Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ni Angelisse. Wala akong sinayang na sandali dahil hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko. All my life I have stamped in my brain the face of the woman who took my sister. Kung hindi dahil sa kanya ay buo pa rin kami ngayon at hindi sana naghihirap ang kalooban ng aming ina. Si Nana Andeng iyon, hindi ako maaaring magkamali dahil natatandaan ko ang mukha niya kahit nadagdagan ang edad niya ng ilang taon. I ran as fast as I could. Kailangan ko siyang maabutan dahil nais kong malaman kung saan niya dinala ang kapatid ko. Kung anong ginawa niya rito at kung buhay pa ba ito! She will pay for the damage she has done with our family. Sa kulungan ang bagsak niya at sisiguraduhin namin na mabubulok siya roon habang buhay! "Why are you in a hurry, Kuya?"

