Chapter 3

1215 Words
"Narinig niyo ba ang balita mga Marites? Nakita raw ng guwardiya nating si Kuya Andoy na lumabas si Mr. Giovani kasama si Denise na magulo ang buhok at baliktad ang damit. Kilala niyo naman yata si Denise Ompad, right? 'Yong sikat na modelo! Kaloka!" mariin kong pinikit ang aking mga mata. Kanina ko pa ipinapasok sa aking isipan na baka may malala lang akong sakit kaya ako naghahalusinasyon, pero ito agad ang maririnig ko sa aming trabaho "Truelalu ba iyan, Melinda? Nako ha! Baka mamaya chismis lang iyan at kinareer mo na talaga ang pagiging Marites?" paninigurado ni Mark. "Gaga. Totoo iyon! Tsaka kailan pa ba nagsinungaling si Kuya Andoy sa atin? Alam lahat no'n ang chismis. Kahit nga kulay ng singit mo ay alam no'n!" nagsitawanan silang lahat nguni't nanatili lang akong tahimik. Paano naman ako mag-iingay kung muli ko na namang nakikita ang pagbayo nang malakas ni Mr. Giovani doon kay Denise sa table ni Edgar? "Sasabunutan ko talaga iyang si Kuya Andoy! Aba, kailan niya pa nakita itong singit ko? Hmp!" umikot ang mga mata ni Mark. "Pero totoo ba iyan, Melinda? Alam ko namang chismosa ka at nagtitiwala ako sa source mo, pero baka nagkakamali rin si Kuya Andoy?" "Hindi nga! Sa cctv niya iyon nakita, gaga! Wala ng tao ng oras na iyon nang lumabas sila Mr. Giovani— ay gaga! Mayroon pala!" mabilis na gumapang ang kaba sa aking dibdib. Nakalimutan ko na mayroon pa lang cctv sa building na ito! Hindi ko naitago ang aking mukha at imposibleng hindi ako ang taong nakita sa camera dahil ako lang naman ang taong lumabas matapos nilang ipanood sa akin ang pagiging wild nila. "Sino?" lumapit ang mga die hard supporters ni Mr. Giovani kay Melinda. Gustong marinig mula sa kan'ya kung sinong tao ang nakita ni Kuya Andoy. Huminga ako nang malalim. Nagdadasal sa aking isipan na sana hindi ako namukaan ni Kuya Andoy. Nagpalit rin ako ng suot ng araw na iyon dahil natatakot akong ipahanap matapos akong makita sa camera— bukod pa ron. Natatakot din akong intrigahin ng mga ka-trabaho ko. Ano namang sasabihin ko sa kanila? Na nakita ko si Mr. Giovani at Denise na nagse-s*x sa aking harapan na parang wala ng bukas kay nawasak ang isa sa table namin dito? "Si ano..." naramdaman ko ang pawis sa aking noo nang biglang tumingin sa akin si Melinda. Mabilis lang iyon nguni't alam kong hindi ako nagkakamali. "Hindi nakilala ni Kuya Andoy eh." "Ano!? Paanong hindi niya nakilala, Melinda girl? Impossible iyon kasi chismoso siya at malaki ang kaniyang katawan!" nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Mark. Sobrang layo kasi nito sa kanilang pinag-uusapan. Nguni't nakahinga naman ako nang maluwag. Alam ko ang aking nakita kanina at hindi nagkakamali ang aking mata. Mabilis na tumingin sa akin si Melinda. Alam niyang kinabahan ako kaya hindi niya sinabi sa aming mga kasamahan na ang pangalan ko ang narinig niya kay Kuya Andoy. "Wait. Dorothy Dori?" mabilis akong nagdasal matapos marinig si Mark. Alam ko na agad ang kaniyang itatanong kaya inihanda ko na ang aking sarili. "Oh? Ano na naman iyon bakla?" "Di'ba ikaw ang naiwan dito? Breaking news kasi sa atin ngayon na lumabas daw mula sa opisinang ito si Mr. Giovani kasama si Denise Ompad! Argh! Sana ako na lang si Denise— anyway. Ikaw ba 'yong babaeng nakita sa cctv?" what the f**k. Ang straightforward ng kaniyang tanong and na caught off guard niya ako ron. "H-huh? Talaga?" mabuti na lang at nag practice ako kaninang umaga kung paano sagutin ang kanilang tanong kung sakaling may nakakita sa akin na lumabas pagkatapos nila Mr. Giovani. "Oo, te! Baka kasi hindi totoo itong sinasabi ni