Chapter 11

1768 Words
"Tatlong libo kada buwan ang upa. Kasama na tubig at kuryente. One month advance at one month deposit. May curfew, alas diyes ng gabi. Pag alas diyes na at wala ka pa sa loob pasensyahan na lang. Matutulog ka sa labas at walang magbubukas sa'yo. Pwede bisita pero bawal patulugin dito. Electric fan at laptop lang libre sa kuryente ha. May kainan sa baba, pwede utang pero lingguhan ang bayad." paliwanag ng landlady. "Wala na bang bawas 'yon tiyang?" si Charlene. Andito kami ngayon sa boarding house na pagmamay-ari ng tiyahin nito. Nagpasya akong sumama kay Charlene sa boarding house tutal magiging magkaklase ulit kami. Mahihirapan din kasi ako kung araw-araw pa babyahe pauwi. Nagkataon naman na may bakante pang isang kama dito sa boarding house ng tiyahin nito. Maayos naman dito. Dalawang palapag na bahay na yari sa kahoy. Ang buong second floor ay puros paupahang kwarto. Ang isang kwarto nga ay ookupahin nilang magkaibigan. "Haynaku Charlene! May bawas na presyo ko sa inyo. Libre na nga kayo sa tubig at kuryente. Buti sana kung ikaw lang eh sabit pa 'tong kaibigan mo. Hindi ko lang talaga mahindian ang nanay mo!" masungit at pasinghal itong nagsalita. "Talaga 'to si tiyang! Napakasungit. Sige ka magkakawrinkles ka. Baka pagpalit ka ng jowa mong kano sa mas bata," nilapitan ito ni Charlene. Hinahaplos-haplos sa braso habang nilalambing ng pabiro. "Nakuuu! Ikaw talagang bata ka. Sige na maiwan ko na kayong dalawa at ng makapagpahinga na kayo. Basta tandaan 'nyo lahat ng bilin ko." Tinungo na nito ang pinto. Hihilahin na sana ito pasara ngunit muling nagsalita. "Hindi ako ipagpapalit no'n ni Roger! May asim pa kaya ako." At tuluyan na hinila na nito pasara ang pinto. Naiwan silang magkaibigan na tumatawa. "Pagpasensyahan mo na 'yon si Tiyang Belen. Mukha lang masungit pati magsalita pero mabait 'yon. Masasanay ka din" depensa ni Charlene. "Okay lang Charles," nakangiting tugon ko. "Siyanga pala. Nagtext si Zaldy kanina. Nagyayayang pumasyal. Since start na ng klase natin sa Lunes pumayag na ako. Kita na lang daw tayo mamaya sa mall malapit dito. " aniya pa ni Charlene. "Okay! sige," pagtango ko. Araw ng Sabado. Napagkasunduan naming magkakaibigan na magsabay-sabay na lang sa pagbiyahe kesa magpahatid pa sa aming magulang. Magboboard din si Zaldy pero medyo malayo sa uupahan namin. Ang boarding house kasi na ito exclusive for girls only. Napilitan tuloy itong maghanap mag-isa ng mauupahan. Nagkanya-kanya muna kaming ayos ng gamit. Nilabas ko mula sa aking bag ang aking mga gamit at iniayos ang mga damit sa cabinet na nandoon sa silid. Pinagpagan ang double deck na kama na meron ng kutson at sinapinan. Wala pa akong mga unan kaya mamaya ay bibili ako. Tamang tama at pupunta kaming mall. Naupo ako sa gilid ng kama. Sinilip ang laman ng pitaka. Sasapat pa ang pera ko. Ngunit kailangan pa ring magtipid. Nagpadala ang tita Astrid no'ng isang araw. Tinupad nito ang pangako sa akin bago ito umalis pabalik ng ibang bansa. Buwan-buwan magpapadala ito ng pera pambayad sa upa at pandagdag panggastos na rin sa pag-aaral ko. Kailangan makakuha ako ng part time job. Pandagdag allowance ko na rin. Ayokong laging umasa sa tulong ni Tita Astrid at mas lalong ayokong mamroblema ang nanay at tatay sa pagpapaaral sa akin. Pumasok sa loob ng banyo si Charlene para maligo. Habang ako naiwang nakapangalumbaba na nakaupo sa kama. Kinuha ko ang phone sa tabi ko. Lumiwanag