Biglang tumigil si Ze sa paglalakad. Naiisip n'yang hindi oobra ang katapangan niya kung masamang tao ang sakay ng sasakyan. Natatakot siyang baka madukot siya o kaya ay baka malaman ni Simon kung nasaan siya. Sa tindi kasi ng impluwensya ng lalaking iyon, hindi na nakakapagtaka na masundan siya nito. "Miss, pwede bang magtanong?" Napalingon si Ze sa driver ng sasakyan na kanina pa bumubuntot sa kaniya. "Huwag kang lalapit!" matapang na sabi ni Ze sa lalaki. Nag-iingat siya na baka bigla siyang isakay nito sa sasakyan kaya umatras siya. "Miss, bakit takot na takot ka? May itatanong lang naman ako sa iyo kung saan ba ang may pinakamalapit na paupahan dito? Maghahanap kasi ako para malapit ako at ang pamilya ko sa trabaho." Nagdududa na tiningnan ni Ze ang lalaki. Sa room for rent na

