Fall Fourteen: Yes.

1851 Words
“Anak, sabi ng Mama mo ay may nobyo ka na raw,” bungad sa akin ni Papa pagdating namin dito sa bahay naming sa Palawan. “Hindi masama ang magkanobyo nasa tamang edad ka na rin naman, pero alalahanin mo na importante pa rin ang makapagtapos ka ng pag-aaral.” “Pa, hindi ko pa po nobyo `yung tao,” sagot ko sa kanya. Sumimangot ako at pabirong sinabing, “Ni hindi ng po ako nililigawa no’n, e!” “Aba’y hindi raw? Halos mabiliw nga `yung bata dahil nagpaalam ka lang na aalis ka,” sabi naman ni Mama. “Gano’n kamahal no’ng lalaki itong anak natin, Ma?” tanong ni Papa kay Mama. Ikinuwento ni Mama ang nangyari kahapon. “Anak, sigurado ka ba d’yan sa Art na iyan?” “Ma naman kasi, kung makakuwento ka parang baliw talaga si Art,” sabi ko sabay irap. “Hindi po siya baliw, Pa. May pinagdadaanan lang po si Art. Mahaba pong kuwento, pero hindi po siya baliw. Makakarecover din po siya soon,” pagsisiguro ko sa kanila. “Kailan ba namin siya makikilala?” tanong ni Neil. “Huwag niyo akong pauwiin after seven days baka sakaling sumunod `yun dito,” nagkibit balikat ako, “Pero hindi puwede `yun dahil enrollment ko na po no’n, kaya siguro pagpunta niyo na lang po ng Maynila.” “Pa, tinignan ko sa f*******: `yung boyfriend ni Ate,” sabi ni Neil at dinala `yung laptop niya sa harap ni Papa. “Ate, sigurado ka bang boyfriend mo `to? Ginayuma mo ba?” Tinignan ko siya nang masama. “Kung wala kang magandang sasabihin magkulong ka sa kuwarto mo.” Natawa na lang si Papa at Mama sa amin. “Hala sige na magpahinga ka na, at nang masulit mo naman ang pag-uwi mo dito, baka matagalan pa ang susunod natin ulit na pagkikita,” sabi ni Papa. “Opo.” *** After one week umuwi rin ako kaagad sa Manila. Gaya ng pangako ko kay Art, bumalik kaagad ako. Kung nagkataon din naman ay babalik talaga ako para sa enrollment ang kaibahan lang ngayon hindi na ako babalik sa Palawan para ipagpatuloy ang dalawang linggong bakasyon ko pa. Si Mama na lang muna ang iniwanan ko do’n para naman magkaroon sila ng quality time ni Papa. Simula kasi ng mag-college ako, 3 years ago, dito na talaga kami namalagi ni Mama. Sila Papa naman ay bumibisita na lang dito kapag summer vacation ni Neil. Maaga akong pumunta ng school para mag-enroll. Pipila pa kasi ako sa assessment tapos pipila pa sa scholarship ko at pipila na naman pabalik sa assessment bago ako pumila sa cashier at registrar. Masyadong maraming proseso ko tuwing enrollment. T-in-ext ko si Art kahapon na nakauwi na ako, pero wala akong natatanggap na text message galing sa kanya. Kahit sila Xel at Ecka ay hindi ako ni-re-reply-an. Natatanggap kaya nila ang text ko? Wala naman akong pantawag. “Isay!” Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Emman pala. Ka-i-bigan ni Ecka, joke. Hindi pa eaw sila. “Nagkita na ba kayo ni Ecka?” nag-aalalang tanong niya. Bigla akong kinabahan. “Hindi pa, nasa Palawan ako nitong nakaraan, e.” “Oh? So, hindi mo alam?” gulat na tanong niya. Natatakang tumitig ako sa kanya at saka umiling iling. “Ano ang hindi ko alam?” “Naka-confine si Art,” sagot niya. Parang bigla akong nagkaroon ng nervous breakdown. Napahawak ako sa balikat niya inalalayan naman niya ako kaagad. “So, hindi mo pa nga talaga alam.” “Nasaan siya ngayon?” nag-aalalang tanong