `yung semento sa paa ni Art, syempre araw araw ko siyang pinupuntahan sa ospital. Kung minsan din do’n na ako nakakatulog. Tuwing magkikita kami do’n ng mommy ni Art, nahihiya ako, akala ko maiihi ako sa sobrang kaba. Pinakilala na niya kasi akong girlfriend niya, no’ng una kala nang mommy niya ay nag loloko lang si Art, pero no’ng huli parang okay na naman, nag kukwentuhan na nga kami every time na nagkikita kami sa ospital. “Okay na ba talaga `yang paa mo? Ang tanga kasi nung puno, `no? Hinulog ka,” biro ko sa kanya. P-in-inched niya `yung ilong ko. “Alam mo, kung hindi lang kita mahal malamang pinatulan ko na `yang mga biro mo sa akin. Tsk,” gigil na sabi niya. Ginulo ko yung buhok niya. Tapos inayos ko na `yung mga gamit niya, ngayon na kasi siya lalabas ng ospital, e. “Nako, hija, bakit ikaw ang gumagawa niyan?” Napatingin ako kay Tita Lili, yes, close na kami, e. Hahaha “Okay lang po Tita, wala naman po kasi akong gagawin kaya okay lang po,” sagot ko sa kanya. Ngumiti siya tapos nilapitan na kami. Inayos niya `yung buhok ni Art na ginulo ko. “Ang bait ng girlfriend ng anak ko,” sabi niya, ako naman napapangiti, pero pinipigilan ko. “Nagbablush oh?” Napahawak tuloy ako sa pisngi ko. “Nakakahiya,” bulong ko. “Hello!” Napatingin kaming lahat sa pintuan. “Ay late na yata tayo Xel.” Oo sila Ecka `yun. Nakipagbeso beso si Xel kay tita, si Ecka ein. “Ngayon ka na ba madidischarge?” “Hindi ba obvious Ecka?” natatawang tanong ko. Nagtawanan kami, tinulungan naman nila kaming mag-ayos ng mga gamit. Nauna na sila Art sa kanila, kami nila Ecka susunod na lang mamaya. May dadaanan lang muna daw kami sa Red Ribbon, nagpagawa yata sila ng cake para kay Art, sosyal! Pagdating namin sa red ribbon kinuha lang nila `yung cake at umalis na kami kagad, parang nag mamadali nga sila bigla. “Oy! Ecka, sigurado ka ba sa dinadaanan natin? Malapit na `to sa bahay namin ah?” tanong ko. Tinignan ko `yung dinaraanan namin, ang alam ko hindi naman dito ang bahay nila Art. “Sa bahay niyo naman kasi talaga tayo pupunta,” kinikilig na sagot niya. “E, bakit?” naguguluhang tanong ko. Nginitian lang nila ako. Nakapaglinis ba ako ng bahay bago umalis? Ano ba naman kasi naisip nitong dalawa na `to at biglang naisip pumunta sa bahay? Pagdating namin sa bahay nagulat ako nando’n `yung sasakyan nila Art. Dali dali akong pumasok ng bahay. Nakita ko nga sila nakaupo sa sala, kasama nila si Mama at Papa. Wait, si Papa at mama nandito? “Pa! Ma! Ano po’ng ginagawa niyo dito?!” gulat na tanong ko. “Nandito ka na pala,” sabi ni Papa, dahan dahan akong umupo sa tabi nila Papa. Naguguluhan ako, bakit ba kasi sila nandito? “Ano nga ulit `yung sinasabi mo hijo?” tanong ni Papa. “Bakit mo ako pinauwi dito sa Maynila?” Tinignan ko si Xel at Ecka kinikilig `yung dalawa. “Pinauwi mo si Papa dito sa Maynila?” tanong ko kay Art. Nakangiting tumango lang siya. “Boyfriend ka ni Isay?” seryosong tanong ni Papa. Napaluwa `yung mata ko, okay hindi naman talaga lumuwa, nagulat kasi ako kaya basta nanlaki `yung mata ko. “Opo, sorry po kung pinauwi ko pa po kayo rito para magpakilala, naospital po kasi ako, e,” hingi nang paumanhin ni Art, “Pasensya na rin po kung biglaan.” “Uy, ano ka ba Art?” saway ko sa kanya. Tinatakpan ko `yung mukha ko. Patay ako nito kila Mama, hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila, e. “E, gano’n ba hijo? Okay ka na ba? Baka naman hindi ka pa okay?” nag-aalalang tanong ni Mama. “Okay na siya, kaya nga nag mamadali na `yan pumunta dito,” nakangiting sagot ni Tita. “Isay, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya sa akin. “Eh…Ah.. Opo, okay. Okay na okay,” alanganin kong sagot. “Ito namang si Isay, hindi mo sinabi sa `min na may nobyo ka na pala, hindi manlang namin siya nadalaw sa ospital. Ikaw