ang mukha ko ng makita kung sino ang tumatawag. Kinagat ko ang labi sa pagpipigil na mangiti. Tumikhim ako bago pumindot sa answer key ng phone ko. "H-hello," nauutal sa kabang sagot ko. "Hi baby. Miss me?" she heard him laughed before he answered. "Miss mo mukha mo!" pagsusungit ko upang pagtakpan ang kabang nararamdaman pati na rin ang excitement pagkarinig ko sa boses niya. "Miss pala pero di naman nagpapakita," dugtong ko na may himig pagtatampo. I heard him laughed again and I swear, he has that manly laughed that is so good to hear. "Ang cute mo magtampo. Baba ka na para makurot ko na pisngi mo," at nawala na ito sa linya. Nagtatakang napatitig ako sa aking telepono. Bumaba daw ako. Nagugulumihanan na lumabas ako ng silid at bumaba sa unang palapag ng bahay. Nasa huling tatlong baitang na ako ng mapatigil sa paghakbang. Paano ba naman ang bumungad sa akin ay isang malaking white teddy bear. Human size ito at may pulang laso sa leeg. May hugis puso pa sa dibdib. Humakbang ulit ako pababa at ganun na lang ang naging pagkabog ng aking dibdib ng lumabas mula sa likuran nito ang mukha ng may hawak dito. "Surprise!" he greeted her then flash his gorgeous smile on her showing his perfect white teeth. "For you," sabay abot sa kanya ng malaking teddy bear na agad. Natutulala pang inabot ko naman ito. Nagpipigil ang ngiting hinampas ko ito sa braso. "Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko. "Bumibisita. Di ba miss mo ko?"tudyo nito sa kanya. "Sinong may sabi? Hindi kaya!" nakalabing sagot ko dito sabay irap. Hinawakan niya ang aking pisngi at bahagyang pinisil iyon. "Sus! Kunwari pa. Namiss din kita. Sobra," sabay ngiti sa kanya at tinataas-taas pa ang dalawang kilay. Natawa na lang ako sa tinuran nito. Pinasadahan ko siya ng tingin. Halos tatlong buwan na ng huli kaming magkita. At sa loob ng tatlong buwan ay mas lalo itong gumwapo at kumisig sa paningin ko. He even has a new haircut na mas nagpaaliwalas sa mukha nito. He looks fresh and stunning on his long sleeve shirt and fitted jeans. Sa text at tawag lamang kami nagkakausap. Alam ko naman na sobrang busy nito at kinailangan pang magpunta sa ibang bansa para asikasuhin ang negosyo ng pamilya nito. Kung di nga lang ako nakapagpigil ay baka napalundag na ako sa sobrang tuwa at mayakap ko pa ito. "Sige na nga. Konti," pagbibiro ko at tinaas pa ang kamay at minwestra ito sa mga daliri. Napatawa na lang ito ng mahina. "Salamat pala dito sa pasalubong mo. Nag-abala ka na naman." "Wala 'yan. Para di mo ko mamiss kaya 'yan ang dala ko. Itabi at yakapin mo 'yan sa pagtulog mo sa gabi. Isipin mo na lang na ako katabi at kayakap mo." Nanunudyong sagot nito sa kanya at pasimpleng hinapit ako sa aking beywang. Ang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa kilos niyang iyon. Kung hindi ko lang yakap ang stuff toy na bigay niya malamang ay tuluyang nayakap na niya ako. " Ang corny mo! Tara do'n tayo," pag-iwas ko at iginiya ko ito sa sofa sa munting sala ng bahay. Magkatabi kaming umupo sa mahabang upuan. "Paano mo nga pala nalaman kung nasaan ako?" tanong ko. "Kadarating ko lang kaninang umaga. Dumiretso ako sa bahay nyo pagkagaling sa airport. Kakaalis 'nyo pa lang sabi ng Nanay kaya pagkakuha ko ng address ng tutuluyan 'nyo ay pinuntahan agad kita dito. Napataas ako ng isang kilay. "Nanay?" "Oo si nanay." " Nakikinanay ka sa nanay ko?" "Baby nagpapraktis na ako. Mas maganda 'yong ngayon palang masanay na ako sa pagtawag ng nanay at tatay sa magulang mo," ngumiti pa ito ng may halong kapilyuhan sa akin. " Naks! Confident. Sure ka bang magiging tayo?" pang-aasar ko. " Oo naman. You'll be mine and I'll be yours!"sabay kindat pa nito. Natigilan ako sa sinabi nito. Nagwawala ang puso ko sa mabilis na pagtibok. "Ewan ko sa'yo! Sa haba ng biniyahe mo naalog na ng husto ang ulo mo,"sabay hampas ko sa braso nito. Nasa ganoon kaming eksena ng makarinig kami ng eksaheradang pagtikhim na sabay naming nilingon. Si Charlene na nakapameywang na sa harap namin. "Ahm, Charles andiyan ka pala. Si Grey," pakilala ko dito. " Hi! Charlene. The bestfriend," turan ng kaibigan na nagpacute pa. " Hi! Nice to meet you," ani Grey sabay lahad ng kamay kay Charlene. Agad naman itong tinaggap ng kaibigan at makajulugan ang ngiting nakipagkamay kay Grey. "Ikaw pala si Grey," maarte pa nitong turan sabay hawi ng buhok sa likod ng tenga. "Ang gwapo mo pala sa personal. Aray!" impit nito ng pasimple niya itong kurutin sa tagiliran. Napabaling ito ng tingin sa akin kaya pasimple ko itong pinandilatan ng mata. "Eto naman selosa! Hmp!" At umupo ito sa pang isahang sofa. Nahihiyang napakamot ako sa leeg sa tinuran ng kaibigan. Siya namang pasok ni Tiyang Belen na may dalang isang tasa ng kape. "Grey hijo magkape ka muna," alok nito kay Grey. "Salamat po." At inabot ni Grey ang tasa ng kape mula rito. Umarteng umubo-ubo ng malakas ang kaibigan sa gilid ko."Cho-co-late!"bigkas pa nito habang kunwaring umuubo. Pinandilatan ko itong muli. Natawa naman si Grey at inabot mula sa gilid ng upuan ang tatlong paperbag na may tatak ng isang sikat na chocolate brand. Iniabot nito iyon isa-isa sa kanila. "Wow! Prepared. Boto na ako sa iyo para sa kaibigan ko," at nag-apiran pa ang dalawa. "Dalaw ka ulit ha!" At talagang humirit pa. Natatawang napahawak na lamang sa batok ang binata. Nilubog ko ang mukha sa stuffed toy na yakap upang itago ang aking mukha na labis na ang pamumula sa hiya. Ang kaibigan ko talaga napakataklesa. Masaya pang nagkwentuhan ang lahat hanggang sa magyaya si Grey na kumain sa labas. Tumanggi si Tiyang Belen. Naalala ko naman na makikipagkita pala kami kay Zaldy. Agad naman akong sinalo ni Charlene at nagsabing ito na lang ang makikipagkita kay Zaldy. Umakyat na muna ako sa silid. Naligo ng mabilis at nagbihis. I chose a simple navy blue dress. Hapit ito sa beywang at bagsak lang ang laylayan nito na umabot hanggang tuhod. I paired it with my flat shoes. Nagpulbo at liptint at hinayaang nakalugay ang mahabang buhok. I then pick up my round sling bag and puts my phone inside it. Then I went downstairs. Agad namang tumayo si Grey sa pagkakaupo ng makita ako. Tipid akong ngumiti ng makasalubong ko ang matiim niyang titig sa akin. Nagpaalam na ako kay Tiyang Belen. Nagpaalala naman itong muli ng oras ng curfew. Sumabay si Charlene sa amin palabas at ibinaba sa harap ng mall kung saan ito makikipagkita kay Zaldy. Mauuna na din itong umuwi pagkatapos. Naiwan kaming dalawa ni Grey sa sasakyan. Nagpatuloy na kaming muli sa pagbiyahe hanggang sa iparada niya ang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko ng pigilan ako ni Grey. Hinawakan niya ako sa aking panga at bahagyang iniangat ang aking mukha. Then he landed a quick kiss on my lips. " I miss you so bad my baby," mapungay ang mata at buong paglalambing na wika niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD