"Anna, can you please give this document to Mr. Hermoso. Tell him that he must review this document again. I need the revised one, asap!" Pabagsak na nilagay ko sa desk ng sekretarya ko ang mga dokumento at kaagad na namaywang ako sa harapan niya. Kita ko ang gulat at matinding panginginig sa kanya. Sa galit na nakabalatay sa mukha ko ay sino ba naman ang hindi panginginigan ng laman? "Gusto ko na nasa table ko na 'yan bukas ng umaga at siguraduhin mo na na-revise iyan nang maayos at wala na akong palpak na mababasa!" masungit na bilin ko. "Y-Yes, Sir!" tarantang sagot niya. Hindi niya alam kung ano ang una niyang gawin dahil sa pagkataranta na kanyang nararamdaman. Ayokong manindak pero mukhang kahit hindi ako manindak ay natataranta pa rin siya. "You may go now para ma-revise na iy

