REESE TAHIMIK lang na nakikinig siya sa kuwento ng Nanay niya tungkol sa kung paano nito nakilala si Keiko at ang rason kung bakit ito humihingi ng saklolo. Nagngingitngit ang kalooban niya sa mga narinig. Hindi siya makapaniwala ganoon ang nangyayari sa dalaga. Mayamaya pa ay lumapit sa kaniya si Reiko. Nakatunghay ito sa kaniya. Bumuntong hininga na lamang siya. "Sabi mo po marami kang toy guns? Nasaan na po?" He shook his head and smirked. Naalala niya ang toy guns na hilig nito. Hinawakan niya ang buhok ni Reiko at bahagyang ginulo iyon. "Lola Rosie will give it to you later, okay? Pupuntahan ko lang ang Mommy mo." Reiko smiled and nodded. "Okay po. Kunin niyo na rin si Mommy ko para hindi na siya magkasugat sa katawan." Seryosong napatitig siya kay Reiko. "Maraming sugat sa k

