Paghinto sa sasakyan ni Mariano, agad siyang bumaba at pinagbuksan si Zandria ng pinto. Inalalayan niya itong makababa dahil naka-blindfold ang dalaga. Sa hindi malamang dahilan ay biglang kinabahan si Zandria. Hindi niya tuloy alam kung maniniwala ba siyang surpresa ang mangyayari o pinagtripan na naman siya ng dalawa. "Dahan-dahan sa paghakbang baby." Bulong ni Mariano sa dalaga habang nakaalalay para hindi matumba. "Saan po ba tayo papunta?" Hindi maiwasang magtanong ang dalaga. "Malapit na tayo huwag kang mag-alala." Agad namang sagot ni Mariano sa kanya. Nang makarating na silang dalawa sa silong ng puno, pinahinto niya na si Zandria sa paglalakad. Dahan-dahan niyang inalis ang blindfold ni Zandria, dahil ilang minutong nakapikit ang dalaga ay medyo malabo yung paningin niya. Na

