February na at as usual, buwan na naman ng mga puso at ng mga couples.
Business as usual sa Vasque as always as for all the factions. Second week na at sa kasalukuyan ay ginaganap ang magulo at masayang Valentine’s Week celebration ng University.
Sa pangunguna ni Representative Councilor Mystina ay nagdaos ng ilang palooza at bazaar ang school para sa mga estudyante.
Meron ding EDM parties at all star concerts para sa mga couples.
Siyempre hindi mawawala ang Kissapalooza kung saan maghahalikan ng sobrang tagal ang mga mag partners!
Hindi ko ba alam kung bakit ako kinikilig eh wala naman akong lovelife. Hay awan ko ba?!
Basta ako, kahit single ako, ay naligayahan sa celebration. I love seeing partners looking at each other’s eyes like nobody else matters in the world.
Yung mga tipong hindi mo mapaghihiwalay kahit ipahatak mo sa dalawang 24-wheeler truck ang mga mag-jowa.
Now it’s almost the end of the month at malapit na ang summer na pinaka-aabangan ng lahat. Especially with the promise of Versalia Beach Parties Sponsored by Vasque and Zymeth.
Talagang todo pasikat na ang High Council of Versalia. Though they are more on fun and student oriented than the law and order focus ng Brix administration.
Habang naglalakad ako papunta sa gilid ng V.U park ay nakita ko ang malaking kumpol ng mga estudyante from all factions na nagkakalibumbungan sa iba’t ibang booths na naka set-up sa gitna ng park.
May Fortune Telling, Speed-Dating Tent, Love Songs Videoke, Blind Date Madness, Love Your Food Restaurant at kung ano-ano pang Valentine related stalls and stuffs ang makikita mo.
Napadaan ako sa isang pond at nakita ko ang aking repleksyon.
Isang babae na mukhang kamag-anak ni Sadako ang nakatayo. Nakabagsak ang tuwid na tuwid niyang buhok na nakaharang din sa kanyang mukha na ang kita lamang ay ang kanyang kanang shallow black na mga mata at ang mga labi na maninipis.
Tunay na balat na Filipina dahil sa pagiging kayumanggi nito at may tamang tangkad. Nakasuot ito ng seahorse brooch, orange bandana sa kanang braso at beach hat na nakapatong sa ulo.
Balingkinitan at may pagka slim ang katawan nito. Ang hitsurang ito ay hindi na iba sa mga Vasquers pero sa mga taga ibang faction ay merong pagka weird ito.
Maybe even weirder than a group of cream hoodie wearing student ng mga Almorica na pagala-gala ngayon sa palibot ng park.
Well, there you go, nadescribe ko na ang sarili ko. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad habang hawak ang libro na binabasa ko.
Naputol ang payapa kong paglalakad ng biglang may humawak sa aking braso at inumpisahan na akong kaladkarin.
Pagtingin ko ay laking gulat ko at nakita ko ang Representative Councilor ng Rayse faction na si Zhazsa.
“Councilor!” gulat kong bulas sa babaeng naka trench coat, walrus badge at brown scarf.
Hindi niya ako tiningnan bagkos ay patuloy niya akong kinakaladkad papasok sa park.
“Now, now little Vasquer don’t be afraid. Hindi naman mangangagat ang ka faction ko. Kailangan lang talaga naming maka quota ng singkwenta kaya tinatangay kita,” sabi niya sa akin.
Sa una ay hindi ko magets ang sinasabi niya pero nanlaki ang aking mga mata ko ng makita kong kinakaladkad niya ako papunta sa Speed-Dating Tent ng Rayse Faction.
No way as in there’s no way I will enter that flimsy tent na red and white ang color at halatang Valentine themed dahil may mga puso sa paligid at love songs serenading the place.
Nakita ko na si “The One” at loyal ako! Loyalty and piety ang turo ng mga libro sa taong may minamahal.
Hindi na ako titingin sa iba! Kay Prince Charming of Fenrir lang ang puso ko.
Malapit na kami sa bungad na binabantayan ng dalawang lalaking students from Phidoch. Sa laki at brusko ng katawan ng mga ito ay mukhang mga bouncer ito ng bar.
Sinubukan kong magpumiglas sa hawak ni Zhazsa dahil alam kong pag naipasok ako ay tiyak na hindi ako makakalabas.
Huminto kami ilang feet from the entrance of the tent at nakahinga ako ng maluwag. Mukhang makakaalis na ako.
Pero halos mapaiyak ako sa ngiting ipinakita sa akin ng Representative Councilor ng Rayse. Ngising aso.
“Little Vasquer wag mong susubukang tumakas ha? First of all, kung tumakas o magtangka man lang ay for sure na makakaabot ito kay Paladia. Second, you will earn my displeasure and believe me ayaw mong maging galit ako sayo,” tahimik na paalala o banta niya sa akin, “And lastly,” itinuro niya ang dalawang Phidoch students na nakatingin samin, “These two are personally handpicked by Councilor Stellar to guard my tent. I’m sure they won’t let you out easily.”
Sa sobrang daming threats ni Zhazsa ay wala na din akong nagawa ng inilahad nito ang kanyang kamay at itinuro ang opening ng tent.
Nilunok ko ang aking laway at niyakap ng mahigpit ang aking libro sa aking dibdib.
Naglakad ako papasok sa tent at ng makailang hakbang ako sa loob at isinara ng guards ang dinaanan ko effectively trapping me here.
Kahit pinilit lang akong pumasok dito, hindi ako magiging epokrita para hindi pansinin ang napakagandang interior ng tent.
The designs, ambiance and scent. Yung literal na love is in the air. Yung mga display ng iba’t ibang paintings about couples, statues ni Aphrodite or Venus at ang pinaka nagustuhan ko ay ang mga nagpeplay na happy endings ng mga fairytales sa flat screen televisions around.
And the music...
Napaka poignant and melancholic...
Pag-ibig Kong Ito ng Moonstar 88...
Nagpalingon-lingon ako at tumama ang aking paningin sa isang table sa gitna ng tent at may isang Zymethian na nakaupo sa tapat nito.
Okay analyze Verna. I’m a girl, he’s a boy. We’re inside a speed dating tent. So kung gusto kong makalabas agad dito kailangan kong makipag “date” sa kanya.
Faster date means faster escape.
Mabilis akong lumakad papalapit sa table at sa kalayuan ay nakita ko ang hitsura nung lalaki.
Naka boutonniere ito ng white rose na sing putla nya, may butterfly brooch at violet bandana sa kanang braso.
Call me funny and all. Pero sa tingin ko kung may male counterpart ako, siya na yun. Buhok na hanggang braso halos, shaggy at nakataklok ang bangs sa kanang mukha at payatin (sobra).
Mukhang same kami ng iniisip dahil napangiti ito sa akin na parang di din makapaniwala.
Madami nagugulat sa akin especially kung sa gabi nila ako makakasalubong o makikita. Ilang beses na akong napagkakamalang multo sa get-up ko. Buhok na nakatabing sa mukha at napakatahimik ko pang maglakad.
Katulad lang nitong kaharap ko.
“Hello,” bati ko sabay upo sa silya sa opposite side of table.
Ngumiti lalo ito ng malapad at inabot sa akin ang kanang kamay, “Hi! Musta?”
“Ok lang. Eto nakaladkad ng bigla-bigla na lang dito”, natatawa kong sagot sabay kuha sa kamay niya at shinake ko yun.
Tumango-tango ito sa akin, “Verna Ferta, right?” napatawa siya sa gulat kong hitsura, “C’mon, almost everybody knows who you are, Representative Coordinator of Vasque Faction”.
Bumuntong hininga na lang ako at napangiwi sa kausap ko, “Ikaw, ano pangalan mo?”
“Lycan Fortalejo”, mabilis nitong pakilala sa akin.
Napaisip naman ako at napatingin sa kanyang brooch at bandana. Fortalejo, Fortalejo, parang nakinig ko na sa t.v ads ung last name. He can’t be the son of…