talagang bata ka,” sermon sa akin ni Mama. Hinawakan ko `yung kamay ni Mama. “Ma, sasabihin ko po sana pag-uwi niyo galing Palawan, hindi ko naman po alam na maaga po kayong uuwi at kasama niyo pa si Papa,” paliwanag ko. “Isay, okay lang naman sa `min na magnobyo ka na. Sabi ko nga nasa tamang edad ka na at alam mo na ang tama at mali,” sabi ni Papa, napatingin ako sa kanya. “Hindi po kayo galit?” tanong ko. “Bakit naman kami magagalit? Kung ito namang si Art ang nobyo mo walang problema, mukha naman siyang mabait at alam naman namin na seryoso siya sa iyo. Tignan mo pinauwi pa kami dito at pinuntahan kami kaagad kahit kalalabas niya lang sa ospital,” may halong paghangang sabi ni papa. “Ibig po ba sabihin niyan okay lang po na ako ang maging boyfriend ni Isay?” nakangiting tanong ni Art. “Nako hijo, aprub na aprub ka,” nakangiting sagot ni Mama. Napayakap si Art sa Mommy niya. “Salamat po, tito, tita.” Tatayo sana siya kaya lang bigla niyang naalala hindi pa okay na okay `yung paa niya. “Promise po hindi ko po pababayaan si Isay, aalagaan ko po siya.” “Parang gusto mo nang kunin sa `min `yung anak namin ah?” natatawang sabi ni Papa. “Ang sa `min lang, alam niyo na ang mga mali at tama. Hindi por que payag kami sa relasyon niyo, e, gagawin niyo na ang mga bagay na gusto niyo,” bilin naman ni Mama. “Tama sila Art, naku isusumbong kita sa Daddy mo kapag ikaw lumagpas sa limit mo,” dagdag naman ni Tita. “`Wag po kayong mag alala, alam ko na po iyan, at handa naman po ako sa mga magiging responsibilidad ko,” nakangiti ngunit seryosong sabi ni Art. “Uhm.. Puwede na po ba akong magsalita?” singit ko. “Oh nand’yan ka pala anak,” biro ni Tita. Wait… ANAK?! “Balae labas muna tayo, hayaan na muna natin sila mag usap?” aya niya sa mga magulang ko. BALAE?! Ano ba sinasabi ni Tita?! “E, mabuti pa nga.” Tumayo na si Mama at Papa iginiya naman nila si Tita palabas. “Kayo ding dalawa kasama kayo sa `min,” aya niya kay Xel at Ecka. Walang silang nagawa kaya sumunod din sila kila mama. Tumabi ako kay Art. “Ikaw hindi mo man lang sinabi sa akin na pupunta ka dito,” sermon ko sa kanya. “Pagsinabi ko ba papayag ka?” tanong niya. Tinignan ko lang siya. “Hindi, `di ba?” Sumimangot ako. “Tama ako, `di ba? Hayaan mo na payag naman sila sa `tin, e.” Ngumiti siya. Sinimangutan ko pa rin siya. “Uy sorry na.” Umiwas ako nang tingin sa kanya. “Isay naman, e.” “Nakakainis ka kasi, paano kung hindi ka nagustuhan ni Papa baka may hindi magandang nangyari sa iyo. Hindi mo muna inisip kung ano sasabihin nila,” sermon ko pa. “Sorry na nga, e, saka okay naman `yung kinalabasan, a? Approve nga daw ako, `di ba?” sabi niya at nagtaas baba pa ang kilay niya. Kinurot ko `yung pisngi niya. “Nako pasalamat ka mahal kita, kundi. Nako talaga!” gigil na sabi ko. Nilapit niya `yung mukha niya sa akin. Nag-slow motion `yung mga kilos namin. Dinikit niya `yung noo niya sa noo ko. “I love you, Isay,” nakangiting sabi niya. Napangiti na lang din ako. Parang nawala na lahat ng pinaglalaban ko kanina. “I love you, too Art.” Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko no’ng inilalapit niya pa lalo `yung mukha niya. Nararamdaman ko na `yung paghinga niya sa sobrang lapit. “Ahem, mukhang mas mainam kung nandito tayo sa loob?” Napaayos kami ng upo ni Art, nakita namin sila nasa loob na. Si Papa at Tita natatawa, si Ecka at Xel naman kinikilg. “Kayo ah! Nalingat lang kami,” natatawang sabi ni Mama. “Ma, naman, e!” *** It’s been month. Oo, one month na kami ni Art. So far this is the best one month of my life. Walang iniisip, lagi lang masaya. Kahit kasisimula lang ng klase at tinatadtad na kagad kami ng gagawin, ayos pa rin. Kasi bawing bawi tuwing magkasama kami ni Art. Okay, kalandian101 ba ito? Hahaha. Puwera biro, one month na kami. And God knows how thankful I am for giving him to me. I can’t put it into words kaya isinulat ko na lang. Sana mabasa ko `to kay Art. Nagpapahangin lang ako dito sa student plaza, habang hinihintay si Art. Sabi niya kasi dito na lang kami magkita. May sasabihin daw siya na hindi niya puwedeng sabihin sa text. Oh well, baka naman gusto niya lang din na bumati ng happy one month sa personal. “Oh my god, Isay! I’m glad I finally found you!” hingal na sabi ni Zeik. “Bakit mo naman ako hinahanap?” kunot-noong tanong ko sa kanya. “I know I’ve been playing prank with you from the past week, but this time please take me seriously,” seryosong sabi niya. Lalong tumaas `yung kilay ko. Isa lang ang sineseryoso nitong si Zeik at `yun ay si Xel. “I’ve been in love with…” lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi. Shit! Seryoso ba `tong isang `to?! “Zeik,” tawag ko sa kanya. Lalo niya akong tinitigan sa mga mata ko. “I don’t think na tama `tong ginagawa mo,” mahina kong sabi. “Isay,” lalong lumapit `yung mukha niya sa mukha ko, “I love…” “Lalayo ka o lalayo ka?” Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Tinitigan ni Art `yung kamay ni Zeik na nasa pisngi ko. “Lalayo ka o lalayo ka?” mariing ulit niya. This is the first time I saw him jealous. Hahahah. Okay. Kinikilig ako. Hinatak niya palayo sa akin si Zeik. “Hoy! Ikaw na half half ka sa pinsan na lang kita, kung sa pinsan na lang kita, hindi `yung pati girlfriend ko tutuhugin mo. Gusto mo ba’ng umuwi ka kung saang parte ka man ng mundo nanggaling?” mahina man pero halata mong galit siya sa way niya nang pagsasalita. “I was just trying to practice with her,” natatawang sabi ni Zeik. “Wala akong paki, lumayas ka nga,” tinulak tulak pa ni Art si Zeik, “`Wag ka munang magpapakita sa akin.” “Baliw ka na naman,” natatawang sabi ko. Tinignan niya ako nang masama. “Ano na namang ginawa ko?” inosente kong tanong. Bigla siyang napahawak sa ulo niya. “Art?!” Mabilis na lumapit ako sa kanya. “Art, are you okay?” Bumagsak na siya sa sahig at nagsisimula nang pumikit pikit ang mga mata niya. Nagsisimula na rin siyang maging wild. “Art!” hinawakan ko siya sa balikat niya at sinusubukang itayo. Tumingin ako sa likuran ko para humingi nang tulong sa kaklase ko na kasama ko kanina pero wala na siya. “s**t! Art!” Sinasaktan na naman niya ang sarili niya. Naiiyak na ako. Hindi na naman siya nagkaganito simula no’ng maging kami, e! Kinuha ko `yung cellphone ko sa bulsa ko at tumawag na kay Tita Liz. “Hello, Tita si Ar—“ biglang nawala sa kamay ko `yung cellphone ko. Nakita ko si Art nakangiti sa akin. “Bwisit ka!” naiiyak na sinuntok ko siya sa dibdib niya. “Gago ka! Pinakakaba mo ako!” Umayos siya ng upo at niyakap ako. “Happy one month!” sabi niya sabay halik sa noo ko. “Tahan na, hindi ko naman sinasadya, e.” “Wait, one month? One month na tayo?” nagtatakang tanong ko. Tinitigan niya ako. Para bang tinitignan kung seryosong hindi ko alam. Binalik ko lang sa kanya `yung titig ko. “Huh! Gan’yan ka, Isay? Gumaganti ka ba?” hindi makapaniwalang sabi niya. Napakurapkurap lang ako sa kanya. “Seryoso?” Nagbilang ako sa kamay ko. “Wow, one month na nga. Akalain mo `yun?” amazed na sabi ko. Hindi na maipinta `yung mukha niya. “Bakit? Sa nawala sa loob ko, e. Pati, importante ba na tanda ko `yun?” tanong ko. “Huwag mo akong kausapin,” sabi niya sabay talikod sa akin na parang bata. Pasimple akong tumawa pagkatalikod niya. Kinuha ko sa bulsa ko `yung letter na ginawa ko kagabi at sinimulang basahin. “Dear Art, I may not be the perfect girl for you, hindi ko rin alam kung ako nga ba ang para sa iyo. Pero kahit ano’ng mangyari, hindi ako bibitiw sa iyo kagaya ng hindi mo pagbitiw sa akin.” Humarap na siya sa akin, ngumiti lang ako sa kanya at saka