ko. “Nasa ospital?” pilosopong sagot niya sa akin. Babatukan ko sana siya, kaya lang nakita ko si Xel. “Pilosopo,” inis na sabi ko sa kanya. Nilapitan ko si Xel, niyakap niya kaagad ako nung nakita niya ako. “Uh… Xel?” “Isay, bakit ngayon ka lang bumalik? Okay ka lang ba? Nabalitaan mo na ba?” sunod sunod na tanong niya. “Ano ba kasi ang nangyari?” tanong ko. “Nasa St. Luke’s si Art ngayon, medyo critical pa din pero syempre hindi kami nawawalan ng pag-asa,” mangiyakngiyak na sagot niya. Humawak ako sa magkabilang braso niya. “Xel, puwede paki-explain kung ano’ng nangyari? Bakit critical ang condition niya? Na paano ba siya?” Gusto ko nang maiyak, hindi ko pa alam ang dahilan, pero taena gusto ko na talaga umiyak. “Nabunggo siya ng truck few days ago, medyo nawawala siya sa sarili nangangamba siya na baka hindi ka na bumalik. Akala nga namin ay maayos siya,” tumulo na ng tuluyan ang mga luha niya, “Lumala si Art, sumobra ang pag-aalala niya. Lalo siyang natakot sa mga bagay bagay.” “Pero… Nag-promise naman ako sa kanya na uuwi ako after seven days…” Hindi ko na napigilan `yung luha ko. “Pupuntahan ko siya!” Hindi ko na alam, pero nakita ko na lang ang sarili kong pumapara ng Taxi. Pagdating ko sa St. Luke’s lumapit kaagad ako sa receptionist. “Miss saan po `yung room ni Leonart Sanchez?” nagmamadali kong tanong. Napansin ko napatitig sa akin `yung babae, pinunasan ko `yung mukha ko. Baka kasi kung ano isipin niya. “Ma’am room 208 po,” sagot niya. Hindi na ko nakapagthank you dun sa babae, bigla na lang kasi kumilos ang mga paa ko at nag lakad papunta sa elevator. Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Art, dahan dahan kong binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakahiga. Nakatalukbong… Hindi kaya… Dahan dahan akong lumapit sa kanya, `yung pagkilos ko parang slow motion. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Nandito si Art nasa tapat ko at… Napaluhod ako sa gilid ng hospital bed, `yung kamay ko nakahawak sa pinakaharang nung bed, nakayuko lang ako. Hindi ko kayang tignan… Hindi ko kaya… “Gago ka Art. Iniwan mo kagad ako. Sabi ko uuwi lang ako ng seven days sa Palawan! Hindi mo na ako hinintay! Hindi ko pa nga nasasabing mahal din kita, e! Iniinis mo talaga ako, e. Hindi ko talaga alam kung bakit sa iyo pa ako nagkagusto, samantalang gwapo ka, ako hindi maganda. Matalino ka, ako average lang. Mayaman ka, ako maykaya lang? Ano ba nagustuhan mo sa akin?” pinalo palo ko `yung hinahawakan kong bakal. “Ang daya mo naman, e!” Pinunasan ko `yung mga luhang ayaw matapos sa pag labas sa mata ko. “Art, gumising ka nga d’yan, `wag mo akong iwanan. `Wag mo kaming iwanan.” Sa sinabi kong iyon lalong nagsink in sa akin na wala na… “Potek naman na buhay 'to oh? Bakit ang sakit? Bakit ang sakit sakit? Pagnagkita tayo Art sa kabila mababatukan kita,” gigila na sabi ko. Hibang na yata ako, kung anu-ano na sinasabi ko. “Art mahal kita… Mahal na mahal…” “Mahal na mahal din kita Isay…” Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko, boses `yun ni Art hindi ako puwedeng mag kamali, tumayo ako at tinignan siya, gano’n pa rin naman nakatalukbong pa rin, at walang malay… “Sabi ko mahal na mahal din kita.” Napatingin ako sa pintuan, nakita ko si Art, nakaupo sa wheelchair, may