Justine Pagdating namin sa bahay ni Jethro ay agad kong pinatulog si Ameya sa aming kwarto. Mahimbing naman siyang natulog kaya iniwan ko na muna siya. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. Pumanhik ako sa baba at naabutan ko pa si Cherry doon na abalang nagpapatulog sa kanilang anak. “Kumusta na si Ameya?” tanong niya. “She’s fine. Maselan daw siyang magbuntis.” Tumango-tango siya. Maya-maya ay nakatanggap ako ng tawag sa aking sekretarya na si Stacy. Sinagot ko ito at muntik akong mabingi sa kanyang sigaw. “Stacy? Calm down, I can’t understand you. What—” Napatingin ako kay Cherry. Tumakbo ako papunta sa aking sasakyan na nakaparada sa parking lot ng bahay ni Jethro sabay sumakay sa aking sasakyan para pumunta sa aking kompanya. Hindi na ako nakapagpaalam kay Cherry. “Justine!”

