Chapter 6

1556 Words
*Zandria’s Pov* Nagising ako na masakit ang ulo; Hinawakan ko ito dahil para talagang sasabog na ewan! Maparami ang inom ko kagabi; nakakahiya kasi nandito pa si Uncle Mariano- Tinakpan ko ang mukha ko habang inaalala ang nangyari kagabi. Pakiramdam ko ay sobrang pula ng aking mukha. Hinalikan niya ako, at sa kabila ng katotohanan na lasing ako, alam ko pa rin ang aking ginagawa. Pero kkyyaa, hinalikan niya ako sa labi, pero may nasaktan ako sa kanyang sinabi. Akala ko may ibig sabihin ng halik na 'yon, kaya inisip ko na nararamdaman niya rin ang aking nararamdaman. Pero bakit niya ako hinalikan? Para saan ang halik niyang iyon? Napahinto ako sa pagmumuni dahil may kumatok sa pinto ng aking kwarto. "Zand, gising ka na ba? Nakahanda na ang agahan bumaba ka na dyan." Tawag sa akin ni papa. "Pababa na po papa." Agad kong sagot bago bumangon mula sa pagkakahiga. Lumakad ako papunta sa banyo para maghilamos, nang matapos na lumabas na akong kwarto. Nandito pa kaya si Uncle Mariano? Sana umuwi na siya wala akong mukhang ihaharap. Nang malapit na ako sa kusina may narinig akong kausap si papa. Patay nandito pa ata siya. "Nag-apply ulit ako sa agency hinihintay ko lang yung tawag.” Seryoso niyang sabi kay papa, sasampa ulit siya sa barko? Kababalik lang ata niya aalis na naman siya? “Akala ko ba mag-aasawa ka na? Hindi na tayo pabata Mariano, baka hindi ka na makabuo niyan. Kung pera marami ka na niyan, may kumpanya naman kayo.” Sagot naman ni papa, hindi ko alam if papasok pa ba ako dahil sa kanilang usapan. “Huli na siguro ‘to six months lang naman iyon.” Maikling sagot ni Uncle Mariano, nang hindi ko na sila marinig na nag-uusap pumasok na ako sa loob. “Oh Zand, kumain ka na may lakad ka ba ngayon?” Agad na tanong sa akin ni papa. “Wala po papa, gusto kong matulog maghapon parang sasabog itong ulo ko.” Sagot ko bago umupo sa bakanteng upuan at sumandok. Ramdam kong nakatingin siya sa akin, pero ayoko tumingin nakakahiya. “Nagyayaya ang Uncle Mariano mo mamasyal, ikaw na lang sumama maraming customer ngayon.” Dahil sa sinabing iyon ni papa ay napatingin ako kay Uncle Mariano. “Okay lang, sa susunod na lang.” Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa akin. Okay awkward hindi ko alam kung ano ang isasagot. “May long quiz po kasi ako bukas, kailangan ko rin mag-review.” Pagsisinungaling ko bago yumuko at nagsimulang kumain. Gusto kong magpalamon sa lupa ngayon, akala ko umalis na siya. Matapos kaming kumain na hindi muling tumingin sa kanya. Naghugas na ako ng plato, si papa nagpaalam na rin dahil kailangan na niyang pumunta sa karinderya. Si Uncle Mariano hindi ko alam if umalis na, sana nga wala na siya nuh nakakailang. Sa tuwing naalala ko yung halikan namin kagabi, namumula ang aking mukha. Nang matapos na akong maghugas, pinunasan ko muna ang aking kamay. Saktong pag harap ko sa pinto ay halos mapatalon ako sa gulat. Dahil nandoon si Uncle Mariano, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. “Can we talk?” Tanong niya, napatango naman ako bilang sagot. Nauna siyang lumakad kaya sumunod ako sa kanya, ano kayang pag-uusapan naming dalawa. May nasabi ba ako kagabi? Nabanggit ko kayang may gusto ako sa kanya? Overthink malala na ako, kasalanan talaga to ng alak. Nandito kami ngayon sa silong ng puno, dito sa likod ng bahay. "Yung nangyari kagabi." Panimula niya. "Pareho lang tayong nadala, pasensya na kung hindi ako nakapagpigil." Dagdag niyang sabi para namang may tumusok na karayom sa puso ko. "Baka kasi umiwas ka sa akin." May pag-aalala niya na sabi, napa tango naman ako bago nagsalita. "Wala po yun, huwag niyo ng alalahanin pa ang tungkol doon." Nakangiti kong sagot pero deep inside para unti-unti ng nadudurog ang aking puso. "Pasensya ka na talaga Zandria, hindi ko sinasadyang gawin ang bagay na iyon. Dapat pinigilan kong halikan ka." Muling niyang paghingi ng pasensya, pakiramdam ko sobrang pula na ng aking mukha. "Kalimutan na lang po natin ang nangyari. Kasalanan ko rin kung bakit mo nagawa iyon. Lasing kasi ako, pasensya na po Uncle Mariano." Nahihiya kong sabi sa kanya napayuko na lamang ako. " Papasok na po ako sa loob, marami pa kasi akong gagawin." Paalam ko sa kanya dahil alam kong tutulo na ang aking luha. First Crush, first heartbreak at higit sa lahat pati first kiss ko nawala. Pagpasok ko ng kwarto ay agad kong ni-lock yung pinto. Agad akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Pigil na pigil ako sa pag-iyak dahil ayokong dibdib, hindi ko dapat iniiyakan 'to dahil umpisa palang naman ay parang anak na rin yung turing sa akin ni Uncle Mariano. Ako lang yung nagbigay ng malisya na-inlove sa kanya na dapat ay hindi. Narinig ko ang sasakyan niyang papaalis na, medyo nakahinga ako ng maluwag. Ikakasal na siya soon dapat ko ng kalimutan kung ano ang aking nararamdaman para sa kanya. ___ Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto, magkasalubong ang aking kilay na bumangon ng kama para bukas. Pagbukas ko ay si Rhodes, ngiting-ngiti habang nakatingin sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong dahilan para mawala ang ngiti sa kanyang labi. "Grabe parang hindi mo ako na-miss, malamang dinadalaw ka ang tagal kong nawala wala ba akong yakap dyan?" Nakanguso niyang sagot sa akin saka akmang yayakapin ako pero pinigilan ko. "Hindi kita na-miss nuh! Naging tahimik nga ang buhay ko no'ng umalis ka rito!" Mataray kong sagot lalo namang humaba ang kanyang nguso. Kababata ko siya at lagi kaming magkasama noon, nagkahiwalay lang dahil nalipat ng trabaho ang papa niya sa Maynila. "Joke lang, syempre na-miss kita wala na ang tagapagtanggol ko eh." Nakangiti kong sabi bago siya niyakap. Yumakap naman sa akin si Rhodes. "May pasalubong si mama sayo, tara sa bahay doon ka na mag-dinner." Aya niya sa akin. "Sige maliligo lang ako saglit, hintayin mo'ko sa sala." Paalam ko sa kanya bago sinara yung pinto. Agad akong tumakbo sa banyo para maligo, ang lamig talaga ng tubig! Nang matapos na akong maligo, isang simpleng pambahay yung sinuot ko dahil magkapitbahay lang naman kami. Lumabas ako ng kwarto at patakbong bumaba sa hagdan, nadatnan ko siyang nanonood ng tv sa sala. "Tara na, na-miss ko ang luto ni Tita." Masiglang aya ko kay Rhodes, agad naman niyang pinatay yung tv. "Dito na ulit kami titira ni mama pero si papa maiiwan sa Maynila." Nakangiti niyang sabi habang naglalakad kami papunta sa kanila. "Talaga? Edi may service na ulit ako." Natatawa kong sabi siningkitan niya naman ako ng mata. "Ano ako driver mo? Syempre oo para hindi ka nililigawan dyan, siguro may boyfriend ka na!" Napataas ang isa kong kilay bago magsalita. "Duh boyfriend wala kaya, may ibang gusto ang lalaking nagustuhan ko." Nakanguso kong sagot sa kanya. "Kung ayaw sayo huwag mong ipagpilitan ang sarili mo! Nandito naman ako hindi muna kailangan tumingin sa iba." Hindi ko narinig ang huli niyang sinabi, kaya kunot noo akong nakatingin sa kanya. "Ano hindi ko narinig ang huli mong sinabi?" Agad kong tanong dahil parang walang balak ulitin ang sinabi niya kanina. "Wala sabi ko, maganda ka pwede ang bingi mo naman." Agad niyang sagot binatukan ko nga, kababalik palang niya binu-bully na agad ako. "Eh ikaw, ilang taon ka na sa Manila ang itim mo pa rin!" Pang-aasar ko sa kanya, ang tawag nila sa'min ay kape at gatas. May lahi kasi si Rhodes ang papa niya ay half black American. Hindi nakuha ni Rhodes ang kaputian ni tita. "Sira ka pala eh tamong ito na talaga kulay ko!" Natatawa niyang sagot sa akin. "Kayong dalawa pumasok na kayo rito, malamig na dyan sa labas." Tawag sa amin ng mama niya, hinila na ako ni Rhodes papasok sa malaki nilang bahay. "Magandang Gabi po Tita, kamusta po kayo?" Nakangiti kong bati sa kanya. "Nako ang ganda pa rin talaga ng dalaga ko, bagay na bagay kayo ni Rhodes." Nakangiti niyang sabi, natawa naman ako kahit noon pa ay lagi niyang sinasabi yun. Gusto niya ako para kay Rhodes, pero talaga magkaibigan lang kaming dalawa. "Mommy naman, mamaya lumayo na yan sa akin. Magkaibigan lang kaming dalawa." Nahihiya na sabi niya, tinarayan naman siya ni tita. "Nirereto na nga kita eh ang hina mo naman." Mataray niyang sagot, nagkatinginan kami ni Rhodes saka tumawa. Hindi pa rin talaga nagbabago si tita. "Yang kaibigan mo, nagkaroon ng girlfriend sa Maynila malandi naman." Kwento ni tita, muli akong napatingin sa kanya. Marami kang ikwekwento sa akin *look* "Wala na kami non mommy, hindi ka pa ba makaka-move-on? Ako nga okay na eh." Natatawa na sagot ni Rhodes. "Che, ayusin mo ang pagpili ng mga nagiging girlfriend mo. Nandito naman si Zandria, mas mapapanatag ang loob ko." Seryoso niyang sagot, napa kamot naman ng batok si Rhodes. Natatawa akong habang nakatingin sa kanya. "Kumain na tayo, na-miss daw ni Zand yung luto mo mommy." Pag-iiba niya ng topic, dahil alam naming hindi titigil kakasabi ni tita na ako na lang ang maging girlfriend ng kanyang anak. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Gwapo si Rhodes matangkad marami nga nagkakagusto sa kanya noon. Pero hindi niya binigyan ng pansin. TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD