KEIKO PAGKAMULAT ng mga mata niya kaagad siya napabalikwas ng bangon nang maalala ang anak at ang naganap. Nakita niya sumulpot si Amir sa mansion ng mga Donovan, medyo blurred ang ibang pangyayaring natatandaan niya dahil nawalan siya ng malay. Ang huling tanda niya ay nakita niya nakikipagbarilan si Nanay Rosie sa ilan tauhan ni Amir. Malabo ang paningin ngunit alam niyang si Nanay Rosie talaga iyon hanggang sa may bumuhat sa kaniya at dinala siya sa kung saan. Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Kaya labis ang kaba niya nang maalala si Reiko. "Reiko!" malakas na tawag niya. Bumukas ang pinto at iniluwa ang nakangiting anak niya. "Mommy you're awake now!" excited na sabi ni Reiko at masiglang lumapit sa kaniya at yumakap. Napatingin siya sa suwero nakalagay sa kamay n

