Sheryl's POV Nasa kamay ko ngayon ang sulat mula kay Michael at hindi ko maiwasang maiyak. Halos dalawampung taon na kaming hindi nagkikita at tanging mga sulat na lang ang tanging komunikasyon niya sa akin. I thought I can live my life having Sienna alone pero hindi ko pala kaya. Gabi-gabi akong umiiyak dahil namimiss ko na sila. Araw-araw akong nangungulila sa isa ko pang anak. Kahit hindi ako nagrereply sa mga sulat nila alam nilang nandito lang sila lagi sa puso ko. Ngayon ko lang nalaman na nandito sa Pilipinas ang isa ko pang anak. Lihim kaming nagkita at hindi ako makapaniwalang makalipas ng maraming taon ay nahawakan ko na siya. Ang batang mula nang ipinanganak ko’y sa mga larawan ko na lang nakikita. Sienna didn’t know about her father and sister. Hindi ko alam kung paano ko ipa

