Time flies so fast. Naging busy kami ng mga nagdaang araw. Ako na busy pa rin sa opisina at sina Mama na busy sa pag-prepare ng mga kakailanganin at ihahanda para sa nalalapit na eighteenth birthday ni Hailey. Tuloy pa rin ang gustong mangyari nina Mama at Papa. Nag-imbita pa rin sila ng mga bisita kahit sinabi ko na ang opinyon ko. Bahala sila, siguro nga naka-move-on na talaga si Mama. Naging panatag ang kalooban ko na maiwan si Angelisse sa mansyon kasama sina Mama. I know she would not get bored because Mama and Helena are there to entertain her or talk to her. Si Helena kasi ay nagli-low muna sa HNU. Nakiusap si Mama sa kanya na magbakasyon muna siya habang naririto sila ni Papa para makapag-bonding naman sila. May isang buwan pa para magbakasyon sa trabaho si Helena. On the next

