*Mariano’s Pov* – Maaga akong nagising dahil ihahanda na namin ang aming pagkain para mamaya. Tumingin ako kay Zandria na mahimbing pa rin ang tulog, kiniss ko siya sa labi bago tuluyang bumangon ng kama. Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at toothbrush. Nang matapos na agad din akong lumabas ng kwarto. Nakarinig ako ng tawanan sa kusina, mukhang mas maaga pa silang nagising sa akin. Lumakad ako papunta doon medyo malawak naman itong bahay, first floor lang may tatlong kwarto at maluwag din lalo na sa pang maramihan. Nang makapasok ako sa kusina nadatnan ko silang may kanya-kanyang trabaho. “Aga niyo naman, natutulog pa ba kayo parang hindi na eh.” Sabi ko sa kanila bago binuksan ang refrigerator at kumuha ng mineral. “Syempre mukhang maraming chicks sa labas eh nakita ko kahapo

