Nang dumating si Dwien mula sa nursing station ay naabutan niya si Ze na nanonood ng interview ni Jamie. Wala siyang ideya sa tumatakbo sa isip nito pero nang makita siya nito ay dahan-dahan itong bumaling sa kabilang direksyon ng kama. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Dwien sa kasintahan niya. Lumakad siya patungo sa direksyon kung saan nakaharap si Ze. Hindi sumagot ang dalaga. Sa halip ay umiwas ito ng tingin sa kaniya. Hindi na nagpumilit pa si Dwien na makausap ito. Humakbang siya pabalik sa kabilang bahagi ng higaan. Umupo siya sa gilid ng kama. Hinawakan niya lang ang braso nito at nanatili siya sa posisyon niya kahit nakatalikod si Ze. Si Cristine ay hindi masyadong makatingin sa magkasintahan. Batid n'ya ang tensyon sa loob ng silid kaya nagpaalam siyang lalabas muna.

