KEIKO PAGKALABAS ng hospital, dinala agad sila ni Reese sa isang pribadong paliparan. Nagtataka man ay tahimik lang siya nakasunod kasama si Reiko na umakyat sa isang magarang eroplano. "Daddy, saan tayo pupunta?" Narinig niyang tanong ni Reiko. Mabuti na lang at nagtanong ang anak niya. Kanina pa kasi niya gustong magtanong subalit nahihiya siya. Nakangiting lumingon si Reese sa kanila. "Philippines..." Napaawang ang labi niya sa narinig. Babalik na sila sa Pilipinas? Kaya pala imbes sa Donovan mansion sila dumiretso, dito sila dinala ni Reese. Uuwi na sila ng Pilipinas. Makakabalik na siya. Bigla nag init ang sulok ng mga mata niya. Kaytagal na niya hinantay ang ganito pagkakataon na makabalik sa sariling bansa. Prenteng naupo na sila ni Reiko sa loob ng eroplano. Nalaman din niya

