Mahigpit na pinulong ko ang buong security team ng mansyon na i-ban na si Mavy simula bukas sa pagpasok nito sa property namin. "Gusto kong simula bukas ay huwag ninyong payagan na makalusot sa pagpasok dito ang babaeng iyon. Kahit ano pang gawin niyang pakiusap ay huwag kayong maniniwala, maliwanag ba?" "Yes, Sir!" Inisa-isa ko silang tiningnan habang nagsasalita ako. Nais kong makita kung nakikinig ba sila nang maigi sa akin. May makita lang akong 'di seryoso na nakikinig sa akin ay papalayasin ko at kaagad kong papalitan. Ano man ang maging dahilan niya upang pumarito ay hindi nila pwedeng pahintulutan na pumasok ang babae rito. Nagbilin din ako sa kanila na kung magpumilit man siya ay kakasuhan namin siya ng trespassing. Ito ang pinakamadaling panakot sa kanya dahil alam kong hin

