REESE HINDI niya alam kung bakit iba ang pakiramdam niya nang malaman may anak si Keiko. May bahagi ng isip niya ang nagtatanong kung anak nga ba ni Mr. Saber ang batang lalaki na si Reiko. Una, hawig na hawig ni Keiko ang batang lalaki. Parang boy version ni Keiko. Pangalawa, walang kahit ano resemblance ang bata kay Mr. Saber. Pangatlo, ang banggit ng Tatay niya ay baog ang matandang negosyante. Kaya imposible magkaanak ito at si Keiko. Lalo lumakas tuloy ang hinala niya nang tanungin niya si Keiko nang makita niya ito sa opisina ni Mr. Saber. Hindi ito kumibo. Hindi man lang ito sumagot sa tanong niya. Nagpakawala siya nang malalim na paghinga. Aminado siya wala siya balak makipagsosyo kay Mr. Saber pero nagbago ang isip niya nang makita niya si Keiko sa event party at matuklasan asa

