*Mariano's Pov* __ Matapos ang aking proposal kay Zandria, kahit alas-onse na hindi ako nakaligtas kay Bernard. Mag-uusap daw kaming dalawa, kaya naman hinatid ko na si Zandria sa silid niya. Parang hindi naman siya masaya para sa amin ni Zandria, mukhang galit dahil hindi ko ba na-inform tungkol sa proposal. "Ano po yung sinasabi ni papa? Hindi ko maintindihan." Tanong ni Zandria sa akin, hinaplos ko ang kanyang mukha bago nagsalita. “Wala iyon huwag mo ng intindihin pa, ako na ang magpaliwanag sayo soon.” Sagot ko sa kanya at hinagkan ang kanyang noo. “Matulog ka na, pag-isipan mong mabuti yung sinasabi kong pamamasyal natin.” Sabi ko sa kanya bago isara ang pinto at lumakad na rin pababa ng hagdan. Sumenyas si Bernard na maupo ako kaya walang choice kundi sundin siya. “Ano ang

