"Sigurado ka ba hija na walang masakit sa iyo? Sabihin mo lang kung may masakit sa iyo upang madala ka namin sa ospital," nag-aalala na tanong sa akin ni Nana Sita. Sinipat niya ang ibang bahagi ng katawan ko at tiningnan kung may mali sa akin. Siya nga dapat ang madala sa ospital dahil mukhang masama ang bagsak niya kanina. Matanda na siya at madali sa kanya ang mabalian. Mas inuuna pa niya ang kapakanan ko at hindi ininda ang nangyari sa kanyang sarili. Sabi naman niya ayos naman siya at medyo masakit lang ang kanyang balakang. "Opo. Ayos lang po ako, Nana Sita. Hindi naman po masama ang pagbagsak ko dahil naitukod ko naman po ang mga kamay ko sa sahig kaya hindi naman po ako nasaktan," pagbibigay ko ng assurance sa kanya. Umayos ako ng upo at hinaplos ang brasong nagasgasan. Tumama ka