nagpatuloy, “Is it weird kung iisipin ko na maaring umabot pa tayo sa altar? Kung hindi, sasabihin ko na rin `to. Kung aabot man tayo sa punto na iyon, hindi ko man kayang ipangako ang happy forever ever after sa iyo ipapangako ko na lang na mamahalin kita hangga’t kaya ko. Hangga’t humihinga pa ako. Hangga’t tumitibok pa ang puso ko. Hihingi na rin ako ngayon ng paumanhin kung sa hinaharap ay hindi kita mabibigyan ng anak, sino bang magulang ang hindi pangarap magkaanak, `di ba?” huminto ako sandali para punasan `yung mga luha ko. “Ang advance ko bang mag-isip? Iniisip ko na kasi kaagad ito. Anyway, ayun nga, sorry kung hindi kita mabibigyan ng anak. Alam mo namang may sakit ako. Sabi kasi ng mga doctor baka hindi ko raw kayanin ang magbuntis. Pero kung papalarin man, ngayon palang binibilin ko na sa iyo. Kung darating ang panahon na manganganak ako at sinabi ng doctor na kailangan mong pumili kung ako o ang magiging anak natin, please piliin mo `yung anak natin,” ngumiti ako sa kanya kahit alam kong ang weird na ng itsura ko dahil sa pag-iyak ko, “Piliin mo `yung anak natin kasi pag dumating `yung time na iyon masasabi kong I lived my life to the fullest. Ngayon nga lang na kasama kita sobrang saya ko na paano pa kung makasama kita sa mahabang panahon, `di ba? Art, ikaw ang art ng buhay ko. Ikaw ang nagbigay ng kulay. Ikaw ang lahat. Hindi ko akalain na darating sa point na gagawin ko `tong bagay na `to sa harapan mo…” “Noon kasi masaya na akong nakikita kita tuwing magkasama tayo sa klase. Tatlong taon `yun, Art. Thankful ako sa tatlong taon na `yun. Kasi kahit hindi mo naman ako pinapansin napapasaya mo ako. Sorry kung ang weird kong girlfriend. I love you, Art. Kung puwede lang kitang alukin na nang kasal ngayon gagawin ko na. Kaya lang syempre kailangan muna nating magtapos. Art, ang haba na nitong sinasabi ko. Please `wag ka sanang mabagot,” napangiti ako nang makita ko siyang ngumiti, “Thank you, Leonart Sanchez sa pagiging part ng buhay ko. Oo alam kong one month pa lang at gagawin ko ang lahat para magtagal pa `to. Huwag ka sanang magsawang mahalin ang isang taong katulad ko. Ah hindi ko na kaya,” tinitigan ko siya, “Ang haba nang sinabi ko pero ang gusto ko lang talagang iparating ay mahal na mahal kita…” “Sorry kung naging duwag ako noon sa nararamdaman ko. Sorry kung lagi akong inuunahan ng takot. Salamat sa pagtanggap sa mga flaw ko. I won’t leave you, because you promise me the same. I won’t promise a forever ever kasi nga—“ pinigil niya ako sa pagsasalita. “You don’t need to promise a forever ever after, sasamahan kita hangga’t kaya ko. Sasamahan kita hangga’t humihinga pa ako. Sasamahan kita hangga’t tumitibok pa ang puso ko. Being with you is enough, isa lang naman ang gusto kong i-promise mo sa akin, e. `Yun ay ang huwag bumitiw sa kamay ko. Sisiguraduhin kong darating pa tayo sa panahon kung saan sasabihin natin ang mga I do natin at ipapangako Sa Kanya na mamahalin natin ang isa’t isa sa panghabang buhay,” ngumiti siya, “You is enough at kung bibigyan Niya tayo ng isang munting Isay o Art ipagpapasalamat ko iyon,” kinuha niya sa akin `yung letter na hawak ko, “Itatabi ko `to, ipapakita ko ito sa magiging anak natin…” “Isay, sa maikling panahon masasabi kong marami na tayong napagdaanan. Ako man sa sarili ko may mga tinatago akong takot, pero tuwing alam kong nasa tabi lang kita baliwala ang mga takot na iyon. Isa lamang silang masamang panaginip na naglalaro sa utak ko. Hindi ko alam kung kailan ka Niya kukuhanin pero sisiguraduhin kong matagal pa iyon. Pangako ko iyon. Araw-araw kong sasabihin sa iyo na mahal na mahal kita. Araw-araw kitang aalagaan. Hindi ako mapapagod na gawin `yun. Mahal na mahal kita, Isay.” -FIN-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD