REESE SANDAMAKMAK na patay at sugatan na katawan ang nagkalat sa labas mansion. Patakbong tinungo niya ang mansion habang nakasunod naman si Marshall sa kaniya. Malalakas at sunod-sunod na putok ang mauulinigan sa loob. Nagpalit kaagad siya ng magazine ng baril. Pagkapasok bumungad sa kanila ni Marshall ang Nanay at Tatay niya na nasa gitna at nakikipagpalitan ng putok sa mga tauhan ni Amir. Napatulala siya. For the first time in his life, ngayon lang niya nakitang humawak ng baril ang Nanay nila at hindi lang basta baril lang ng baril ito. Bawat pakawala ng putok ay asintadong tumatama sa ulo ng kalaban. Bulls eye kada kaldag sa baril ika nga. Narinig niya napa 'Wow' si Marshall. Tumikhim ito. "What can I say? Nanay ko 'yan!" pabirong bigkas ni Marshall. Sasagot sana siya nang may

