Chapter 8

1603 Words
Nasa labas na ng paaralan si Rhodes, naghihintay sa kanyang kaibigan, at natutuwa siya dahil makikita niya muli si Zandria. Alas-dos palang ay naghihintay na siya kay Zandria, dahil baka tumakas na naman ito. Gaya ng ginawa nito sa kanya noon. Masaya at mabait ang dalaga na nagustuhan naman niya. Matagal na silang magkaibigan, at hindi pa rin nagbabago ang ugali ni Zandria. Kahit na gusto niyang ipahayag na mahal niya ito nang higit pa sa pagkakaibigan, nag-aalala siyang masisira ang matagal nilang pinagsamahan na dalawa. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan kundi si Zandria lang. Mas gusto niyang maging magkaibigan silang dalawa; Baka lumayo pa si Zandria sa kanya, at hindi niya kakayanin iyon kapag nangyari. Makalipas ang ilang minuto, napansin niya si Zandria at agad siyang bumusina, dahilan para mapasulyap ang dalaga kung nasaan ito. "Sino iyon?" Tanong ni Jada, dahil ibang sasakyan na naman ang susundo sa kaibigan. "Dumating si Rhodes kahapon, at mamasyal kaming dalawa ngayon," nakangiting sabi niya, tumaas ang isang kilay ni Jada. "Ano? Rhodes? Saan hinayupak 'yan, at bakit kayo lang ang aalis? Parang hindi niyo ako kaibigan," Mataray na sa ni Jada, pero agad ding tumawa. Tinukso ni Zandria ang kanyang kaibigan, "Isasama ka raw niya sa susunod." Napairap naman si Jada bago sumagot. "Duh, oo, sama talaga ako sa inyong dalawa! Pasalamat kayo, at kailangan kong umuwi ng maaga ngayon. Sa susunod, no excuse sa ayaw at sa gusto ni Rhodes sasama ako! Mga plastik na kaibigan!" Pagrereklamo ni Jada sa kanyang kaibigan, nag beso-beso na silang dalawa ni Zandria at naghiwalay ng landas. Masayang lumakad ang dalaga palapit sa sasakyan ni Rhodes. Binuksan ng binata ang pinto. “Lagot ka Rhodes, nagtatampo si Jada dahil hindi mo raw siya niyaya aawayin ka na naman niyan.” Pang-aasar niya sa kaibigan bago sumakay. “Sa susunod na siya mukha busy naman ang babaeng ‘yan.” Masungit na sagot ni Rhodes, dahil hindi sila magkasundo ng dalaga. “Hindi mo ba na-miss ang iyong ka-toyo?” Tanong niya sa binata bago tumawa ng mahina. “Hindi, tara na hayaan mo siyang mag-tampo.” Binuhay na niya ang makina ng kanyang kotse at umalis na silang magkaibigan. Habang nasa byahe ay nakatingin lang sa labas si Zandria. Naalala na naman niya yung nangyaring halikan nila ni Mariano. Napailing-iling siya, nagsalubong naman ang kilay ni Rhodes. “Sinong iniisip mo? Yung crush mong hindi ka gusto?” Tanong ni Rhodes dahilan para mapatingin siya sa binata. “Duh, hindi hah bakit ko naman siyang iisipin?!" Pagsisinungaling niya sa kaibigan. "Aba malay ko, crush mo nga eh! Sino ba yang engot na lalaking may ayaw s**o? Siguro umiiral ang kabaliwan mo kaya na turn off sayo." Muling tanong ng binata sa kanya, huminga siya ng malalim bago sagutin si Rhodes. "Kaibigan ni papa yun, matagal ko na siyang gusto. Akala ko wala na akong nararamdaman para sa kanya pero meron pa pala." Halos pabulong na sagot ni Zandria sa kanya. "Sinong kaibigan ni tito, yung seaman?" Muling tanong ni Rhodes, isang beses na niyang nakita si Mariano nung debut ni Zandria. Tumango naman ang dalaga bilang tugon. "Seryoso nagkagusto ka doon sa gurang na yon? Seventeen years ang agwat niyong dalawa. Why? Marami pa naman dyan hindi naman siya ang lalaki." Hindi makapaniwala na sabi ni Rhodes sa dalaga. Magkasing-edad lang si ng papa Bernard niya, para na niyang isa pang ama kung tutuusin. "Hindi ko alam, kailangan ba sa pag-ibig same kami ng age? Hindi pwedeng ma-inlove sa mas matanda? Abnormal ba ganu'n dahil umibig ako sa mas matanda sa'kin? Pinigilan ko namang huwag ma-in-love, pero kahit anong pigil kong gawin talagang nahulog na ako sa kanya." Naiiyak niyang paliwanag kay Rhodes, napabuntong-hininga naman ang binata at saka umiling. "Hindi ko naman sinabing abnormal ka, pero the Fvck Zand kasing edad iyon ng step father mo! At saka wala namang pinipiling edad pagdating sa pag-ibig. Pero sana piliin mo naman yung lalaking karapat-dapat sayo. Handa kabang tanggapin ang mga negatibong sasabihin sayo ng ibang tao?" Muling paliwanag ni Rhodes sa kanya at tanong. Kahit nasasaktan siya sa nalalaman ay nanatili pa rin siyang kalmado. "Ano ang mali kung iibig ka sa mas matanda sa'yo? Hindi ko namang natuturuan ang puso kong umibig sa iba. Age is merely a number, isn't it? I didn't love him because of his age, but because of the way he treated me. Kahit alam kong parang isang anak lang ang yun, marupok ako eh madaling mahulog sa mga simpleng ginagawa niya noon. Nakita ko ang pag-aalala niya.” Paliwanag ni Zandria sa mababang boses, hindi agad nagsalita si Rhodes. Sa kabila ng kanyang mga salita, talagang may matinding damdamin si Zandria para kay Mariano. Lubos niyang pinagsisisihan ang pag-iwan sa kaibigan. Kung nanatili sana siya sa piling nito at hindi iniwan. Siguro siya sana ang mamahalin nito sa halip na kaibigang marino ng kanyang stepfather. Pagdating nila sa night market, pinarada niya ang kanyang kotse. Walang bumasag sa katahimikan nilang dalawa, ayaw na rin ungkatin pa ni Rhodes dahil baka masaktan pa si Zandria. “Tara na habang kunti pa ang tao, huwag muna siyang isipan. Pumunta tayo rito para magsaya, nakakatampo naman na ako yung kasama mo tapos siya tumatakbo sa iyong isipan.” Seryoso na sabi ni Rhodes sa dalaga bago bumaba ng sasakyan, napabuntong hininga na lang si Zandria bago bumaba ng kotse. Hinila na ni Rhodes ang kaibigan, maraming mabibili rito at yung iba ay mga mura. Agad silang nagtungo sa mga street foods, napangiti na lamang si Zandria. Nandito sila at ang kaibigan niya ang kasama kaya magpakasaya mo na siya. “Gusto ko rin ng milk tea tapos yung inihaw na pusit.” Aniya sa binata saka ngumiti, napangiti na lang din si Rhodes. Binili niya ang gusto ng dalaga, pumunta sila sa gilid para doon kumain. “Bili rin tayo ng strawberry naubos na kasi yung binili ko nung nakaraan.” Nakangiti na sabi ni Zandria bago uminom ng milk tea. “Masarap siya, hindi puro ice cube ang laman.” Dagdag na sabi niya dahil yung ibang binibilhan nila ng milk tea mas marami yung ice cube. “Hindi ba ice cube na may kaunting milk tea?” Tanong naman ni Rhodes saka tumawa, natawa na lang din ang dalawa. Matapos nilang kumain ay naglakad-lakad mo na silang dalawa. May nadaanan silang nagtitinda ng mga souvenirs, hinila ni Rhodes ang kaibigan palapit doon. “Pumili ka ng para sa ating dalawa.” Agad namang pumili si Zandria, vintage bracelet ang kanyang tinignan. Yung color white ang napili niya. “Ito na lang para kahit papaano nakikita agad kita.” Pang-aasar niya kay Rhodes, agad naman siyang binatukan ng binata. “Makapangasar ka lang eh! Kapag ako talaga pumuti who you ka na sa akin!” May pagbabanta na sabi niya sa dalaga. “Oh kailan kaya yun? Limang taon ka sa maynila hindi ka man lang nag-light.” Natatawa na sagot niya bago isinuot kay Rhodes yung bracelet. “Yung ganito na binigay mo sa akin nasa box na kasi parang mapuputol na ang tali niya.” Aniya sa malumanay na boses habang tinitingnan yung bracelet. Binayaran na ni Rhodes yung pinili ng dalaga. “Saan pa tayo? Baka may klase ka pa bukas, bumili na lang tayo ng strawberry mo tapos uwi na.” Sabi ni bago muling hinila si Zandria papunta sa mga nagtitinda ng mga Strawberry at iba pang mga prutas. Si Rhodes na rin ang pumili ng Strawberries mahigit dalawang kilo yung binili niya. Bumili rin sila ng Ube Jam malaki na yung kinuha nila. Hindi rin pinalampas ni Zandria ang peanut brittle, lahat ng gusto ng dalaga ay binili ni Rhodes. At saka nila naisipang umuwi na rin dahil ang bilis ng oras. Alas-nuwebe na agad ng gabi. “Maraming salamat dito Rhodes, kapag naubos ko bili ulit tayo.” Nakangiting sabi ng dalaga, habang nasa byahe silang dalawa. “Mukhang mamumulubi ako sayo, pero sige kung saan ka masaya.” Tumawa naman si Zandria, binuksan na agad niya yung peanut brittle. Ito lagi ang binibili ng mama niya noon sa tuwing pumupunta sila dito sa Baguio. Pagdating nila sa bahay ng dalaga ay may nakita silang kotse na nakaparada sa garahe. Alam na agad ni Zandria kung kanino, kay Uncle Mariano niya. Nang may marinig naman sina Bernard na sasakyang huminto, agad silang lumabas nakita nila ang dalawa. Sumingkit yung dalawang mata ni Mariano, nang makitang may lalaking kasama si Zandria. “Magandang gabi po tito Bernard.” Magalang na bati ni Rhodes, nakahinga naman ng maluwag si Bernard dahil siya pala ang kasama ng anak. “Nandito ka na pala Rhodes, akala ko kung ano ng nangyari kay Zandria gabi na kasi wala pa siya.” May pag-aalala niyang sagot sa binata. Napatingin si Rhodes sa katabing lalaki ng step father ni Zandria. “Pasensya na po hindi ko siya na ipalam hindi kasi namin namamalayan ang oras.” Paghingi niya ng pasensya, hindi naman makapagsalita si Zandria dahil ramdam nito ang malamig na titig ni Mariano. “Maraming salamat Rhodes, pa-pasok ba ako sa loob good night.” Nauutal na paalam niya sa kaibigan, tumango naman si Rhodes. “Uuwi na rin po ako Tito Bernard.” Pagpapaalam niya bago tumalikod. “Sa susunod matuto kang ipag-paalam si Zandria, para hindi nag-aalala ang magulang niya.” Malamig na sabi ni Mariano bago tuluyang makapasok ang binata sa sasakyan nito. Dahil sa sinabi niya'y natigilan si Rhodes. Nagkatinginan silang dalawa, nanatili lamang tahimik si Rhodes malamig niya tinignan si Mariano bago tuluyang sumakay sa kotse. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD