Napalunok ako habang nakatingin sa labas ng minamanehong sasakyan ni Mr. Giovani. Ilang segundo pa lang akong nakaupo malapit sa kan'ya, pero ramdam ko na ang tensyon nang aking katawan. Nakakapagtaka lang dahil pinaupo niya ako sa shotgun seat. Amoy na amoy ko tuloy ang matapang nguni't maaliwalas niyang amoy lalo na at kulob ang kaniyang sasakyan. Huminga ako nang malalim. Gusto ko sanang magtanong kung paano siya napadpad bandang Edsa, dahil ang alam ko ay malayo ang kaniyang tinitirhan kung nasaan ako kanina. Medyo conscious din ako dahil batak ang aking katawan sa siksikang jeep kanina. Mamaya kasi at may iba na palang amoy na nilalabas ang katawan ko, pero nahihiya lang sabihin sa akin si Mr. Giovani kaya tikom ang kaniyang bibig habang nagmamaneho. Kaya pasimple kong inamoy an

