Prologue
Dorothy Joy Cortez
"What kind of life can you provide for my son, hmm? Isang hamak na empleyado ka lang naman sa isang kompanya na hindi naman yata kilala? I'll let you marry my son if you can show me that your fortune is equal to his. Ayokong maikasal ang anak ko sa isang babaeng mahirap lang."
Tumingin ako kay Roy upang sana ay humingi nang tulong. Hindi ko naman kasi puwedeng sagutin ang Mom niya dahil kapag bumuka itong bibig ay walang makakaawat sa akin kahit sino. Dismayado ang aking mukha nang tingnan si Roy. Nakaiwas kasi ang tingin niya sa akin habang kausap si SimSimi— I mean si Inah.
Inang 'yan! Para naman kasing robot kung sumagot siya sa akin, pero kapag si Roy ang kumakausap sa kan'ya ay parang lumalabas ang kalandiang taglay niya. Hindi man lang nahiya sa original na nakamasid lang sa kanila habang ipinapahiya ni mother in law. Oh my gosh na magiging pamilya ito! Wala man lang tumutulong sa akin para makaalis sa sitwasyong ito.
"Wala ka bang balak magsalita? Is your tongue paralyzed, or are you afraid to show me that you can't match my son's wealth? Well, pangalan nga lang ng kompanyang iyong pinagtatrabahuhan ay hindi mo kayang sabihin. Ang pera mo pa kaya?" muli akong tumingin kay Roy pero mas lalo lang lumaki ang dismayado ko sa kan'ya.
Bumuntong hininga ako at taas noong sinalubong ang tingin ng kaniyang Mom. Kung hindi niya ako kayang ipagtanggol sa kaniyang magulang, puwes ibahin niya ako. I can't stand the thought of being embarrassed in front of a big crowd, and I can't stand the thought of receiving even the mildest criticism from others.
I will not disrespect her. Kahit na sobrang pagpapahiya na ang ginawa niya sa akin. Hindi ako ipinanganak kahapon para hindi maramdaman ang pag disgusto niya at lalong hindi ako tanga para hindi maramdaman na hindi kayang magpakalalaki ng boyfriend ko dahil wala siyang bayag.
Dinala niya ba ako rito para lang ipamukha nila sa akin na isa akong mahirap lang? Alam ko naman na matapobre ang kaniyang Mom, pero maski ba siya ay matapobre rin? Excuse me lang ha, pero mas hindi hamak na mas mataas pa ang sahod ko kaysa sa kanilang lahat. NOT TO BRAG.
"It's my privacy, Ma'am. Hindi ko po puwedeng ipakita na lang sa'yo ang aking pera just because you're Roy's Mom. Hindi ko rin po ipinapakita sa anak niyo ang pera ko dahil I don't feel at ease boasting or displaying the money I've saved. Hindi rin po basta basta ang trabaho ko sa kompanya at hindi lang basta bastang kompanya ang napasukan ko. I just can't tell dahil hindi ko naman kailangan sabihin kung saan ako nagtatrabaho basta marangal iyon at hindi sa masama nakukuha iyong mga pera ko."
Nagpakawala ito nang ngisi at parang alam ko na ang susunod na mangyayari. Kung walang balak pumagitna si Roy sa amin, hindi matatapos ang sagutan namin ng Mom niya. I calmly talk to her, and my respect is still there because she is my boyfriend's mother and she is not just a random Karen.
"You're ilusyunada!" tumawa ito. "I can't believe na ikaw ang naging nobya ng aking anak. I just can't believe. Oh my god! You have no respect! Saan ka ba napulot ng aking anak, hmm? D'yan lang ba sa tabi tabi, ija?" mapanutsa ang mata ng ginang. Halatang mababa ang tingin niya sa akin.
"Hindi po ako pinulot ng pinakamamahal niyong anak, Ma'am. Niligawan niya po ako. Siya po ang dahilan kung bakit nasa harapan niyo ako at nakakausap ako. If your son hadn't courted me, I wouldn't have come to your family reunion, where I'm not even welcome in open arms.." walang awkwardness sa akin nang sabihin iyon sa kan'ya. Bakit pa? Nang makatapak ang paa ko sa pamamahay niya, I know that I'm an outcast.
"You're bastos!" bumuntong hininga ako. Kalokang pamilya ni Roy ito! Mamumuti ang buhok ko sa stress. Ngayon naman magmumukha na akong masama at siya naman ang biktima sa sarili niyang laro. In the end, siya pa rin ang nanalo. Nonsense!
"Iba po ang bastos sa nakikipag-usap ng maayos. I want you to get to know me completely so that you will be less suspicious of me. Para po kasi akong kumakapa sa dilim every time na ime-meet ko po kayo. I just want you to trust me at isipin na I'm not a whore.." mukhang nahihirapan kasi siyang sabihin na baka w***e ako kaya sa sariling bibig ko na nanggaling para hindi na siya mahirapan.
"Rogelio! Ilayo mo sa akin ang babaeng ito! She will be the death of me! Ilayo mo sa akin ang nobya mo!" ang kaninang parang bulang si Roy ay biglang napunta sa aking harapan. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso at nasasaktan ako.
Hinila niya ako papalayo sa Mom niyang nagwawala dahil sa sinabi ko. Nagpupuyos ang mga mata ni Roy at hindi niya niluluwagan ang pagkakahawak niya sa aking braso kahit na nakaalis na kami sa eksena. Napansin ko naman sa kaniyang likod, nakamasid sa amin si SimSimi— I mean si Inah!
Ina neto oh. Buntot ba siya ng boyfriend ko? Kailangan ba kasama niya lagi si Inah? Inang iyan! Maguusap kaming dalawa, tapos parang cctv ang childhood friend niya sa kaniyang likuran? Jusko! Kung hindi ko lang mahal ang damuhong ito ay baka matagal ko na siyang iniwan dahil sa pagiging matapobre ng pamilya niya.
"Yes?" nakatingin siya sa akin. Parang sinusunog na nga niya ang kaluluwa ko sa impyerno.
Matagal na raw silang best friends ni Roy. Simula raw bata pa sila ay magkasama na silang dalawa. Lagi silang magkadikit at para silang kambal na ayaw magkahiwalay. Nag tuloy tuloy ang pagiging magkaibigan nila to the point na mas girlfriend pa si Inah na ito kaysa sa mga naging ex girlfriends ni Roy.
Ngayon na boyfriend ko si Roy masasabi ko na totoo ang bali-balita tungkol sa kaniyang kaibigan. I can see in my eyes na may mali kay Inah si Roy lang yata ang hindi makakita dahil puta siya.
"Bakit mo naman sinagot si Mom? Nag-usap na tayo about dito, right?" tinabig ko ang kaniyang kamay sa akin at tumawa nang mahina. "What's wrong with you, Dorothy?"
"Nothing's wrong with me, Roy. Ang sarili mo ang tanungin mo. Why did you not stand up for me against your mother? Hinayaan mo lang akong laitin ng Mom mo sa harap ng mga kamag-anak niyo. Tapos makikita kita, casual na nakikipag-usap sa malantod na ito?" taas baba kong tiningnan si Inah. Ina talaga talaga.
"What!?!" tinapangan ko ang sarili.
"What what, Roy? Bakit? Totoo naman na malandi iyang childhood friend mo, pero ikaw lang ang hindi nakakakita. Roy, oh my god! I'm being insulted by your mother, but you didn't even try to stop her from acting in this way, did you?" nagpupuyos sa galit ang kaniyang mga mata.
"Abala ka d'yan sa childhood friend mong haliparot!" dinuro ko si Inah at wala akong pakialam kung magalit siya sa akin. Baka samahan ko pa siya sa impyerno para magsumbong kay Satanas eh. "Gosh! Hindi naman ito mangyayari kung sana nilapitan mo ang Mom mo at pinakalma siya sa pang-iinsulto ng pagkatao ko."
"Tell me, babe. Mama's boy ka ba?"
"What the hell are you saying, Dorothy?!" inirapan ko siya. Grabe, pati bali-balita na Mama's boy siya ay totoo? Akala ko naman biruan lang ng mga pinsan niya, pero totoo naman pala.
"Nag-boyfriend ako ng Mama's boy? Omg. Pero mahal naman kita. Keri lang! Kahit na nakadipende ang pagkatao mo sa Mom mo, tanggap kita Roy.." tinapik ko pa ang kaniyang balikat na mabilis niyang tinabig. Muli ko siyang inirapan.
"Uuwi na ako. Enjoy yourself here. I came here because I felt it would be worth my time, but I wouldn't have come if I had known this would happen. Tawagan mo ako kapag lasing ka na para naman..." matalim kong tiningnan si Inah.
"Inamo..." bulong lang iyon.
"What?!" iniwas ko ang tingin kay Inah at tumingin ulit kay Roy.
"Magpasalamat ka dahil mahal kita. Dahil kung hindi, lilipad sa iyong pisngi itong palad ko para lang maramdaman mo na may girlfriend kang kasama," lumapit ako sa kaniyang tainga at nakipagtitigan kay Inah. "You have my word, Roy. You and Inah better be careful. You won't like it if I catch you in the act..."
"W-what?" muli kong tinapik ang kaniyang balikat at hinalikan siya sa kaniyang labi. Lumapit naman ako kay Inah at nakipagbeso sa kan'ya.
"Same perfume kayo ni Roy?" tila nagulat siya sa biglaan kong tanong. Nakita ko ang natataranta niyang mga mata habang nakatingin kay Roy. "I guess, childhood friend nga kayo? Pati perfume ay share kayo. How sweet!"