KEIKO ISANG nakakayanig na sampal ang pinadapo ni Amir sa kanyang pisngi. Pakiramdam niya na dislocate ang panga niya sa lakas ng pagkakasampal nito. Napatingin siya agad kay Amir habang sapo ang na nanakit na pisngi. Nanggagalaiting hinaklit nito ang braso niya saka marahas na tinulak siya sa kama. Napuno ng takot ang dibdib niya. "You are a flirty woman! disgusting!" gigil na asik ni Amir sabay duro sa kanya. "P-Please stop...I did nothing wrong." Naiiyak na pakiusap niya. Wala naman talaga siyang ginawang mali. Ngunit walang balak makinig si Amir sa sinasabi niya. "Do you think I'm that stupid, huh? Who did you kiss at the restroom? Who?!" Isang mapanakit na hawak ang ginawa nito sa buhok niya. Napaigik siya sa sobrang sakit. Damang-dama niya ang pagtaas ng buhok at anit niya. "

