Dahil sa nangyaring sunog sa tindahan niya kaya mas minabuti ni Ze na bumalik muna ng San Diego. Wala kasing natira sa mga paninda niya. Sunog na sunog ang tindahan at wala ng mapapakinabangan pa. Nanlulumo man ay nagpakita siya ng katatagan habang pilit niyang hinaharap ang sitwasyon. Bahagya pa siyang ngumingiti kahit ang bigat-bigat na ng nararamdaman niya. Utang pa kasi ang iba sa mga paninda at kailangan niya iyong bayaran. Wala siyang sapat na pera para roon kaya mas lalong nadagdagan ang alalahanin niya. Sa bahay nina Nanang Joan at Nanang Clara ay tinanggap naman si Ze ng maayos. Ngunit panay ang sermon ni Nanang Clara. Hindi kasi nito matanggap na ang lahat ng pinaghirapan ni Ze ay naglaho na lang na parang bula. Hindi man nito sinisisi ang dalaga ay nagagalit pa rin ito dahil

