Isang araw na naman sa aking boring at normal na buhay.
Mga batang Raysers na nagpapatagalan sa init ng desyerto ng Almorica, mga mag kasintahang naglalampungan sa zen garden ng Feng at mga babaeng Zymeths na nakikipagtsismisan sa mga Brigantysians.
Muntik na akong mapabagsak sa putikan ng biglang may ilang members ng equestrian club na biglang huminto na lang sa tabi ko.
Well, okay kasalanan ko din naman dahil halos nakadikit ang ilong ko sa pahina ng libro ko at hindi ko namalayan na may paparating palang mga kabayo sa tabi ko.
“Apologies, my lady,” tinig ng isang binata sa aking tagiliran.
Bumalik sa lupa ang utak ko at napamaang ako sa lalaking nakasakay sa isang silvery-white na stallion na halatang pang karera or something na nagpalipad ulit pabalik sa ere ng imahinasyon ko.
Kailangan kong kumurap ng ilang beses bago ko masigurado na totoo ang nakikita ko sa aking harapan.
Very much like the very main characters in my fairy tale stories. I don’t know why pero sa red and black riding suit na suot nya, nagmukha siyang prinsipe mula sa mga librong binabasa ko.
Obviously not a Filipino born teenager, may dark brown eyes at pale black na buhok. For all the words that describe the princes in my stories, he fit the description very well.
At papalapit siya ngayon sa akin.
Nagniningning ang mga mata at nakangiting nakangiti sa akin.
Tumigil siya sa harop ko at matipid na tumungo, “Sorry again. Hindi ko napansin ang dinadaanan ko dahil sa ganda mo,” matamis niyang sabi sa akin.
Wait, what?
Napakurap ako at napangiwi. Para bang bumagsak sa putikan ang pantasya ko ng makinig ko siyang magsalita ulit.
Tuwid ang tagalog pero halatang may accent. But never mind that.
Mahangin…
Not the wind literaly pero ang datingan ng kaharap ko.
Strike One.
Inayos ko ang tindig ko at umiling, “Okay. Maiwan na kita,” mabilis kong sabi sabay talikod.
Kumurapkurap ako at pinalis sa utak ko ang hitsura ng lalaki. No, he is just a random obscurity. Hindi ganyan ang mga prinsipe sa aking mga libro.
“Representative Coordinator, sorry na! Date na lang kita promise! Mamayang hapon sunduin kita?” magiliw na sabi nito sa akin na sa gulat ko na lang ay nakasakay na ulit sa kabayo nya at nakasabay na naglalakad sa akin, “Euniche’s Restaurant is the best kung hindi ka pa nakakakain dun. I’m sure we will have a wonde---,” ulok niya sa akin.
Strike Two.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ulit ang nakasunod sa akin.
“Okay lang ako. Salamat na lang,” matigas kong sabi sa kanya.
Dinoble ko ang bilis ng paglalakad ko. Pero dahil sa nakakabayo siya ay parang nagtangatangahan lang ako.
I gave up all hope to escape.
Pero nang makita ko ang isang Rayser na naglalakad papalapit sa amin at namukaan ko ito ay kinapalan ko na ang mukha ko.
“Ravinder!” malakas kong tawag sa lalaking, sa pangalan ko lang kilala at nagdasal sa aking mga yumaong magulang na sana, against all hope pansinin niya ako.
Napatigil naman ang binatang half-filipino half-urghuyistanian at dahil na rin siguro sa lakas ko sa mga magulang ko ay mukhang namukaan nya ako at nagsimulang naglakad papalapit sa akin.
“Verna, bakit ngayon ka lang?” tugon niya sa akin in eerily voice na parang matagal na kaming magkakilala, “Kanina pa kitang hinihintay ah,” may halong kunwaring inis sa boses nito.
“Kasi…”, hindi ko masundan ang sasabihin ko dahil hindi ako nakapag isip ng dahilan. I just stared at him blankly.
Huminga lang si Ravinder ng malalim at tumayo sa harap ko para harapin ang lalaking kanina pa sunod ng sunod sa akin.
“What do you want from her?” malamig na tanong ni Ravinder.
Ibang-iba ang hitsura ng lalaki sa harap naming. Kung kanina ay ang gaan ng mukha at nakangiting nakangiti, ngayon ay kabaligtaran na ang nakita ko.
His face is as dark as it is light earlier. Ang noo ay nakakunot na nakakunot at parang anumang sandali ay ipapatadyak na kami sa kanyang kabayo.
“You…” galit na sabi nito kay Ravinder na nagkibitbalikat lang.
“Me”, he replied simply.
Sa gulat ko ay hinatak na lang nito bigla ang renda na hawak nya at mabilis na pinatakbo palayo ang kabayo nyo.
But not before glancing at me and leaving a small, chilling smile that sent shivers down my spine.
-0-
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at niyakap ko ng mahigpit ang aking libro at pinikit ang aking mga mata.
Trivial maaari sa iba.
Pero ito ang kauna-unahang pangyayari sa buhay ko na may lalaking naghahabol sa akin kahit ilang beses ko nang hinindian.
Sanay na akong maloko, mapagtsismisan, mapagtawanan, malait, pagbulungan, iwasan o katakutan.
Pero ni minsan hindi pa ako nakaranas ng ubod ng kulit na lalaking talagang pag aaksayahan ako ng panahong pag tripan.
A guy most of all.
Okay calm down Verna. Tapos na ang problema. For sure hindi na sya babalik considering how forgettable I am.
In a times like this I wish I had the ability of Almoricans to fade in obscurity and shadows at will. O kahit yung hoodies na lang nila pwede na din.
“Okay ka lang?”
Biglang dumilat ang aking mga mata ng makinig ko ang boses ni Ravinder.
Napatawa ito at napailing, “Don’t tell me nakalimutan mong nandito pa ako? After you dragged me in to your mess!”
Naramdaman kong namula ang pisngi ko sa hiya at napatungo na lang ako sa harap ni Ravinder.
“Naku pasensya ka na talaga. Hindi ko na talaga alam gagawin ko kanina. Bigla na lang syang sumulpot ng kabayo niya at nang asar na lang bigla,” paliwanag ko.
Tumango-tango naman ito at ngumiti bigla.
Now that I noticed it, ngayon ko lang nakita o natitigan ng malapitan si Ravinder.
He looks nothing like the guy who messed with me earlier who is like a peacock that instantly show you the best his features can offer.
Siya yung tipong sa unang tingin parang basta half-filipino half-foreigner lang as usual for Rysers.
But now that we are talking closely, I realized. Habang natagal lalo siyang nagandang lalaki sa paningin mo. Like a flower slowly blossoming before your eyes.
Deep set eyes with equally deep pair of ink black eyes and a matt of wavy hair.
“Laking gulat ko ng bigla mo akong tinawag sa pangalan ko. Considering we never talked before for years right?”
Tumango naman ako at napailing, “I’m sorry talaga. Desperada na talaga ako. Hindi ko na alam gagawin ko kanina kaya kinapalan ko na ang mukha ko kaya tinawag kita. Lagi kang nababanggit ni Paladia na kuhanan niya ng mechanical supplies at once ay tinuro ka niya sa akin. Like as you said, years and years ago.”
“I see. Paladia is a valued customer for almost a decade now at once in a while ay nababanggit ka nya sa akin. Either namromroblema sya na nagbabasa ka na naman o wala ka nang ginawa kundi magbasa,” natatawang sabi ni Ravinder sa akin.
Napangiwi naman ako at napatikhim. Typical Paladia. For a lonesome mechanic, she is awfully talkative.