Melinda. Alam mo naman, ako iyong secret jowa ni Mr. Giovani! Aaaaach!" kaniyang tili. "Malaki ba ang etits ni Mr. Giovani?" nagtilian silang lahat matapos itong itanong sa akin ni Mariposa. Katrabaho namin at isa rin sa die hard supporters ni Mr. Giovani. Nabilaukan ako sa sariling laway. Paano niya naitatanong sa akin iyon? Dalawang beses na akong nagugulat sa kanila. I need help! Tumingin ako kay Melinda and she looked worried to me. "Bakit si Dorothy ba ang tinatanong niyo mga gaga?" singit ni Melinda. "Nag-text sa akin iyan. After nating umalis, ay umalis na rin siya. Wala na rin daw kasing tao rito at baka raw kausapin pa siya ng mumu." "E sinetch iyong taong nakita? May iba pa bang tao sa building na 'to?" nagkibit balikat si Melinda. "Gaga, magbalik na nga tayo sa trabaho. Mamaya makita pa tayo ni Mr. Giovani na nagdadaldalan lang sa oras ng trabaho," bumalik sa kaniyang upuan si Melinda at ganoon din ang iba habang suot suot ang dismayadong mga mukha. Nagpakawala ako nang hininga. Si Mr. Giovani talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Paano niya kasi nakuhang makipag-s*x kay Denise sa opisinang ito? Wala ba siyang sariling opisina na puwedeng bayuhin si Denise? Bukod pa ron. Cheap na ba siya ngayon? Naghihirap na ba ang mga Montemayor? Nakakainis. What of sabunutan ko ang kaniyang pubir hair upang magtino naman siya? Tsaka sa tingin niya ba natutuwa akong makitang nagtatalik sila sa aking harapan? May pasabi sabi pa siya ng, "Let her witness our intercourse." Wait. May napagtanto lang ako. Paano niya nasabing her ang tumitingin sa kanilang ginagawa? Ngayon ko lang ito napagtanto dahil sobrang gulo pa ng aking isipan kagabi. "Holyshit," madiin kong bulong at tumayo sa aking pwesto. Mabilis akong tumungo sa labas nguni't nauntog ako sa isang matipunong dibdib ng kung sino. Sa sobrang lakas ng impact ay napaupo ako sa sahig nguni't wala naman akong natanggap na tulong mula sa kan'ya. Umangat ang aking tingin upang ibalibag ang kontcho pilatong hindi man lang ako tinulungang tumayo nguni't mas lalo lang lumaki ang galit ko nang makita ko kung sino ito. "Ikaw na naman?" malditang tanong ko rito. Hindi ko itinago ang aking pagkainis dahil para saan pa? "Bakit lagi ka na lang harang sa pintuang ito ha?" mas lalong tumaas ang aking kilay nang lagpasan niya ako at tuloy tuloy siyang pumasok sa loob ng aming workstation. "Asshole..." naiirita kong bulong. "Are you okay, Miss? Pag pasensyahan mo na iyon si Putok ha? He's just having a rough day, which is why he's acting this way, pero mabait 'yon!" nagulat ako nang may kamay na umalalay sa akin. What? Sinong Putok? At sino siya? Bakit ang guwapo naman yata niyang nilalang? "Huh?" "Are you okay?" tumango ako at pinagpagan ang aking palda. "You mean, Putok ang name ng tarantadong lalaking iyon?" nagulat ako nang humalakhak siya ng malakas. Sobrang gwapo ng kaniyang pag-tawa, pero nasa puso ko pa rin si Roy. Bawal iyon kalimutan. "I like you!" nagulat naman ako ron. "I already have a boyfriend. Anyway, pakisabi d'yan kay Putok na iwas iwasan ang pagsusuot ng facemask at shades sa loob ng building, hmm? Hindi maaraw dito. Hindi pa nakuhang mag-sorry. Tarantado talaga—" "Huwhaaha. I can't hahahaha! I really like you, Miss. Anong pangalan mo?" tumaas ang aking kilay. "Sino ka ba? Walang lugar sa akin ang kaguwapuhan mo, excuse me lang.." nagsimula na akong maglakad patungo sa smoking area nguni't hindi pa ako nakakalayo ng madinig ko ang kaniyang pangalan. "I'm Pierce," nilingon ko siya. Nagtataka ang mukha. "Pierce Callahan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD