*Zandria's Pov*
__
Palabas na ako ng bahay nang makita ko si Rhodes, nakasandal ito sa kotse niya na parang isang modelo. Feel na feel ng kuya Rhodes.
“Taas naman ng araw, anong kailangan mo Mr. Rhodes?” Mataray kong tanong bago naglakad palapit sa kanyang kinaroroonan.
Umayos siya sa pagkakatayo, tumingala naman ako para tingnan ang mukha niya, edi ikaw yung matangkad Rhodes!
“Sinusundo ka kamahalan para ihatid sa school mo. Hindi pa rin nagbabago ano yan always late?” Pabalik niyang tanong sa akin bago binuksan yung pinto ng sasakyan niya.
“Anong always late ka dyan, maaga pa mamayang nine pa yung unang klase ko!” Agad kong sagot bago sumakay sa passenger seat.
Umikot naman siya para sumakay sa driver seat. Talaga namang ang laki nang pinagbago ng kaibigan ko. Nakaka-amaze siguro marami na itong naging jowa.
“Mukhang na bola-bola muna naman si tita, bago ata ‘tong sasakyan?” Tanong ko sa kanya nang nabuhay na niya yung makina ng kotse.
“Pera ko ang pinang bili dito, grabe makapanghusga ka parang lagi akong naka-asa kila mommy.” Masungit niyang sagot sa akin.
“Ulo mo Rhodes parang hindi kita kilala, wala bang pa-breakfast dyan? Nagugutom na ako eh.” Nakangiti kong sabi with puppy eyes pa.
“Kadiri ka, para kang mongoloid ang pangit! Hindi mo ikinaganda ang pagpa-puppy eyes na yan!” Iritadong sabi niya sa akin, hinampas ko naman yung libro ko sa braso niya.
“Akala mo namang ang gwapo mong lalaki! Libre mo ako ngayon, ilang taon kang hindi nagparamdam sa akin buti pa yung multo kahit papaano ay nagagawang magparamdam eh ikaw? Hindi!” Nagtatampo kong sabi sa kanya, noong umalis kasi sila wala na kaming communication sa isa’t-isa.
“Ay sus wala pa rin talaga pinagbago paawa epek ka na naman. Saan mo ba gustong kumain? Bilisan lang natin at baka ma-late ako sa interview ko.” Agad niya na sagot, napangiti naman ako epekteb talaga ang ka-dramahan ko sa buhay.
“Wow talaga hindi yan joke? Doon tayo sa kinakainan natin noon, salamat agad!” Tuwang-tuwa na sabi ko umayos ako sa pagkakaupo.
“Nag-apply ka na rin pala ng trabaho? Good luck sana tumatanggap sila ng tulad mong mahangin.” Pang-aasar ko sa kanya, mahina lang siyang natawa.
"Tungkol pala sa jowa mong sinasabi ni tita, ano yon?" Tanong ko chismosa ako eh bakit ba?!
"Mesmosa ka pa rin talaga, wala iyon ayaw kasi ni mommy doon sa babaeng yun. Nakita niya kasing may ibang kasamang lalaki, at magkabalikan pa silang dalawa kaya galit na galit siya." Seryoso niyang kwento, kahit sino naman magagalit kung ganun ang ginawa.
"Buti nga galit lang baka kapag ako yun sinabunutan ko." Mataray kong sagot sa kanya.
"Umamin din naman siya sa akin, kaya mas pinili kong tapusin na lang namin kung anong meron kami. Hayaan na natin siguro hindi talaga kami para sa isa't-isa." Malungkot niyang kwento, hindi na ako muling magtanong pa. Baka nga nasa healing stage palang siya mahirap na baka umiyak.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa karinderyang kinakainan namin noon. Bumaba na kaming dalawa sa sasakyan, nakakamiss din dito marami kaming kalokohan.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Rhodes, tiningnan ko naman siya nagkakaloka.
“Pumunta lang ng maynila, naging gentle dog ka na.” Pang-aasar ko sa kanya.
“Pumasok ka na nga saraduhan kita eh.” Inis niyang sabi bago ako itulak papasok sa loob.
“Ang bad talaga nito porket matangkad ka.” Reklamo ko sa kanya saka ko inirapan.
“Anong gusto mo? Bangsilog pa rin?” Tanong niya sa akin.
“Oo naman tapos ito Lechon Kawali.” Agad kong sagot sa kanya.
“Dalawang order nga po ng Bangsilod at Lechon Kawali, at saka mineral.” Magalang niyang sabi sa nagtitinda.
“Sige i-served na lang sa mesa niyo.” Pumili na kami ng pwesto naming dalawa, sa sulok kami umupo.
“Anong oras matatapos klase mo mamaya?” Tanong niya habang naghihintay sa order.
“Mga alas-tres matatapos ang klase ko, bakit?" Pabalik kong tanong.
"Susundin kita, mamasyal tayo sa night market." Nakangiti niyang yaya sa'kin, sunod-sunod naman akong tumango.
"Sige ba, matagal na rin akong hindi nakakapunta doon."
"Hintayin na lang kita sa labas ng school mo." Aniya tumango naman ako bilang sagot.
Maya-maya pa ay dumating na yung pagkain namin, nagdasal muna ako bago kumain.
"Saan ka pala nag-apply ng work?" Tanong ko sa kanya bago sumubo.
"Hindi ako nag-apply may pinapagawa sa akin si dad, yung negosyo namin dati dito. Balak niyang magpatayo sa Maynila at dito manggagaling ang mga ibebenta." Paliwanag niya sa akin, napatango naman ako.
"Nice kung ganun para kahit papaano ay may iba't-ibang branches na kayo." Nakangiti kong sagot sa kanya, malakas ang negosyo nila rito. May mga bulaluhan din sila at hotels, kaya siguro mas pinili nilang bumalik dito para ayusin ang kanilang negosyo.
"Yes, para magkasama na ulit tayo baka kasi nagtatampo kana sa akin." Nakangisi niyang sagot, ngumisi mama ako bago nagsalita.
"Duh, pagka-graduate ko luluwas akong Maynila para doon magtrabaho." Sagot ko sa kanya seryoso naman niya akong tiningnan.
"Ano ba yan bumalik nga ako rito para magkasama ulit tayo. Dito ka na lang, sabi ni mommy gusto ko niyang gawin na manager sa hotel namin." Nakanguso niyang sabi habang seryosong nakatingin sa akin.
"May papasukan na kasi akong work sa Manila, kumpanya iyon sayang matagal ko ng gustong magtrabaho doon." Hindi ko pwedeng sayangin ang pagkakataon.
"Sige na nga payag, alam ko namang pangarap mong makapagtrabaho doon. Pero dapat bumalik ka dito hihintayin kita." Ngumiti naman ako saka tumango, wala ng nagsalita sa aming dalawa.
Masaya kaming kumain, gaya ng dati noong nag-aaral pa siya. Masaya ako para sa kanya dahil kahit papaano ay may mga pakialam na siya sa mga negosyo nila. Kasi noon wala siyang ibang iniisip kundi sarili lang niya. Magastos kung anu-ano ang pina-pabili, lagi niyang rason. Pero lang yan hindi naman agad nauubos dahil marami silang negosyo. Hindi naman araw-araw malakas ang benta, kaya lagi ko siyang napapagalitan.
Pagkatapos naming kumain ay agad din kaming umalis na. Dahil baka ma-late ako, sakto lang ang pagpapatakbo niya hindi byahe san pedro. Baka nasabunutan ko na to kanina pa.
"Basta hihintayin kita ha, baka mamaya bola ka na naman. Susugurin talaga kita sa bahay niyo!" Pagpapaalala niya, tumawa naman ako ng malakas dahil naalala ko noon naghintay siya ng matagal nasa bahay na pala ako.
Galit na galit siya sa akin noon, isang Linggo ata akong hindi pinansin. Para siyang babae kung magtampo, sinumbong ko kay tita ayon nagbati kaming dalawa.
"Oo para namang uulitin ko yon, hirap mo kayang suyuin parang babae hindi naman chix!"
Sagot ko sa kanya habang nakangiti, malamig niya akong tiningnan.
"Mabuti na yung magkaliwanagan tayo ang huli mo pa namang tumakas. Ang hindi tumupad sa usapan, siya manlilibre ng isang linggong breakfast at dinner." Seryoso niyang sabi, aba talagang ayaw patalo ng isang to.
"Sige akala mo hah! Paano kapag tumupad ako sa usapan?" Tanong ko dapat may kapalit to ano siya gold?!
"Lagi kitang ililibre ng breakfast, total dyan ka magaling mang buraot!" Sagot niya sa akin bago iparada ang kanyang kotse.
"Usapan yan ah, kapag hindi ka lang tumupad isusumbong talaga kita kay tita." Pagbabanta ko sa kanya saka ngumisi.
"Kailan pa ako hindi tumupad sa usapan Miss SERMONIA?" Talaga diniin niya pa talaga ang apelyido ko.
"Huwag kang magsasama ng iba, dapat tayong dalawa lang. Bonding nating magkaibigan to!" Dagdag niyang sabi napataas na lamang ako ng kilay. Mukhang bumabawi ang mokong. Limang taon ba namang hindi kami nagkita.
"Oo na Mr. DECOSTO, dapat bumawi ka sa akin nuh! Papasok na ako, maraming salamat sa breakfast bukas ulit. Sana biyayaan ka ng marami pang pera, at magkajowa ng mamahalin ka sobrang." May halong pang-aasar kong sabi sa kanya bago bumaba ng kotse.
Kumaway ako bago tuluyang pumasok sa gate, dahil ilang minuto na lang ay late na talaga me.
Masaya akong naglalakad papunta sa magiging classroom ko ngayong umaga.
Mabuti na lang kahit papaano ay okay pa rin kaming dalawa. Hindi na ulit ako malulungkot, kahit paano ay nakalimutan ko ang aking pagka broken hearted.
Kailangan maagang matapos ang klase ko ngayon, sayang ang libre ni Rhodes kuripot pa naman ng lalaking yun.
TO BE CONTINUED.