*Zandria’s Pov* — Inaantok pa ako dahil anong oras na kami umuwi ni Uncle Mariano kagabi. Ang ipinagtataka ko lang ay iba yung pagka sweet niya kagabi. Para pang may masamang mangyayare na ewan diko ma-explain. Wala siyang ibang bukambibig kundi mahal na mahal niya ako kahit anong mangyari. Kahit nangingibabaw yung kilig na nararamdaman ko ay may kung anong kaba pa rin sa aking dibdib. Napatingin ako sa pinto dahil may kumatok. Bumangon na ako sa aking kama para buksan yung pinto. Pagbukas ko ay agad akong niyakap ni Uncle Mariano, heto na naman siya sobrang sweet nahihiya na yung mga langgam at candy dahil sa kanya. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin. "Good morning Baby, nakahanda na yung breakfast at naghihintay na rin si Bernard sayo." Nakangiti niyang sabi bigla naman akong k

