Chapter 6

955 Words
Napangiwi ako at napatawa naman siya ng malakas na nagpalabas sa isang malalim na dimple sa kaliwang pisngi niya.   Bago pa ako makasagot ay bumukas na ang pintuan ng elevator at nagulat ako ng makita kong si Paladia at si Zhazsa ang nakaabang sa harap naming dalawa.   Sabay tumaas ang kilay nilang dalawa at ng makalabas na kaming dalawa ni Ravinder ay sila naman ang pumasok sa tube.   “As I always said to you Zhazsa time and time again, darating din ang kasagutan sa mga problema mo right in front of you. Literally,” masayang sabi ni Paladia sa Representative Councilor ng Rayse na nakangisi na sa amin ngayon, especially to Ravinder that she gave one approving nod.   “As always, ang talino talaga ng mga Vasquers,” bilib na sagot ni Zhazsa sa kasama.   Tumawa naman si Paladia at makahulugang ngumiti sa akin, “As Mannaflora always said to Cistina, kung ano tinalino namin, sya naman ang ginanda ng mga Raysers.”   “I know right?” sagot ni Zhazsa bago tumingin kay Ravinder, “Meet me at my office after class Ravinder. That’s an order,” utos nito sa kasama ko.   Bago pa makasagot si Ravinder ay nagsara na ang pintuan ng elevator at naiwan na lang kaming mag-isa.   “What just happened?” kakamot-kamot sa ulong tanong ni Ravinder sa akin as we started walking palabas ng lighthouse.   Umiling na lang ako as we passed the golden statue of Jobelle dela Vega, War Hero ng Vasque which is standing as if leading an exodus.   “C’mon Verna. I don’t really want to resort to sourgraping pero matapos kitang tulungan kahapon, hindi mo man lang ako kakausapin?”   Napatigil naman ako sa paglalakad at napahiya sa sarili ko.   Hindi naman sa ayaw ko siyang kausapin. I just don’t know what to say! Hindi ako sanay na may kasama o kausap except Paladia.   Especially a boy.   “Sorry. Kasi, hindi kasi ako sanay na may kasa-kasamang ganto,” paumanhin ko sa kanya.   Mukhang nalungkot ito at humakbang palayo, “So ayaw mo akong makausap, ganon?”   “Hi—hindi. Kasi. Ano,”   Napatigil ako sa pagsasalita ng inabot nito ang kanang kamay niyo sa akin, “Ravinder Irdham, First year, Rayse Faction. Nice to meet you”.   Napakurap ako at inabot ko ang kanyang palad, “Verna Ferta, Representative Coordinator to the Representative Councilor of Vasque Faction, First year. Nice to meet you too”.   “So, ang tanong mo sa akin, kahapon ay kung magkakilala kami ng stalker mo kahapon?” masayang tanong niya sa akin as if we are just conversing normally.   Natalo ng curiosity ko ang pagiging tahimik ko at tumango ako, “Yes. Kasi basta na lang siyang umalis matapos ng “You, Me” exchange ninyo. What gives?”   Instead of answering me, tinuro niya ang electronic billboard na nasa tapat naming dalawa.   Surprisingly, pinapalabas ang gif ng lalaking naghabol sa akin kahapon. Same uniform and horse pero sa halip na sa kalye ay sa race track ng kabayo ang background.   I walked closer to read the words written underneath the picture.   “Hoshiro Utsuwa Wows The Crowd As He Easily Wins The Race!”   Fourteen year old charmer and university royalty (literally) na si Hoshiro – (Hoshi to his circle) ay nanalo na naman as usual sa annual Horse Race Event ng V.U.   Time and time again pinakita nya sa ating lahat kung bakit siya ang tinatawag na “The New Folcurt” ng mga Fenrirs sa horse racing category.   The Crown Prince of the Kingdom of Akimrea and certified single and very much available, Hoshi remains to be one of if not the most eligle bachelors in our university! Aba’y kung di lang ako naka surveillance under nila Ninang Sherri at Ninang Hazel aba’y matagal ko nang tinapon ang sarili ko sa walking jackpot na nagkatawang lalaki na ito!   Even though he remains elusive to girls, sabi ng mga fairies ko, just recently and when I mean recently ay kahapon lang. May nakakitang meron daw sinusundan itong babae at pilit niyayayang mag date.   Surprisingly, mukhang deadma siya kay girl na parang nakulitan pa kay Hoshiro (HUWAAAATZ?!).   That is all for now, my minions! Abangang ang susunod na tsimi--- este story next time!   Mystina Denise Maranan Senior Correspondent   “Ang bilis naman ng balita,” hindi makapaniwalang sabi ko kay Ravinder na nakangisi sa akin ngayon.   “Talagang mabilis lalo na kung kasing sikat niya ang humahabol sayo,” sabi niya sa akin.   “But it doesn’t answer my other question. Magkakilala ba kayo? Bakit siya umalis agad ng makita ka?” taking tanong ko sa kanya.   Bumuntong hininga si Ravinder at sumulyap sa billboard bago binalik ang tingin sa akin, “Let’s just say na we are not really on good terms. That’s the only reason why he left you alone. He doesn’t want to be seen anywhere near me. Might damage his “image”.   Napakunot naman ang noo ko, “Who are you really anyways? Bakit yung prinsipe kuno ay takot na mapadikit sayo? Should I be worried?”   “Lol no Verna! It’s just,” mukhang ayaw talaga nitong pag usapan.   “Fine. Wag mong sagutin kung di ka komportable,” bumuntong hininga na lang ako at naglakad na lang papunta sa direksyon ng Almorica. Doon ko na kasi nakasanayang kumain. Not to mention may special discount lagi mga Vasquers doon.   “Teka! San ka pupunta?” habol na tanong sa akin ni Ravinder.   Nilingon ko sya at pilit kong hindi mapangiti dahil akala nito ay iiwan ko na sya, “Sa Almorica kakain. Sasama ka ba?”   Napangiti ko naman ito at sabay na kaming lumakad para makakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD