KEIKO MAHIGPIT na yakap ang isinalubong ni Nanay Rosie sa kaniya nang makarating sila sa mansion ng mga Donovan. "I'm so glad that you are here and safe now, Keiko," nangingislap na mga matang wika ni Nanay Rosie. Hindi na niya napigilan ang maluha at gumanti rin ng yakap. Napakaliit nga naman ng mundo, biruin mo Nanay pa pala ni Reese ito. Parang tadhana talaga ang nagdala kay Nanay Rosie upang makilala niya ito. Naramdaman niya ang masuyong paghimas ni Nanay Rosie sa likod niya. "You are safe here, Keiko. Hinding-hindi kayo malalapitan ni Mr. Saber sa teritoryo namin. Believe me," paniniguro ni Nanay Rosie sa kaniya. Marahan siyang tumango at inilayo ng kaunti ang katawan sa Ginang saka ngumiti. "Maraming salamat po, Nanay Rosie. Nasaan po si Reiko?" pagpapasalamat niya sabay han

