KEIKO NAGMADALI siya pumasok sa loob ng library. Puno nang kaba ang dibdib niya baka kasi malaman ni Amir ang pagtawag niya na iyon. "H-Hello?" mahinang wika niya sa kabilang linya. Ilan segundo lang ang lumipas. Narinig na niya ang isang pamilyar na boses ni Nanay Rosie. Kahit papaano nagkaroon siya nang munting pag-asa na matulungan siya nito. "Keiko? Oh, thank God! What happened? Are you okay?" Lumunok muna siya ng laway bago naglakas loob na magsalita. "I-I need h-help...please. I can't take it anymore," garalgal ang boses niya. Narinig niya ang malalim na paghinga ni Nanay Rosie. "I will definitely help you, my dear. Just hold on, okay? I'll ask for some help with my son. My son is badass. He'll surely know what to do to help you and your son." "Thank you, Nanay Rosie." Nalul

