"Boss, nawawala si Miss Ze," ulat ni Nick. Biglang napatayo si Dwien. Natabig pa niya ang mga make-up kaya nahulog ang mga ito. Nasa set siya ng ginagawa nilang tv series at hindi niya inaasahan na iyon ang matatanggap n'yang balita lalo na at ang alam niya ay maayos ang sitwasyon ni Ze sa piling ng mga nanang nito. "Paano siyang nawala, Nick?" malakas na tanong ni Dwien. "Ang huli kong natanggap na ulat ay ikinulong siya ng mga nanang niya. Humingi siya ng tulong sa akin para mailabas ko siya sa silid niya ngunit nang pumunta ako ng San Diego, bumungad sa akin ang balita na nawawala na nga si Ma'am Ze." "Tingnan mo sa silid n'ya! May puno ng mangga sa gilid ng bahay nila, akyatin mo iyon at diretso iyon sa silid n'ya," utos ni Dwien. "Wala, boss. Malaya akong nakakapasok sa bahay n

