*Zandria's Pov* ____ Hindi ko pa rin pinapansin si Mariano at na sa akin pa rin yung cellphone niya. Hinihintay kong tumawag ulit yung haliparot na Dittany. Nasa byahe na kami ngayon papunta sa La union, i-isang sasakyan lang ang gamit namin yung van nila Rhodes. Driver namin ay si Papa, kaming dalawa ni Mariano yung nakaupo dito sa unahan, sunod si Rhodes at jada tapos mga kaibigan na nila ang nakaupo sa likuran. "Excited na ako grabe, taon na rin ang lumipas nung huling nag-dagat kami." Masiglang sabi ni Jada. "Tumahimik ka nga ang ingay mo!" Reklamo naman ni Rhodes, napailing na lamang ako. "Sungit! Doon ka sa likod dami mong arte!" Mataray naman na sagot ni jada, kaya hindi magkasundo ang dalawang to eh. "Kayong dalawa lagi na lang nag-aaway, kayo magkakatuluyan niyan!" Pang-aa

