Chapter 5

1127 Words
Inabot ni Ravinder ang kanang kamay niya sa akin na inabot ko naman, “In any case, it’s nice to finally meet you Verna. I have to go.”   “Nice to meet you too. Nga pala bago ka umalis. Ask ko lang, mukhang magkakilala kayo nung nag titrip sa akin kanina?” curious na tanong ko sa kaharap ko.   Napailing na naman ito at nagsimula nang lumakad palayo sa akin. But not before stopping after a few steps and saying, “I was surprised you didn’t know him considering he is well known mostly by all the girls here in our University. Well, as much as I want to chat, may klase pa ako. How about bukas na lang, okay?”   Bago pa ako makasagot ay tumakbo na ito palayo sa akin habang pinapalad ng hangin ang winter trench coat nito na nakabalabal sa balikat niya.   -0-   That’s odd.   Nagkwekwentuhan ang mga kaklase ko, may mga nagbabasa gaya ko o may mga kinukutingting na kung ano-ano pero ramdam ko ang pagtataka naming lahat.   Mrs. Dela Pena was never late before. Our motherly religious teacher since we are elementary.   As far as I know, nawawala lang siya pag may emergency congregation ang mga lay ministers na gaya niya.   Pero nangyayari lang yun once every year or so. Nawala na siya earlier this year though kaya nakakapagtaka lang talaga.   Maya-maya pa ay biglang may pumasok na teacher na ngayon lang naming nakita.   She looks mature and elegant on her own right. Nakapuyod ang buhok at straight body ang postura. She might be around her mid-40s or something pero ang aura nito ay parang pang early twenties lang. Cool and collected.   “Good morning class! I’m Ms. Merlinda Peregrin. Pinakiusapan ako ni Mrs. Dela Pena na mag substitute muna sa kanya dahil biglang nawalan ng kasama ang apo niya na manganganak soon. She sends her deepest apologies and hopes to meet you in the next two months,” deretsong paliwanag nito in a no non sense voice.   Sabay sabay naman kaming nagsitayuan at bumati sa bago naming teacher bago kami masayang pinaupo nito.   She is nice enough.   “So! Since ngayon lang tayo nagkakilala, why not we forget the lesson for today and get to know each other?” masayang tanong nito sa aming lahat.   Nagsitanguan naman kaming mga magkakaklase.   “Ok so sino ang may tanong sa akin? Raise your hand and stand up one by one okay?”   Tumaas ang kamay ng katabi ko at tumayo, “Hindi ko pa po kayo nakikita dito sa V.U before, saang faction faculty po ba kayo galing?”   “Well in actuality, hindi talaga ako resident teacher dito sa Versalia University. I came from a school in the State of Quezon in Luzon. It’s called Idea National High School or I.N.H.S for short. I was here on recommendation of Mrs. Dela Pena, we are both lay ministers if anyone is interested to know.” Malinaw na sagot niya at nagstinguan naman kami.   “Anong year ang tinuturuan ninyo sa home school ninyo?”   “First to Fourth year to be exact. Minsan substitute teacher sa mga elementary students as well.”   At nagpatuloy nga ang tanungan at kwentuhan.   It turns out she is pretty cool but slightly strict teacher.   Five minutes bago matapos ang period ay may sinabi ito sa amin bago kami magsilabasan ng classroom.   “Gusto ko sana magpaproject sa inyo gaya ng ginawa ko sa klase ko previously. “The Thirty Things That I Wanted To Do Most In Thirty Days”,” sabi ni Ms. Merlinda sa amin, “Pero hindi naging maganda ang epekto sa puso ko dahil masyado akong natouch sa sinulat ng mga estudyante ko sa I.N.H.S kaya iba na lang. For now, you all may go.”   Nagsitayuan naman ang mga kaklase ko at nagsilabasan na. Samantalang ako naman ay naiwang nakaupo at nakatitig sa labas ng glass window at tinititigan ang mga clown fish na naglalanguyan sa paligid.   Wala naman akong pupuntahan at lalo’t higit na wala naman akong kabarkada o kaibigan na makakausap o makakasama kaya lagi ko na lang minabuting manatili na lang sa classroom at magpalipas ng oras. Either magbasa ng libro o panoorin ang mga isda at corals sa labas ng bintana.   “Ms. Verna, right?”   Napatingin ako bigla kay Ms. Merlinda na nakatayo sa pintuan ng classroom naming at nakatitig sa akin.   “Yes Ma’am?” taking sagot ko dito.   Sumulyap ito sa likod nito at ngumiti, “Someone is looking for you here”, sabi nito sa akin bago tuluyang umalis.   Napakunot naman ang noo ko at kinuha ko ang aking libro bago tumayo at naglakad palabas ng classroom.   Laking gulat ko kung sino nag aabang sa akin sa labas ng pinto.   “Musta?” masayang bati ni Ravinder sa akin na nakasandal sa pader at nakangiti sa akin.   -0-   Kung sa iba-ba ay pagtitinginan na kami ni Ravinder habang naglalakad kami papunta sa tube elevator ng school building.   Me, a known introvert and loner walking with a handsome boy.   Pero hindi na iba ang ganitong scenario sa aming mga Vasquers.   Kung taga ibang faction pa si Ravinder baka pa ako pag pyestahan ng husto pero dahil sa Rayser siya, wapakels na mga ka faction ko.   It is very, very common na makitang magkaibigan, best friend, syota, team o magkatsismisan ang Vansquers at Raysers. Baka kung nag aaway pa kami ni Ravinder ngayon baka videohan pa kaming dalawa.   But we are just being ignored as usual when you see a walrus and seahorse together. Not a problem, not an issue, old news and completely, perfectly normal.   “Magsalita ka naman,” untag sa akin ng kasama ko ng nagsara na ang pinto ng elevator at naiwan kaming solo habang naakyat ang glass tube.   “Verna hindi lang ako ang taong dapat may communication ka,” inis na paalala sa akin ni Paladia a while back.   “Nasagot naman ako sa mga tanong at recitations ah,” inis na tugon ko sa kaisa-isa kong “kaibigan/tagasaway”   “Iba yung ganito na “nag-uusap” tayo sa OO, YES at mga recitation answers,” point out nya sa akin.   Hindi na lang ako sumagot at tumungo na lang ako at nagbasa.   Tumikhim ito sa akin, “Naku bahala ka. Mark my word Verns, dadating ang araw na mahihirapan kang mag open up sa ibang tao kung lagi na lang ako at ang libro mo ang sineseryoso mo.”   “Okay naman usapan natin kahapon ah,” imik ulit ni Ravinder na nagpaalala sa akin na may kasama pala ako.   Nakakatawa siguro ang reaksyon ko dahil napangisi siya sa akin.   “Don’t tell me nakalimutan mong nandito ako sa lalim ng iniisip mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD