“Bruha raw talaga ‘yang ex fiancé ni sir, teh. Kung ako sa'yo mag-ingat ka dyan, baka magulat kami may rabbies ka na, ha?” Hinampas ko si Melinda dahil sa sinabi niya, pero hindi ko magawang hindi sumang-ayon dahil tama naman lahat ang kaniyang sinabi. Kung tutuusin, delikado talaga si Miss Donna dahil narinig ko mula sa secretaries ni Mr. Giovani kung gaano raw ito kabaliw sa lalaki. Kumbaga, hindi na yata okay ang obsession sa lagay niya. May mas lalalim pa ba sa salitang iyon? Ay, ewan! Bakit ko ba naman iniisip ang bagay na iyon? Problema ng boss ko ang ex fiancé niya at hindi ko iyon problema, pero nasasali na ako ngayon sa problema nila. Ay piste talaga. Hinilot ko ang aking sentido at tumayo na. Nakipag-chikahan lang talaga ako rito kay Melinda bago umuwi. Kailangan ko lang i-

