*Mariano's Pov* —— Hindi ako nakabalik kahapon sa bahay nila Zandria dahil tumawag ulit sa'kin si Corazon. Sa unit ko siya tumuloy kaya nanggagalaiti ako sa galit ngayon. "Sinabihan na kita Corazon, sa iba ka tumuloy dito ka pa talaga." Malamig kong sabi sa kanya, inis miran niya ako bago nagsalita. "Bakit wala na ba akong karapatang pumunta rito? Baka may tinatago ka sa akin dito na babae?" Malamig niyang tanong bago tumingin sa paligid. "Ano ba ang masama kung magdala ako ng babae dito? Binata naman ako kaya walang kaso doon!" Agad kong sagot sa kanya. "Babaeng pera lang ang habol sayo? Si Dittany mahal ka hindi dahil sa pera." Mahina akong natawa dahil sa kanyang sinabi. "Huwag na tayong naglolokohan dito, dahil simula pa lang hindi na ako interesado sa pamangkin mo!” Malamig kon

