*Zandria's Pov* — Nandito kami ngayon sa Mall ni Rhodes, inutusan kasi ako ni papa na bumili ng groceries at ibang kailangan sa karinderya. “Nabili mo na ba lahat ng kailangan?” Tanong ni Rhodes habang tulak-tulak yung cart. “Itong mga delata na lang ang kulang ko.” Agad kong sagot sa kanya habang kumukuha ng delata. “Kamusta naman ang panliligaw sayo ni Mariano?” Muli niyang tanong. “Maayos lang naman, wala namang nagbago lalo pa siyang naging sweet.” Sagot ko habang kumukuha ng corn beef. “Edi mabuti kung ganun, kapag nagkaproblema sabihin mo agad sa akin tuturuan ko ng leksyon yang Mariano mo.” Seryoso niyang sabi napatingin naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “Nag-usap ba kayo ni papa? Anong pinag-usapan ninyong dalawa?” Taas kilay kung tanong sa kanya, may kutob ako