semento ang kaliwang paa niya. Ngumiti siya sa akin. “Ikaw ha, mahal na mahal mo pala ako,” biro niya. Lumapit ako sa kanya at sinuntok siya ng mahina sa dibdib, napaluhod na ako sa harapan niya. Umiiyak na naman ako. “Nakakainis ka,” sabi ko habang walang tigil kong sinusuntok ang dibdib niya. “Nakakainis ka!” Pinigilan niya `yung mga kamay ko at hinalikan niya ito. “Tahan na.” Tumingin ako sa kanya, nakangiti na naman siya. Kinurot ko `yung pisngi niya. “Aray, ano ba?” natatawang tanong niya, hindi naman siya mukhang inis. “Buhay ka, sino `yung nasa kama?” Pinatayo niya ako, tapos nilapit niya `yung sarili niya sa bed, hinatak niya `yung kumot sa kama. Muntikan na `kong mapamura nung nakita ko `yung tatlong unan na nakaform na parang tao. Sinabunutan ko siya. “Nakakainis ka talaga!” Umiyak na naman ako. “Napakaiyakin mo pala, `no?” natatawang sabi niya. Hindi ko siya maintindihan, imbes na mainis siya sa ginagawa ko sa kanya, tumatawa pa siya. “Isay,” seryosong tawag niya sa akin. Napahinto ako. “Mahal na mahal kita.” Hindi ako nakakilos. Sinabi na niya kanina `yan, pero iba na pala ang pakiramdam pag nasawisyo ka na. “Art…” “Bakit kita nagustuhan? Kasi totoo ka sa sarili mo, hindi naman importante kung mayaman ka o ano. Wala din akong pakialam kung hindi ka sobrang talino. Ang importante sa akin, kung ano `yung talagang ikaw. Ikaw kasi `yung taong, walang pakialam sa itsura, hindi mo na kailangan magpapansin kasi mapapansin ka din naman kaagad,” paliwanag niya. “Parang sinasabi mo naman na ang pangit ko kaya napapansin kaagad ako,” kunwaring inis na sabi ko sa kanya. Inalis ko `yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Pero hinabol niya kaagad tapos hinatak niya ako papunta sa harapan niya. “Sino’ng nagsabing pangit ka? Ang sinabi ko lang, kahit hindi ka mag-ayos maganda ka. Kahit hindi ka mag-ayos mapapansin ka, tanga lang ang hindi,” huminga siya nang malalim, parang humuhugot ng lakas ng loob, “Isay…” “Ah… Art okay lang ba na nand’yan ka?” pag-iiba ko sa usapan. Ang seryoso niya kasi, e. “Sabi ni Xel, nasa critical condition ka daw. Kaya nga akala ko…” “Na wala na ako? Gusto ko kasi magpahangin sa labas, kaya inayos ko `yung mga unan na gan’yan, hindi kasi ako papayagan ng mga nurse na lumabas ng kwarto, e. Saka anong critical? Nainjury lang `tong paa ko, dahil nahulog ako sa puno, balak ko kasing magdala ng manga sa inyo pag-uwi mo,” paliwanag niya. Binatukan ko siya. “E, ayun naman pala, e, bakit lumabas ka? Mahiga ka nga dito!” utos ko sa kanya. Ibinababa ko `yung bakal na dinadramahan ko kanina, at inalalayan ko siyang umupo do’n. “Isay,” malambing na tawag niya sa akin. Feeling ko nagtayuan na naman ang mga balahibo ko. Napatingin ako sa kanya. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko, parang mga 10 strands na lang ng buhok ang pagitan namin. “Can you be my… AHHHH!” Hindi ko napansin tumama na pala `yung paa ko sa nakasemento niyang paa. “Sorry,” natatarantang sabi ko. Napayuko ako at tinignan ang nasanggi kong paa niya. Pinigil niya `yung mukha ko at pinatitig ako sa kanya. “Look Isay,” ngumiti siya sa akin. “Can you be my girlfriend?” seryosong tanong niya. Nagulat na lang ako ng sumagot ako ng… “Yes.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD