Chapter 8

1238 Words
Nagulat ako biglang napatawa ito ng malakas at napailing, “Yes, that Fortalejo you saw on t.v. He is my dad. Senator Fortalejo. Mula sa masa, para sa masa.”   Hindi ko alam kung bakit pero napatawa na din ako kasabay sya.   “So…”, nakangiting sabi nya, “Ano ang gagawin natin dito, Coordinator Verna?”   “Kwentuhan hanggang sa maubos yung allotted time,” masaya kong sabi kay Lycan. After being friends with Ravinder a few months ago, mas natuto akong makipag usap ng matino sa ibang tao at makisalamuha even though I still run to my books at the end of the day, “Kung gusto mo lang naman”.   “Call!” masaya nitong sagot sa akin.   -0-   Lycan’s story is a sad one.   Pressured sa legacy ng kanilang political dynasty. Mga pekeng kaibigan, magulang na pabaya.   We promised to be friends at the very least. Pareho kaming merong pagka introvert yet we came from very different backgrounds. Hindi mo talagang masasabing maganda na ang buhay ng isang tao porket mayaman sila at maimpluwensya.   “Tulala na naman si Manay Verns!” sigaw ng isang pabebeng boses.   Napaigtad naman ako nakinig ko ang tawanan ng mga kapwa ko Representative Coordinators na sila Neila (or Neil) from Phidoch at ang “girlfriend” nitong si Shivali from Zymeth Faction.   “Sorry. May inaalala lang,” paumanhin ko sa dalawa na nakaupo sa katapat kong couch at magkaholding hands pa.   These two couples are odd.   Si Neila (Neil) ay isang bakla. O nagbabaklabaklaan or ewan. Basta, I’m sure there is something more to him that his gay antics. His father is the current Brazillan Ambassador to the Philippines samantalang si Shivali naman ay half-Indian and her father is the current trade ambassador of the said country to the PH.   The work of their parents will surely put them to the Rayse factions pero nakick-out ang mga ito from there (together with Stellar and Mystina which coincidentally, their close friends) at napatapon ngayon sa kani-kanilang respective factions.   Ironic na kung sino pa ang tinadyakan, sila pa ang napabuti ang posisyon.   “Alam mo Verna makakapag p**n show na kami ng girlfriend ko dito, wala ka pading kamuwang muwang for sure,” natatawang sabi naman ni Shivali sa akin, “Minsan na nga lang tayong magkitang tatlo ng ganito tapos tulala ka pa?! Hustisya!”   Bago pa ako makasagot ay bigla na lang bumakas ang main door ng lobby at iniluwa nito si Alyssa na mukhang galing gubat dahil puno ng dahot at sanga ng puno ang sabog nitong buhok. Putikan pa ang damit at may mga mangkit pa ang scarf nito.   Hingal na hingal na lumapit ito sa amin at kinuha ang pitsel ng tubig sa coffe table at ininuman ito bago ibinuhos sa sarili ang natitirang laman.   “Gosh madir what happened? Nagahasa ka ba at itinapon sa talahiban?!” gulat na tanong ni Niela.   “Naku wish ko lang! But no, naiwala ko sa gubatan ng Feng ang brooch ko kaninang umaga at maghapon kong hinanap. Thank goodness nahanap ko kundi babalatan ako ng buhay ni Ate at tyak tapos na ang pag rereyna ko sa Zymeth,” litanya nito sa aming tatlo bago tumayo sa tabi ng electric fan at nagpahangin.   Tumayo naman si Shivali at sinimulang alisin ang mga nakasabit sa buhok ng Representative Councilor ng Zymeth, “Sabi ko naman kasi sa iyo, humanap ka ng ibang pagtataguan! Ayan, paano kung nawala yang brooch mo, saan tayo pupulutin?”   “Sa kangkungan”, malungkot na sagot nito sa Corrdinator niya bago bumuntong hininga, “Pero dun lang kasi yung safe place kung saan ko makikita ng husto si Volt---,”   “Sinong Volt, Mystina?”   Parang na drain lahat ng dugo sa mukha ni Mystina ng makinig niya ang boses mula sa pinto.   Paglingon naming lahat ay nakita namin si Stellar in all her badass glory walking towards us. Ang lamig ng titig nito sa kapatid na ngayon ay nangangatal na at pilit na nangiti.   “Voltorb ate! Voltorb!”, sigaw nito sabay wagayway ng Iphone nito sa mukha ni Stellar, “Look ate! Nakahuli na ako ng Voltorb ate sa Pokemon Go! Taas ng level nya oh!” sabi ni Mystina sabay bukas ng app at pinakita ang pokemon na mukhang pokeball.   To my surprise mukhang tinanggap ng ate niya ang palusot nito at ngumiti, “Good. Pero look at yourself! Mukha kang gumulong sa gubatan! Go upstairs and fix yourself,” utos nito sa kapatid na mabilis pa sa alas kwatro na sumibat bago pa matanong ulit ni Stellar at akmang susunod si Shivali pero pinigilan ito ng Representative Councilor ng Phidoch.   “You stay here Shivali. I will be the one to tell you why I called you all three here in a short notice”.   Tumango naman ang Coordinator ni Mystina at tumabi ulit sa syota nito na nakangiti.   “Well, where to start? Hmm…,” sumadal si Stellar sa dingding while stepping her dirty shoe on the pristine white walls like nobody cares (as all Phidochs do) at tumingin sa aming tatlo, “Well, let’s keep it short. Madadagdagan na kayong tatlo,” simpleng sabi nito sa amin.   Napataas naman ang kilay namin Shivali samantalang napakunot naman ang noo ni Niela na nagsabing, “So you what mean to say is may mga Representative Coordinators na din ang ibang Councilors?”   “Exactly!” nakangiting tango ni Stellar sa Corrdinator niya at bumaling ito sa pinto bago sumigaw ng malakas, “All of you there, come in!”   Napalingon naman ako at nakita ko ang apat na mga estudyanteng magkakasabay na pumasok wearing different badges and brooches.   Unang una kong nakilala ay ang lalaking nakangisi sa akin at mabilis na tumabi sa kinauupuan ko.   “Yo, Verna!” masayang bati nito sa akin.   “Well, at least may isang pares nang magkakilala dito”, sabi ni Stellar sa aming dalawa, “Why don’t you introduce yourself first?”   “Ravinder Al Almatia, Seventh Class, Rayse Faction,” pakilala ng kaibigan ko.  Ngumiti naman ang simpleng babaeng naka hoody ng cream, brooch na scorpion at maroon na bandana sa amin at nagpakilala, “Tricia Anne Amorado, Eighth Class, Almorica Faction”.  “Smile de Hyilla, Fifth Class, Brigantys Faction. Hello!” bati ng lalaking true to his name ay nakangiting nakangiti sa aming lahat, his eyes mischevously twinkling.  “Meilin Chavez, Fourth Class, Feng Faction,” pakilala ng girl na naka dalawang yellow Chinese chopsticks sa ulong may two buns and very chinky eyes.  Tumango-tango si Stellar at humikab ng malakas, “Good, good. I guess the rest of you ay kilala na ang tatlong ito”, sabay turo sa amin, “Shivali, Neila and Verna were the pioneer Representative Coordinators. They will sho---,”.  Naputol ang pagsasalita ni Stellar ng biglang may lalaking kakadating lang ang mabilis na tumakbo sa grupo namin at hingal na hingal na nakatungo habang nakahawak ang mga kamay sa mga tuhod nito.  “Sorry, I was late,” hingal na sabi nito sabay tindig ng deretso and to my surprise the latecomer was not a new face, “Hoshi. Hoshiro Utsuwa, First Class, Fenrir Faction. Nice to meet you all,” nakangisi nitong sabi sa amin.  Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Ravinder. I bet we have the same expression. Disbelief and surprise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD