Justine Ngayon na alam na talaga namin kung ano ang pakay ng mamatay tao na ito ay alam na namin ang gagawin namin. Marami pa kaming tanong na hindi pa nasasagot pero sa ngayon alam na namin kung saan kami magsisimula at ano ang mga hakbang na gagawin namin. Lulan ako ngayon ng isang bulletproof na sasakyan ng pulis na ibinigay sa akin ni Jethro para sa aking proteksyon. Kung noon ay bantay lang ang meron ako ngayon ay mismong pulis na ang mage-escort sa akin kahit saan ako pumunta. Pabalik na ako ngayon sa bahay ni Jethro at hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Ameya lalo na at nagiging sensitibo siya sa lahat ng mga bagay. Siguro dahil na rin sa kanyang pagbubuntis. Pagpasok ko ay naabutan ko sina Cherry at Ameya na masayang nagkwe-kwentuhan. Nang nakita nila ako ay sabay sil

